"Sabi ko na nga ba, e!" Sigaw pa ni Lorieca.

Rinig ko rin ang iba kong mga ka block mates na nag palakpakan na sa nalaman.

Ako naman ay hindi makapaniwala. At umiiling-iling pa.

"Sorry to say this, Miss Arellano. But your name is now listed among the candidates for the Miss Bicol University. Alam namin na kayang kaya mo 'yan! You also have beauty and brains. May tutulong naman sa 'yo. At iyon ay si Ayah Lorieca Agapiña. She will be the one who will train you, how to be elegant when you're on the stage. Also, we are here to support you. Handa ang department natin na tulungan ka!" dagdag pa ni prof at parang excited na rin ito sa magaganap.

Wala naman akong masabi at kahit na ilang ulit na iyong sinasabi sa akin ni Lorieca ay hindi pa rin ako makapaniwala. At pati ngayon ay ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko, kahit next month pa lang naman magaganap ang pageant.

"Don't worry, Claudine. We are here to support you. Ako ang magtuturo sa 'yo, sa tulong na rin ng nag train sa akin, last year."

Sinimangutan ko naman si Lorieca.

"Alam mo bang, hindi pa man nagsisimula. Sobrang kinakabahan na 'ko. Ayoko talagang ma pressure. Pressure na nga ako sa studies natin, tapos may ganito pa."

"Gaga, huwag ka ngang maging nega girl! Sinabi na rin ni prof na sa lahat ng subjects ay may plus points ka. Plus na rin 'yong makukuha mong premyo. Malaki rin 'yon," Cherrie is now convincing me.

"Oo na, basta huwag niyo 'kong pababayaan, huh!"

"Sure!" chorus pa nilang sabi.

"Then tell this to Senyora and Don. 'Di ba sabi nila, they'll help you, pag ikaw ang kukunin. Alam kung tutulungan ka nila. At s'ympre ang lovey doveys mo!" si Lorieca naman iyon at tinusok-tusok pa 'ko sa tagiliran.

"Oo, sasabihin ko mamaya."

"So guys mauuna na 'ko. Naandito na si Manong...," paalam naman ni Lorieca sa amin nang tumigil ang kotse nila sa harapan naming tatlo.

Bago pa man siya sumakay ay beneso pa kami nito. At naghiwalay na rin kami ni Cherrie, dahil hihintayin pa nito si Renzo na mamayang alas kwatro pa ang awasan at pagkatapos daw ng klase ay may date na naman ang dalawa.

"Kumusta ang araw mo?" si Tiya habang binibigyan ako nito ng bananacue na meryenda nila kanina.

"Okay naman, Tiya. Kaya lang ano...–"

"Ano naman 'yon?" hindi niya 'ko pinatapos.

"Ako po 'yong sasali sa contest..."

Umupo naman siya sa harapan ko at nag-isip.

"Kaya mo ba? Wala tayong pera, para sa costume at gown mo."

"Don't worry, Tiya. May nakalaan na pera ang education para sa magaganap na Miss Bicol University. At naandiyan din ang dalawa kong kaibigan, pati noon ay sinabi ni Senyora na tutulungan niya rin ako," I said before eating the bananacue.

"Sasabihin mo na ba 'to sa boyfriend mo...?" tukoy niya kay Joaquin.

"Tiya, hindi pa kami! T'ska siguro pag nagtawagan kami mamaya. Sasabihin ko."

Nakita ko naman siyang tumawa dahil sa sinabi ko.

"Limang buwan na kayong nagtatawagan, wala pa ring ugnayan sa isa't isa?" mapaglaro na nitong ngiti sa akin.

"Wala pa rin, Tiya. Nasa stage pa lang siya nang panliligaw sa akin. T'ska ayoko namang magmadali. Apo pa rin siya nina Don at Senyora. At medyo busy rin siya sa business nila. At ayoko rin na maging hadlang ako roon. Okay na po ako sa ganoong sitwasiyon namin, Tiya. Alam kong may oras talaga para maging kami at hindi pa ito ang oras ngayon."

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora