At marami rin akong napapansing pagbabago kay Tiya, simula nang malaman niyang dumating na rito si Sir Handro. Gusto kong mangi-alam at magtanong ay hindi ko magawa.
Anong koneksiyon niya rito? Boyfriend niya ba si Sir Handro noon? O may nagawang kasalanan ang ginoo sa kaniya?
Maraming tanong na bumabagabag sa akin, pero naiibsan lamang iyon pag naka-usap ko na si Joaquin.
Ngunit panandalian lang din iyon. Pati minsan lahat ng tao rito sa loob ng mansiyon ay nagiging misteryoso na rin sa paningin ko. Hindi man nila sabihin, pero nahahalata na sa mga ikinikilos nila. Na para bang may sekreto sila, na ayaw nilang ipaalam sa akin.
O sadiyang ganoon lang ang nakikita ko at napapansin.
"That's good, Claudine. Kailan na ba ang contest na iyon?" Senyora asked me.
Naandito kami ngayon sa hapagkainan at sinabi ko na rin sa kanila na ako ang pinili para sa magaganap na Miss Bicol University.
"Next month na po 'yon, Senyora at may isang buwan pa po ako para magpractice ng talent at kung paano gumamit ng matataas na heels."
"Okay, sabihin mo lang sa akin ang dapat na kakailanganin mo. I'll call Mazoina para matulungan ka at para siya na rin ang bahala sa make-up at sa gown mo."
Tukoy naman nito sa make-up artist niya, pag palaging may okasiyon ay ang bakla ang nag-aayos sa kaniya at nang kaniyang susuotin.
"Opo, Senyora. Salamat po. Tutulungan rin po ako ng mga kaibigan ko," ngiti ko namang sabi sa kaniya.
Siya naman ay ngumiti lang din sa akin, habang si Don naman ay patuloy lang na kumakain at nakikinig sa usapan namin ng asawa niya. Kaya naman nagpatuloy na rin akong kumain.
At nang matapos ay ako na rin ang naghugas ng mga pinagkainan naming lahat. Habang sina Tiya at sila Ate Lucy naman ay sa maid quarters nag di-dinner, dahil abala na sa panonood ng pelikula habang kumakain.
"How's your day?" iyon agad ang bungad sa akin ni Joaquin, habang ngayon ay naka skype kaming dalawa.
Ngayon naman ay naandito lang ako sa labas ng maid quarters at kaharap ko rin ang mga activities at assignments na dapat kong tapusin. Dahil ipapasa na iyon bukas. May reporting rin ako sa prof ed, para mahasa ang skills namin sa pagtuturo sa mga bata.
"Okay lang. Ikaw?" parang nahihiya ko pa ring tanong sa kaniya.
Para bang hindi na 'ko nasanay na palaging ganoon ang usapan naming dalawa.
"Yeah, I'm okay," sagot naman nito at nginitian ako.
Pero ramdam ko pa rin ang pagod sa boses nito.
"You're answering again? Just asked me, if you don't know, what is it," he added.
"Alam ko naman. At t'ska wala ka ngayon sa condo mo. Nasa opisina ka pa rin?"
Tumango naman ito sa akin, pero nakangiti pa rin. Nakakatunaw pa rin talaga ang mga ngiti nito.
"I need to finish this proposal, kay Papa. He needs it by tomorrow."
"Hanla! Nakaka-istorbo na yata ako sa 'yo," ayos ko naman ng upo.
Umiling lang naman ito sa akin at tumawa ulit.
Ano kaya ang nakain nito? At sobrang saya niya.
"You're not disturbing me, Claudine. You're my stress reliever. I want to hug you right now ang kiss you...," namamaos pa nitong lintaya sa akin.
Hindi ko naman mapigilan hawakan ang pisngi ko dahil na naman sa sinabi niya. At ang loko ay natatawa na naman dahil sa nasaksihan.
"By the way. Hmm... Ano...," panimula ko.
"What is it?" he asked me before sipping his coffee.
"I'm the one who will represent our college department sa magaganap na Miss Bicol University at sa next month na iyon."
Tumaas at nangunot lamang ang noo nito sa sinabi ko.
"Ayaw mo ba?"
"It's okay for me. But I don't want to see you on the stage, wearing shorts. And I don't want to see some boys staring at your body, Claudine," he said in a serious voice.
Natatawa na lamang ako sa kaniya.
"Don't worry. Walang ganoon na magaganap. Nakapanood na rin ako dati ng sumali si Lorie. At prohibited sa school ang magsuot ng seksing damit," I explained ang gave him an assuring smile.
Nakita ko naman siyang nakahinga nang matiwasay sa sinabi ko. At para bang naalis ang malaking kutsilyo na nakatarak sa dibdib niya.
"Ang possessive naman...," I whispered and still laughing at him.
Pero narinig niya ata iyon.
"Yes, I'm possessive towards you, Claudine. And I'm coming home, before the contest, just to watch my woman."
Napa-nganga na lamang ako sa sinabi niya at wala pa man ang contest ay parang sasabog na ang puso ko dahil uuwi siya para panoorin lang ako.
Matinding pagkababog ang namutawi sa puso ko, dahil baka mawalan ako sa sarili habang nanonood siya sa akin. At hindi makapag-focus magaganap na contest.
To be continued...
Thank you for reading!
MariaMarj
YOU ARE READING
Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)
General Fiction❤️ COMPLETED ❤️ Gutierrez Siblings Series #3 The first time I saw him, he was really a mysterious one. Sa unang tingin niya pa lang ay para ka nang malulusaw. Malimit lang din itong magsalita, at para bang galit siya sa mundo. But as he got to know...
Chapter 21
Start from the beginning
