"Mga loka! Okay lang naman sa akin ang maghintay. T'ska bakit sa akin na naman napunta ang usapan...," I pouted and lean my head on the lap of Cherrie, para mas maging maayos ang posisyon ko.

"Kayo ba? Kumusta ang love life niyo?" I asked them and just stared at the clouds.

Hindi iyon nakakasilaw at hindi rin madilim. Maganda ang panahon at ang sarap matulog.

"Ito, malapit na kaming mag five months ng baby Renzo ko. Tang-ina hanggang ngayon kinililig pa rin ako!" sigaw niya at kinikilig nga dahil ang dalawang paa nito ay nag papapadiyak na dahil sa kilig.

Kaya naman ang ulo ko ay naaalog na rin, dahil sa ginagawa nito.

"Ikaw, Lorie. What's your status with Laurence? Maayos ba?" I asked her.

Mas naging malapit kasi silang dalawa. At napapansin ko rin na para bang nilalayuan ako ni Laurence, pero hindi na rin iyon big deal sa akin. Dahil kung tutuusin ay mas gugustuhin ko na mapalayo si Laurence sa akin, lalo na't ayoko naman sa kaniya. At gusto siya ng kaibigan ko.

I heard her sigh.

"Oy, bakit naman? Nag-away kayo?" Cherrie asked, and now her bare hands are touching my silky hair.

"Hindi naman, naiinis lang ako kay Lycka Emiliéna. Bwisit talaga siya!" Sigaw naman nito.

Napahalakhak na lamang kami ni Cherrie sa kaniya. Gosh! Hindi pa ba siya sanay sa ugali ng babaeng 'yon.

"Pansin niyo ba?" tanong ko.

"Ano naman 'yon?" chorus pa nilang tanong sa akin.

"'Yong dalawa. Hindi na 'ko nilalapitan at hindi na rin ako inaaway ni Emiliéna. Pero okay na rin naman 'yon. At hindi big deal. Dahil noon pa man, gusto ko nang mapalayo sa kanila."

"Pansin ko rin 'yon. Kaya, kahit I want to ask, Laurence kung bakit ay hindi ko magawa," si Lorieca at binubuksan na nito ang chips na galing sa bag niya.

Kumuha naman kami roon at kumain.

"Pabayaan mo na 'yong dalawa, Claudine. Maayos na 'yon, para naman mas maging matiwasay ang araw mo na wala sila," si Cherrie at hinahaplos na nito ang buhok ko.

"Oo, ayos na 'ko sa buhay ko ngayon," wika ko pa at hindi mapigilan na kiligin.

Ilang buwan na nga ba kaming ganoon ang sitwasiyon ni Joaquin. Simula no'ng umalis siya. Araw-araw na kaming nag-uusap gamit ang skype at messenger para makapag video call. At limang buwan na rin iyon.

Sa mansiyon ay pinapabayaan na lamang nila ako. Noong minsan pa nga ay nahuli ako ni Tiya dahil nagising ito na wala ako sa tabihan niya. For the usual kasi nasa tambayan ako sa likod ng mansiyon at kausap doon si Joaquin.

Hindi naman ako pinagalitan ni Tiya, pero kinurot lamang ako nito. Dahil sa patagong pag-uusap namin ni Joaquin. Pati ang mga tao sa mansiyon at sina Senyora ay alam naman nila.

Natuwa pa nga ang mga ito, na para bang botong-boto sila na maging kami ng kanilang apo.

Minsan wala na rin kaming mapag-usapan ni Joaquin. Kaya habang nagtatrabaho siya ay nag-aaral naman ako.

After the election here, mga June ay siya na ang magiging CEO ng kanilang kompanya. Lahat kami ay imbitado at hindi ko rin mapigilan na ma-excite dahil sa wakas ay makikita ko na ulit siya. Pero ilang buwan pa ang itatagal bago ko siya makita muli sa personal.

"Okay class. We had a meeting kanina. And about 'yon sa magaganap na Miss Bicol University. Ako na ang naatasan na magsabi, dahil ako ngayon ang prof niyo. Nag botohan kami kung sino ang isasali at ang napili namin ay si Ms. Arellano," my professor said.

Your Mysterious Way (GSS #3 COMPLETED)Where stories live. Discover now