15

914 53 15
                                    

CHIMERA XU 

"May pasok ka ba ngayon?" tanong ni Joshua na nakasandal sa pinto ng kwarto.

"Wala, pero may aattendan akong seminar," sambit ko habang nagsusuklay ng buhok.

"Pero masakit ang ulo mo," sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ko pa kasi sa kaniya sinabi 'yon? Nag-aalala na naman tuloy siya sa'kin!

Natural lang sa kaniyang mag-alala, kahit sino naman inaalala niyan, kahit 'yong disco ball nga na alaga-alaga niya ay binibigyan niya pa ng tubig dahil nag-aalala siyang baka raw mauhaw. Pero sa akin, ayaw na ayaw kong may nag-aalala sa akin, kaya ko namang tiisin 'to! Kaya kong mamuhay nang mag-isa.

"Ano naman?" pambabara ko.

"Hindi ka aalis. Dito ka lang sa bahay ko," he crossed his arms.

"Baliw ka ba? Hindi ako puwedeng umabsent nalang--"

"JUSWA!" napatigil ako sa pagsasalita nang may narinig akong matinis na sigaw mula sa bintana. 

I'm tempted to look at the window para sana makita kung sinong siraulong sisigaw nang tanghaling tapat but then Joshua stopped me, "Don't look at the window," pagbabanta ni Joshua na siyang pumigil sa'kin sa pagtingin. 

"Bakit? Kabit mo 'yon 'no," I teased him.

"Tulok, si Jeonghan 'yon. Akala ko ba ayaw mong malaman ng kahit sino ang about sa'tin? Once na malaman niya, ipagkakalat niya 'yan. Alam mo kung gaano kachismoso si Jeonghan," tumango nalang ako. 

Tama siya, tandang-tanda ko pang siya ang nagchismis sa maasim kong karibal about sa pagkakagusto ko kay Jun! Naaalala ko pa 'yong amoy ng babaeng 'yon nang magkatabi kami sa guidance office dahil sa nagsabunutan kami sa corridor. Gustong-gusto 'yan ni Jeonghan, hobby niyang magsimula ng away at magkalat ng chismis.

"E di mas may rason ako para umalis dito," sabi ko sa kaniya.

"Too late, you can't get out now," I sighed.

Paano ko 'to maipapaliwanag sa dean? Demanding pa naman din ang mga co-teachers ko, kailangan perpekto parati ako sa harapan nila.

Nagulat ako nang may kumatok sa pintuan, "Joshua tara shot!" boses 'yon ni Seungcheol!

"What the hell paano ka nakapasok sa bahay!?" hinila ako ni Joshua patayo. He told me to hide inside the bathroom, sumunod nalang ako.

"Bakit ang tagal mong buksan? Nagjajakol ka 'no?" pinigilan ko ang pagtawa ko't baka marinig pa ako ni Seungcheol sa labas.

Nararamdaman kong nagsasign of the cross na si Joshua't nag-aalay na ng dasal sa makasalanang si Seungcheol.

"Tara na sa baba at bawal ang bobo sa kwarto ko,"

"Tanga ka pala eh nalamangan kaya kita sa PE dati!" magsusuntukan pa ata sila bago umalis ng kwarto.

Nang wala na akong marinig na away, may biglang kumatok sa banyo, "It's me, Joshua. Babalik nalang ako mamaya okay? I saved my contact number on your phone. Message me if you need something," binuksan ko ang pintuan, inabot ni Joshua ang phone ko sa akin.

"Aalis nalang ako kailangan ko talagang umattend sa seminar na 'yon," he put his index finger on my lips to shut me up.

He glared at me, "I said no. Magpahinga ka rito,"

"Oh tapos ikaw iinom? Kapal ng bunbunan mo ah," hahampasin ko na sana siya pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa sentido.

"Magpahinga ka, kapag hindi ka nagpahinga mag-iissue ako ng resignation paper para hindi ka na pumasok sa school at magturo sa buong buhay mo," napanganga ako sa sinabi niya.

"Baliw ka ba!?" he gently grabbed my wrist para papuntahin ako sa kama.

"Just this day, 'wag ka nang pumalag. You're overworking yourself, wala ka pang maayos na pahinga, at hindi 'yon maganda para sa mag-ina ko,"

Mag-ina ko.

Mag-ina ko.

Mag-ina ko.

Parang tanga, bakit nag-uulit-ulit sa isip ko? I shook my head at saka siya sinamaan ng tingin.

"Kung tatakas ka na naman sa'kin Rara, may I remind you that I'm not kidding about that resignation thing," he gave me a serious stare before leaving the room.

Napalunok ako sa sinabi niya. Siguro nga'y hindi ko magagawang tumakas ngayon. Ramdam kong nagagalit siya, hindi lang niya nilalabas. Siguro dahil baka mapagbuntongan ko na naman ang anak niya.

Alam naman pala niyang tumatakas ako minsan kahit pinagbabawalan niya akong lumabas, pero bakit ngayon lang niya ako kinompronta about doon? He's really weird, and unpredictable.

Nakarinig ako ng tawanan mula sa baba, gusto kong tignan kung anong ginagawa nila pero natatakot akong baka malaman nila ang sikreto namin.

Namimiss ko na ring makasagap ng chismis mula kay Jeonghan na may halong panlalait pa. Gusto ko na ring makita kung paano ulit malasing si Seungcheol, nagdadala pa 'yan ng alak kahit sa klase noong college kami, isisilid niya sa lalagyanan ng C2 para kunwari iced tea lang.

Kung tutuosin mas marami pa akong memories kasama ang dalawang 'yon kaysa kay Joshua. Hindi talaga kami close, and what's happening to us right now is really out of this world.

We never expected that we'll end up together kahit muntikan na kaming magtutukan ng kutsilyo sa cookery class noon.

And I never expected him to take care of me this much. Kahit galit siya, binababaan niya na ang pride niya ngayon, hindi niya pinapakitang galit siya dahil alam niyang mababaw akong tao. After all those childish fights, pikunan, pandidiri sa isa't isa, kami pa ngayon ang magsisikretong may nangyari na sa amin. It feels unreal, it feels like I don't deserve any of these.

May mali, sobrang mali talagang magkaanak kaming dalawa.

Hindi ko deserve maging nanay ng anak niya.

Daddy ShuaWhere stories live. Discover now