"Oo. Pero nagluluto sila 'pag mga 10 AM na dahil sa malapit sila sa isang call center na building kaya sa kanila nagsisi-kainan ang mga nagta-trabaho doon," sagot ko.

"I see... Makabili nga doon. Masarap kasi 'yung Palabok so, I think that masarap din ang iba nilang putahe," komento niya.

"Masarap din 'yung Sopas na nakain ko noon mula sa kanila eh. Saka, bumili naman ako ng Spaghetti ngayon," pag-deklara ko.

"Really? Patikim ako mamaya." Tumango ako at kinain na 'yung candy na binigay sa 'kin ni Clark kanina.

"Clark, sa Sabado ba ay busy ka?" tanong ko at lumingon sa kaniya.

"Yeah, why?" Napangiti ako.

"Date tayo? Gusto ko kasing bumawi sa 'yo no'ng Sabado," sabi ko sa kaniya at napangiti siya.

"Sure. Let's have a date at 9 AM. Let's meet each other again at the park where we met last time." Tumango ako.

"Jen, dapat hindi ikaw ang nagyayayang makipag-date. Si Clark dapat ang unang nagyayaya," pagsita ni Azel.

"Hindi ba pwede na ako ang magyaya? Masama ba 'yon?" tanong ko naman at napabuntong hininga siya.

"Ano ba ang gagawin ko sa 'yo? Mamaya, turuan kita para naman mahirapan si Clark kahit paano mula sa panliligaw niya sa 'yo," pag-deklara niya.

"Fine. I'll make sure that whatever you do, I'll get her, Azel. She'll love me too." Natigilan ako sa sinabi ni Clark.

'She'll love me too...' Too...? Mahal niya din ako? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon.

"Malapit nang mag-7. Tara na sa classroom at baka ma-late pa tayo nang wala sa oras," pag-aya ni Archi at tumayo na kami.

Naglakad na kami palabas pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang tungkol sa sinabi ni Clark dahil sa mas lalo akong umasa.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa klase at nakikinig kay ma'am. Meron daw siyang ibibigay na activity at by pair ang paggawa no'n.

Kailangan daw naming mag-ikot sa buong campus at hahanapin ang mga sagot sa tanong na ibibigay sa'min mula sa paligid.

Kaya naman naghanda na ko at gusto kong maka-partner si Clark para naman matanong ko siya tungkol sa sinabi niya kanina.

Aayain ko na sana siya nang biglang lumapit si Azel sa'kin at hinawakan ako sa kamay ko.

"Ako ang partner mo at hindi si Clark." Sinamaan agad siya ng tingin ni Clark dahil sa sinabi niya.

"Ako ang mas nauna, Clark. Kaya 'wag kang magalit diyan. Ang bagal mo kasi." Natawa naman si Archi dahil sa nangyari.

"Sige. Tayo na ang mag-partner," pag-payag ko sa sinabi ni Azel. Napabuntong hininga naman si Clark dahil sa sagot ko.

"Next time, she's my partner. Remember that, Azel," mariing saad ni Clark at napangiti si Azel.

"Tara na. Magsimula na tayo, Jen." Tumango ako at tumayo na mula sa upuan ko.

Kinuha ko na ang mga gamit ko saka naglakad na palabas ng room para umpisahan na ang paghahanap ng sagot para sa mga tanong na binigay.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa playgroud ng campus pero wala pa rin kaming nasasagutan kahit na isa. Kaya naman tumingin kami sa buong paligid.

"Jen, what're your feelings for Clark? Do you like him?" tanong niya sa 'kin.

"Bakit mo naitanong?"

"Nothing... It's just like, Clark is a heartless guy when it comes to other people but, pagdating sa 'yo ay napaka-gentle niya," paliwanag niya.

"Ayokong may gawin siya sa 'yo wherein, masasaktan ka niya. As your best friend, ayokong makita na nasasaktan ka," nag-aalala niyang saad.

"Sa totoo lang?" Tumango siya.

"Mahal ko siya, mas higit pa sa pagiging best friend, Azel. Pero, ayokong umamin sa kaniya dahil natatakot ako," sagot ko.

"Bakit? Ano nangyari? Dahil ba ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyo?" Tumango ako at bumuntong hininga.

Hula ko ay p'wede ko naman siyang pagkatiwalaan at hula ko ay pwede kong i-kwento sa kaniya at tungkol dito sa problema ng magulang namin.

"Saka may isa pang problema eh..." nag-aalala kong saad at umupo sa bench. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Tell me, I'll listen. I know that Clark is your best friend but, there are still some things that you can't tell him and you can tell me." Niyakap niya ko.

"May issue ang parents niya sa tatay ko. Hindi lang namin alam kung ano 'yong issue na 'yon dahil hindi naman kami sinasagot sa tuwing nagtatanong kami," pag-kuwento ko.

"Saka..." Tumingin ako sa kaniya ng seryoso.

"Ipangako mo na hindi mo sasabihin kay Clark o kahit na kanino ang tungkol dito." Tumango siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Don't worry, you can trust me," paniniguro niya.

"No'ng nalaman ng tatay ko na nandito na sila Clark ay inutusan niya kong akitin at saktan si Clark sa huli."

••••• END OF CHAPTER 14. •••••

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now