32

827 52 21
                                    

CHIMERA XU

"It's a baby girl!" natutuwang sambit ni Doc.

I focused on the monitor. It's the only visualization that I'll be able to see. Mag-isa akong nagpa-ultrasound para sa gender reveal ng baby namin ni Joshua.

Pangalawang beses ko nang magpa-ultrasound pero ngayon ay sure na ako. Wala naman pala talagang tunog ang ultrasound eh.

Hindi alam ni Joshua na nagpa-appointment ako para sa ultrasound, busy siya sa trabaho't ayaw ko naman siyang istorbohin nalang parati. At least, alam kong babae si Sandy, ang anak namin.

Napangiti nalang ako't tumitig pang muli sa malikot kong anak sa loob ng aking t'yan. Nang matapos ang ultrasound ay nag-usap na kami ng doctor.

"Sure ka na ba talaga sa balak mo, Mrs. Hong?" tanong ng doctor sa akin habang inaabot ang picture ng baby ko.

Mrs. Hong, ang sarap naman pakinggan niyan doc.

Tumango ako, "Ilang buwan po bang dapat binebreast feed ang baby?" I asked her.

"Ang average niya ay five to six months," napaisip ako sa sinabi niya.

Kakayanin ko ba? Ilang buwan nalang ay lalabas na ang baby namin.

"It's dangerous to work right after giving birth, Ma'am," napakagat na laman ako ng kuko sa sinabi niya.

Ang alam ni Doc ay magtatrabaho ako overseas at iiwan ko kay Joshua ang anak namin. 'Yon naman talaga ang gagawin ko, ang pagkakaiba lang sa pagkakaalam ni doc ay akala niya, babalik pa ako matapos kong umalis.

"Alam ko, pero kasi," napatigil ako sa pagdadahilan nang wala akong maisip na palusot.

"Ma'am," she warned me.

"Buhay ko 'to doc. Pupunta nalang ako rito para sa breast milk. Kung hanggang saan ang kaya kong ibigay, gagawin ko bago ako manganak, Doc. Kahit dito lang ay makabawi ako kay Joshua," I told her.

I asked her not to tell Joshua about this thing. I will store my breast milk for Sandy, para kahit na wala ako sa tabi niya ay maranasan niya manlang makatikim ng  gatas ko.

Ang unfair naman kasing si Joshua lang ang nakapagbreastfe--- joke lang.

"I'm trusting you, doc. 'Wag mong sasabihing galing sa akin ang mga gatas ha," I asked her again.

She hesitantly nodded. Kinagat ko na lamang ang labi ko't saka pinagmasdang muli ang ultrasound picture ng anak namin ni Joshua.

Hindi na ako puwedeng magbackvout, I already signed a three years contract that after giving birth, ay magtatrabaho na ako sa isang school sa China. Hindi na ako makakahindi, career ko ang nakasalalay rito, kahit isuko ko pa ang responsibilidad ko bilang ina.

Breast milk, walang-wala 'to sa magiging ambag ni Joshua sa anak namin. Kung sana ay hindi lang panganganak at gatas ang maisakripisyo ko katulad ng ginagawa ni Joshua ngayon.

Nakakakonsensyang iwan siya nang mag-isa kasama ni Sandy. Dapat nandoon din ako lalo na't babae ang anak namin, mas maiintindihan ko siya. Pero, bwesit!  Naguguluhan na ako sa isip ko.

Nang makauwi ako ay inipit ko sa loob ng case ng phone ko ang first picture ng baby namin. Kahit ito lang, sa kaniya naman na ang lahat ng firsts ni baby eh, baka nga pati first tulo ng regla nakadocumentation pa.

Nakita ko siyang nagtitimpla ng kape sa kusina, "Saan ka galing?" he asked me.

"Kay Doc," he nodded.

"Dapat sinabi mo nalang sa akin na nandoon ka para sinundo kita," he told me.

"Hindi na ako baby para sunduin pa tanga ka ba," I dissed him.

"Pero may baby sa loob ng tiyan mo tanga ka ba?" he rolled his eyes. Attitude!

I just glared at him pero nang makita kong kumuha siya ng gatas sa loob ng frigde ay kinabahan ako! "Bakit hindi mo inuubos ang mga gatas mo?" reklamo niya at saka hinalo sa kape ang gatas na nasa loob ng isang baso.

Namulta ako sa ginawa niya. Sa lahat ba naman ng gatas sa loob ng ref, breast milk ko pa ang hinalo niya sa kape niya!

Nagtry kasi ako kaninang umaga kung paano magpump, ang lakas naman nitong si Joshua!

Nang humigop siya ng kape ay napakunot ang noo niya, napatingin siya sa basong pinaglagyan ng gatas kanina at humigop muli ng kape niya.

"Kingina mo," iyon nalang ang nasabi ko sa sobrang hiya. Hindi ko puwedeng sabihing gatas ko ang hinalo niya sa kape niya!

"Non-dairy milk ba 'to? Ang tamis niya," napapikit nalang ako nang nagtry pa siyang uminom ng droplets ng gatas mula sa basong iyon.

"Ganito ba 'yong iniinom mong gatas? Masarap pala siya sa kape," he said.

Nahihiya na talaga ako sa katulokan niya. "Breast milk ko 'yong ininom mo, putangina mo ka," napatingin siya sa gawi ko nang sabihin ko 'yon.

"Seryoso?" hindi niya makapaniwalang sambit. Tumango ako, napatakip siya ng bibig.

"Hala, ano kayang lasa kung iinom galing sa mismong---" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya nang salpakan ko ng tinapay ang bibig niya sa sobrang inis.

He chuckled, habang ako nag-iinit na ang mukha sa sobrang hiya ko sa ginawa niya! Nagpapractice lang naman eh! Nahalo pa sa kape nya, bwesit!

"Ang sarap naman pala ng gatas ng baby, sana baby nalang ako," he laughed while munching the bread.

"Juswa Hong!" I warned him.

"Ang unfair mo, napatikim mo sa'kin 'yong gatas mo pero kay Sandy hindi?" nawala ang inis ko sa sinabi niya.

I swallowed a lump on my throat, hindi 'yan totoo, Joshua.

I will make sure she'll have a taste of it. Sisiguraduhin kong kahit dito lang, maramdaman niyang ina ako.

"Puwede ko namang i-describe sa kaniya 'yong lasa. Ako nalang ang i-breast feed mo---" sinampal ko siya sa sobrang inis ko, tinawanan niya lang ako.

Makipagcooperate ka naman! Nagiging nanay na nga ako rito, nagiging bastos na tatay ka naman d'yan!



Daddy ShuaWhere stories live. Discover now