UNANG KABANATA (FIRST MOVE)

30.7K 546 44
                                    

ADAM

Trinity Restaurante

Alas-nuebe ng umaga . . .

Makalipas ang ilang taon ay hindi pa rin makapagpatuloy si Adam sa kan'yang buhay labis p arin ang kan'yang pighati sa pagkawala ng babaeng kan'yang minahal.

"Adam, alas-nuebe na ng umaga! Ang pinag-usapan natin ay eksaktong alas-otso ay nandirito ka na," agad na singhal sa akin ni Scott nang makapasok ako. "At ano naman sa tingin mo ang hitsura mo ngayon? Hindi ka ba nakakapagsalamin ha? Halos hindi ka papayagan ng security guard na makapasok dahil sa suot-suot mo. Hindi ko nga alam kung buhay ka pa o patay na. Ni hindi mo man lang pinaghahandaan ang pagpunta mo rito. Ni hindi ka man lang nakapag-shave ng iyong bigote at kailan ba binisita ng barbero ang buhok mo?" bulalas niya mukha na siguro akong ermitanyo o pulubi sa kan'yang paningin at hindi ko naman siya masisisi.

Mas lalao lang akong naiirita sa kuda niya para siyang pusa na hindi makaanak.

"Maaga pa para pagsabihan mo ako ng mga words of wisdom mo. Tell me, bakit mo ako ipinatawag? Siguraduhin mong importante ang sasabihin mo," diretso kong tanong dahil ayokong tumagal pa.

"Kung nagbago ang iyong hitsura hindi din imposible na nagbago pati ang iyong ugali," wika niya na tila nanunuya.

"Alam mo naman na sa mga oras na ito ay grabe ang traffic sa daan. Isip-isip din pag may time," wika ko habang pinu-puwesto ang aking mga kamay sa likod ng aking ulo.

Napabuga naman siya ng hininga na para bang kinakalma ang kan'yang sarili.

"Mayroon tayong isang misyon at kailangan namin ang kooperasyon mo, Adam. Ikaw lamang ang naisip kong makagagawa nito," aniya at mayroong isang tila folder sa kan'yang likuran.

"I'm quitting," agad kong sagot bago pa man niya buksan ang folder.

"You're not-" agad kong pinutol ang mga susunod niyang sasabihin. I know where the hell this is going.

"Serious?"

"Bakit?" tanong niya na nakasimangot sa sinabi ko.

"Wala na akong gana sa mga ganito," sagot ko ngunit mukhang hindi siya sang-ayon sa aking tugon.

"Dahil ba sa kan'ya?" tanong niya na sumulyap sa singsing na suot-suot ko.

"Huwag mo siyang isama rito," galit kong saad ngunit tiningnan niya lamang ako na para bang nababaliw na.

"Adam, hindi ka pa kasal! Kaya bakit mo suot ang singsing na 'yan?" mahinang sigaw niya bakas sa kanyang mukha ang galit at pagkaawa. I know I shouldn't be wearing this but this the only thing that keeping my faith to her.

"Tingnan mo! Nagbago ka na tingnan mo ang sarili mo sa salamin, Adam. Akala mo ba magiging masaya siya sa estado ng buhay mo ngayon?"

"Para sa akin ay kasal kami. Sa puso ko kasal kami at buhay pa rin siya Scott. Alam ko iyon, tawagin mo man akong baliw o ano I just can't help but to think of her every day. You don't know what I am going through. Let me be just please let me be. I am dealing this with my own fucking way."

Loving Him (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon