"Mayro'n ako dito, kuya. Nasa mahigit 400 thousand 'yon dahil sa tip ng kliyente ko 'yon eh," sabi ko naman.

"Anong ginagawa mo, anak? 'Wag mong sabihin na..." Umiling ako kay mama.

"Art commission po 'to, ma. Gumagawa po ako ng mga paintings at illustrations para kumita. Puri taga ibang lahi po ang kliyente ko," sabi ko.

"Gano'n ba? Sige, naiintindihan ko, anak. 'Wag kang masyadong magpapa-pagod ah?" Tumango ako at hinalikan kami ni mama sa noo.

"Withdraw ko na lang bukas sa bangko mo 'yong pera para mabayaran na ang mga utang. Dapat talaga ay kinukulong ang lalaking 'yon eh," komento ni kuya.

"Tulog na tayo at bukas na nating problemahin 'to," suhestyon ni mama at humiga na ko sa kama at lumabas na sila.

~ AFTER THREE DAYS ~

Nandito kami ni Rodney ngayon sa isang park na malapit sa campus at tinutulungan siyang mag-practice na manligaw.

Wala namang klase ngayon at mamayang hapon pa naman ang duty namin. Natapos ko na din naman kanina ang mga commissions ko at hinihintay na lang ang bayad bago ipadala ang mga nagawa ko.

"Sure ka ba na hindi corny ang mga sasabihin ko, Jen? Baka tawanan lang ako no'n eh," kabadong komento niya.

"Alam kong okay lang naman ang sasabihin mo eh. Basta galing sa puso," suhestyon ko at tumango siya.

Lumuhod siya at umupo ako sa bench. Inabot niya ang bouquet ng bulaklak sa 'kin.

"Alam kong hindi ako mayaman at kahit na gano'n ay gagawin ko ang lahat para lang sa 'yo. Gagawin ko ang lahat para lang mahalin mo din ako." Napangiti ako.

Kahit na hindi ko alam kung sino ang gusto niyang ligawan ay sana mahalin din siya nito at sana ay makita ang halaga niya.

"What the fuck are you doing?" Agad kaming nagulat nang may nagsalita at nakita namin sila Clark - kasama niya sila Azel at Archi.

"Wait. Clark! Nagkakamali ka." Agad ko siyang pinigilan nang susugurin niya na si Rodney. Agad ko siyang niyakap.

"Mali ang iniisip niyong tatlo," sabi ko pa at napatingala ako sa kaniya.

"Nagpa-practice kami kasi may gusto siyang gawin eh. Tinutulungan ko lang siya," sabi ko pa sa kaniya.

"Fine. Just make sure not to do something that I won't like, ai. Or else..."

"Alam ko at naiintindihan ko 'yon, Clark. Kaya kalma ka na, please." Huminga siya ng malalim at yumakap sa 'kin.

"Sis? Saan ka pupunta?" Napatingin kami kay Azel nang naglakad na siya paalis.

"Balik lang ako sa campus at may gagawin lang doon." Medyo nagtaka ako dahil sa ang lamig niyang sumagot.

"Anong nangyari kay Azel? May problema ba siya?" takang tanong ko at nagkibit-balikat si Clark.

"Sundan ko lang siya. Mayro'n din kasi akong gustong pag-usapan namin eh," sabi ni Rodney at agad siyang sumunod kay Azel.

"Doon tayo sa condo ni Clark, Jen? Hayaan na lang muna natin si Azel dahil sa may problema kagabi 'yon eh," sabi ni Archi.

"Dahil ba 'yon sa balak ng isang customer na siraan ang cafe?" Tumango siya at napabuntong hininga ako.

"Sige, doon na muna tayo sa condo mo, Clark." Tumango siya at sumakay na kami sa sasakyan para makapunta na sa condo niya.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Habang nabyahe ay naka-connect ako sa pocket wifi at nakita kong nabayaran na ako ng mga kliyente ko.

"P'wede bang pumunta na muna tayo sa pag-delivery ng mga paintings? Nabayran na kasi ako eh." Saad ko.

"Sure. Let's go there first," sagot naman ni Clark. Tumingin ako sa phone ko ulit at nanlaki na naman ang mga mata ko.

"Kahit na matagal ko nang nagagawa 'to ay nagugulat pa din ako sa tuwing nakakakuha ako ng malaking tips," komento ko.

"Minsan, nasa $3,000 tapos nasa $10,000 tapos ngayon naman ay nasa $15,000 na," komento ko naman ngayon.

"Ganiyan talaga 'pag mahilig sa mga arts, Jen. I know someone na ganiyan din magbigay ng tips 'pag nagustuhan ang commission," komento ni Archi.

"Gano'n ba 'yon? Okay, sana next time ay masanay na ako sa ganito," saad ko naman at tumahimik na habang nabyahe pa din.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa condo at tapos na namin ipa-delivery ang mga commission ko. Agad akong napa-upo sa sofa dahil sa pagod.

"I guess, you should take a rest first, Jen. You look so tired," saad ni Clark at binuhat niya ko para pahigain sa kama niya.

"Sorry..."

"No need. I know that you've been working too hard, ai. You really need rest," bulong niya at pinahiga ako sa kama.

"Rest well..." bulong niya pa at hinalikan ako sa noo ko. Naglakad na siya palabas ng kwarto niya.

Pumikit na ako at hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa tinapos ko lahat ng mga commissions ko.

Umabot na kasi ng limang milyon ang utang ni papa kaya naman kailangan naming mag-trabaho ng todo ni kuya para mas kumita pa.

Maya-maya lang ay tuluyan na kong nakatulog dahil sa sobrang pagod.

••••• END OF CHAPTER 25. •••••

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now