Tumango naman ito sa akin.

"Gusto mo ba at mahal mo talaga? Hindi ako nagalit sa 'yo, dahil alam kong dito ka sasaya, Claudine."

"Opo, Tiya. Gustong-gusto ko po siya. At parang mas naging kompleto ang buhay ko nang makilala ko si Joaquin."

Ngumiti naman siya sa akin at kinuha ang kaliwa kong kamay at hinaplos iyon.

"Alam mo, Claudine. Narito lang ako palagi sa tabihan mo. Kahit ano man sana ang mangyari ay huwag na huwag kang aalis sa tabihan ko. Ikaw na lang ang meron ako at tinuring na rin kitang tunay kong anak. Kaya kung masaktan ka man, 'wag kang magdalawang isip na kausapin ako at sa akin ka lumapit...," ngayon ay naluluha na nitong lintaya sa akin.

"Nako, Tiya. Ayan ka na naman, sa kadramahan mo. Walang masasaktan. At kung masaktan man ako, handa ako roon. Dahil lahat naman tayo ay nasasaktan physically at mentally."

Hindi naman siya nagsalita muli at ako naman ay inubos na ang bananacue na bigay nito sa akin.

"At bakit pala naka pang-alis kayo, Tiya. Saan kayo nanggaling?" I asked her astonishment.

"Ah... Nakalimutan ko nang magbihis at nagluto ako ng meryenda. Galing ako kay Carloz at sa mga pamangkin mo."

Namilog naman ang mga mata sa sinabi niya. Ngayon pa lang kasi ito dumalaw kay Kuya Carloz sa pitong buwan nitong pagkakakulong.

"Bakit naman, Tiya? Akala ko ba ayaw mo na ulit siyang makita?" aniya ko at uminom na ng orange juice.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"Kahit ayaw ko man ay pamangkin ko pa rin si Carloz. At kahit ano man ang naging kasalanan niya ay mapapatawad pa rin naman siya natin. Alam kong magbabago rin ang batang iyon."

"Eh ano po ang sabi?" taimtim ko nang tingin sa kaniya.

"Hindi naman siya nagulat at naging masaya pa nga ito nang makita ako. Iba na siya ngayon sa dating Carloz na nalulong sa droga at pag-inom ng mga alak," sagot naman nito sa akin at naka-ngiti.

Ako naman ay gulat pa rin. Dahil ako parati ang pumupunta sa kapatid ko para dalhan ng pagkain. Pero ang trato nito sa akin ay ganoon pa rin. Kung wala lang talagang mga pulis ay matagal niya na akong nilapa na para bang isang leon.

"Sa susunod ay ako na ang magdadala ng pagkain sa kaniya. Alam kong galit pa rin siya sa 'yo. At kung anu-ano ang mga sinasabi," dagdag pa nito sa akin.

"Opo..."

"At alam kong, marami itong sinasabi sa 'yo, huwag mo na lamang pansinin 'yon at pawang mga hindi makatotohanan ang sinasabi ng kapatid mo," lintaya nito sa akin at naka-focus ang mga mata nito sa mukha ko

Tumango na lamang ako sa kaniya, at hindi mapigilan na tumingin na lamang sa orange juice na iniinuman ko.

Dahil alam ko na sa mga ibinabatong salita sa akin ni Kuya Carloz ay mayroon pa rin doong totoo at hindi ko alam kung ano ba talaga iyon.

'Yong palagi niyang sinasabi na hindi niya ako tunay na kapatid. Ayon talaga ang palaging tumatak sa isipan ko.

Palagi ko ring pinagmamasdan ang larawan ng mga magulang ko at wala akong ni isang katiting na hawig sa tatay Carlitoz ko, pati na rin kay Kuya Carloz. Ang resemblance lang ng mukha ni Nanay ang namana ko.

Maliit ang hugis ng mukha. Hindi sobrang katangusan ang ilong, pero maliit naman iyon at parang pang barbie ang hugis nito. Ang kulay balat naman na pagiging morena ay nakuha ko rin sa kaniya. Pati na rin ang buhok nitong wavy. Pero ang kilay, pilik-mata. Ang mala-almonds kong mata at hugis ng pag ngiti ko ay hindi ko rin nakuha sa kaniya. At hindi ko rin iyon makita kay Tatay Carlitoz.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Where stories live. Discover now