Tumango ako at hindi na nagtanong pa. Sana nga lang ay hindi nila malalaman ang tungkol dito kundi, baka may mangyaring hindi dapat.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa eskwelahan at bumaba na sa sasakyan. Nasa tabi lang ng sasakyan ni Clark ang sasakyan ni Archi.

"Good morning." Bati ko sa kanilang magkapatid. Ngumiti sila at niyakap ako ni Azel.

"Gala tayo mamayang after class, Jen. Tayong dalawa lang," pag-aya niya.

"Sige. Mamayang 4 PM pa naman ang duty ko eh," saad ko naman at napangiti siya ng todo.

"Oo nga pala. Merong nagtatanong kung ano ang mga requirements na kailangan para sa scholarship dito," saad ko sa kaniya.

Binigay ko 'yung papel para sa contact ng katrabaho ko at kinuha naman niya 'yon saka ngumiti.

"Sige. E-mail at text ko na lang siya para sa requirements na kailangan niyang ipasa sa 'min," sagot niya.

"Sige. Salamat. Hindi ko kasi masabi sa kaniya dahil baka nag-iba na ang requirements niyo eh," paliwanag ko.

"Yeah, iniba nga namin ang mga requirements kasi may nangyaring hindi dapat." Napabuntong hininga siya.

"Bakit? Ano nangyari?" takang tanong ko naman.

"Doon tayo sa office para mapag-usapan ng maayos," suhestyon ni Archi kaya naman pumunta na kami doon.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa office at umupo sa sofa. Binigyan ako ni Azel ng plato na may tinidor at kumunot ang noo ko.

"Nakita ko kasi na may dala kang Palabok kaya kainin na natin 'yan ngayon pa lang," nakangiting saad niya.

Kaya naman nilagay ko na 'yung Palabok sa plato at pinaghatian na naming apat 'yon para kumain.

"Ay, saglit. Nakalimutan ko 'yung Kalamansi. Buti na lang ay apat 'yung binili kong Palabok kanina," komento ko.

Nilagyan ko na ng Kalamansi 'yung Palabok at hinalo para maihalo ang Kalamansi para pantay ang lasa nito.

"We changed the requirements dahil sa may isang nagpanggap na estudyante at dinoktor ang grades," paninimula ni Azel pagkakain ng Palabok.

"Isa sa requirements namin ay ang 90 and above na grades to be eligible to become a scholar here, right?" Tumango ako.

"Dinoktor ng taong 'yon ang grades niya then, after that, that the same person said na tinanggap siya dito as scholar without further investigation dahil pinaggawa niya lang daw sa iba ang grades niya."

"That's the start ng issue at muntikan na kaming maipasara kung hindi lang talaga kami tinulungan nila dad," paliwanag niya.

"Bakit naman niya ginawa 'yon? Inutusan ba siya?" Tumango si Archi.

"Clark's parents. Naipasara kasi ang school na pinagmamay-ari nila because of illegal activities," sagot ni Archi.

"Illegal activities?"

"Yeah, like there's an illegal casino within the school. Someone revealed it because that person's father is a well-known senator who hates my parents," paliwanag ni Clark.

"Mukhang maraming may galit sa parents mo, Clark," komento ko at napabuntong hininga siya.

"To be honest, even me, I hate them also. I hate their attitudes more than before," sagot naman niya.

"Talagang magkalaban ang mga Samonte at Chua ah? Grabe naman," komento ko pa at kumain.

"If something happens and they learned about your relationship, just tell us. Tutulungan namin na protektahan si Jen," sabi ni Azel.

"Don't worry; I'll let you know about that soon if they found out," sagot naman ni Clark.

"Jen is my best friend too so, I want her to be safe. Saka, aagawin ko pa siya mula sa 'yo." Natawa ako ng mahina.

"Best friend mo na talaga ako, Azel. Kaya 'wag mo nang asarin si Clark kasi baka mas lalo siyang maghigpit," sagot ko naman.

"Sige. But, let's have a bonding later bago ka pumasok sa café mamaya," pag-aya niya.

"Hindi kaya magkaroon ng issue dahil dito, Azel? Ikaw ang boss ko kaya baka kapag nalaman ng iba ang tungkol dito ay kung ano ang isipin nila," nag-aalalang saad ko.

"Don't worry, ako ang bahala. 'Wag ka nang mag-alala, okay?" Tumango na lang ako habang nag-aalala pa din.

"Let's finish this at baka ma-late pa tayo sa klase," sabi ni Archi at kinain na naming 'yung Palabok para makapasok na.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa klase at dini-discuss ni ma'am ang tungkol sa project namin na ipapasa.

"Wow. Dapat pala may survey na ibibigay sa customers," bulong ko at sinulat 'yon sa notebook.

"So, this will be the ending of our discussion. May 30 minutes pa tayo kaya meet up with your groups now," sabi ni ma'am at nagsipuntahan na kami sa mga ka-grupo namin.

"I'll be the one who's going to make the survey then, check it after I finished," suhestyon ni Clark.

"Sige. Tapos dagdagan na lang naming if ever na may gusto kaming idagdag," sagot naman ni Azel.

"Maghahanap pa ko ng mga pagkain na pwedeng ibenta. Para naman may pagpipilian pa tayo," sabi ko naman.

"Sige. Sabihan mo na lang ako para makabili ng ingredients na kakailanganin para matikman," sagot naman ni Archi.

Tumango ako at pinag-usapan pa ang tungkol sa project na gagawin ngayon para makapasa.

••••• END OF CHAPTER 21. •••••

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now