33

802 55 14
                                    

CHIMERA XU

Hindi ako makatulog! Kanina ko pa sinusubukang matulog pero hindi ko alam kung anong puwesto ang komportable para sa'kin.

Ramdam ko ang kiliti sa tuwing gumagalaw si baby sa loob ng tiyan ko. Kung puwede lang suntokin ko 'to eh para tumigil na sa kaka-wap sa matres ko, char.

Matulog nalang kaya ako nang nakatayo?

Naiirita akong bumangon, bitbit ang isang unan ay pumunta ako sa kwarto ni Joshua. Nang buksan ko ang pinto ay nagulat siya, masama ang tingin niya sa akin habang binabalot niya ang sarili sa kumot. "Bakit ba hindi ka kumakatok?" he asked.

"Nanunuod ka ng bold ano?" I teased him.

"Nagtatrabaho ako," he began typing on his laptop again.

Kanina pa siya nakatutok sa laptop niya. Kung tutuosin nga ay day off niya ngayon, pero nagtatrabaho pa rin siya.

 "Bakit ka ba nandito?" he asked me.

"Hindi ako makatulog," sambit ko.

"Anong gagawin ko? Mukha ba akong sleeping pills? Magpapasuntok ka ba para makatulog ka? What?" naiirita siyang nagtype, mukhang wala siya sa mood ngayon.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ako pumunta sa kwarto niya. Wala rin naman siyang magagawa kung hindi ako komportable sa baby na nasa sinapupunan ko. Wala naman siyang matres para makarelate sa akin ngayon.

I sighed, "Wala," walang gana kong sambit. Isasara ko na sanang muli ang pinto pero pinatigil niya ako.

"Hey," itinabi niya ang kaniyang laptop sa kaniyang hita at saka siya lumapit sa may pintuan kung nasaan ako ngayon.

Nakablack sleeveless shirt lang siya't gray shorts. Hinigpitan ko ang kapit sa unan ko nang tumingin siya sa akin.

"Gusto mo bang ipagluto kita?" he fixed my hair, I gulped.

Hindi na nga ako makatulog, papakainin niya pa ako, e di mas hindi ako makakatulog niyan!

"Hindi na, magtrabaho ka na ulit. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumunta sa kwarto mo," natatawa kong sambit at tinabig ang kamay niyang nagsusuklay ng buhok ko.

"Good night," bati ko bago tumalikod sa kaniyang ngunit bago pa ako makalayo ay humawak na siya sa braso ko para tumigil ako sa pag-alis.

"Dito ka na matulog," he told me with his gentle voice.

"Baka maistorbo lang kita--"

"Shh," he hushed me and then dragged me inside his room.

Kinuha niya ang laptop niya sa kama at saka ako sinenyasang humiga na sa kama niya. I refused, malikot akong matulog dala ng hindi ko alam kung anong puwesto ang magpapakomportable sa akin ngayong buntis ako.

"Sige na, as if naman hindi pa tayo nagsisiping," he smirked, sinamaan ko siya ng tingin.

"Nakapatay naman ang ilaw no'n! Saka lasing tayo noong nangyari 'yon, nakakainis ka talaga Juswa!" I frustratedly scratched my hair, he just laughed.

At dahil inaantok na rin ako, pumayag nalang akong humiga sa kama niya. Tumabi naman siya sa akin pero nakasandal lang siya sa headboard, nagtatype sa laptop niya.

Gustong-gusto ko na talagang makatulog, pero hindi ko magawa! Nadidistract pa ako sa tunog ng keypad ni Joshua, naiilang din ako sa presensya niya. Ang sarap pa sigurong panuorin ang malalaki niyang kamay habang nagtatype.

Hinarap ko ang paghiga ko sa kaniya, I tapped his arm, "Hindi ka pa ba matutulog?" I asked him.

"I have to finish this sht," he pressed his lips after he accidentally cursed, "Sorry,"

"Matulog ka na," I told him.

To be honest, na-aalala ako. Kanina niya pa ginagamit 'yong laptop, ang init-init na siguro ng CPU niyan. Kawawa naman 'yong laptop, purgang-purga na siguro siya sa mabibilis na daliri ni Joshua kapag nagtatype.

"Ikaw ang dapat matulog," He said to me.

"Matutulog ako kapag natulog ka na rin," napatingin siya sa akin.

"Okay," madali naman palang kausap 'to eh.

Pagkashut down niya ng laptop ay pinuwesto niya na ang sarili niya sa pagtulog. Nakatalikod siya sa akin, ang malapad na view ng likuran niya lang ang nakikita ko.

"Joshua," I called him.

"Hmm?"

"'Wag mong hahayaang maging jejemon ang anak natin ha,"

Sawa na ako sa jeje days namin ng kapatid ko. Baka kapag naisipan kong i-stalk sa facebook si Sandy ay may padlock pa ang bio niya at nagtatrabaho siya sa 'I don't work, I'm daddy's princess,' utang na loob naman.

Baka isabak pa nito ni Joshua ang anak namin sa mga rap battle sa eskinita! Colored juice na mahabagin 'wag naman po sana.

He chuckled softly, napaatras ako nang kaunti nang iharap niya ang pagkahiga niya sa akin. He's smiling at me.

"Kaya ba hindi ka makatulog dahil nag-aalala ka sa future ng anak natin?" he smirked.

Hindi, alam ko namang magiging responsable siyang ama kay baby. Kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi ko panindigan ang anak kong ito, baka patay na si baby kung hindi niya ako pinigilang magpalaglag noon.

Hindi lang talaga ako makatulog dahil malikot si baby! Pero in fairness ngayon, hindi na siya gumagalaw nang todo. Dahil ba sa nasa tabi ko na ngayon si Joshua kaya kumalma na siya? Hindi ko alam.

"Be with us in the future, we'll see," he smiled at me before closing his eyes.

Napalunok ako sa sinabi niya at saka sa view. Ang gwapo niya talaga, bwesit.

Hinarap ko nalang ang sarili ko sa kisame. Humawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ako ng kiliti. Napakagat ako ng labi, hindi 'yon si baby, alam kong hindi.

Pinilit ko ang sarili kong pumikit na lamang at ibalewala ang nararamdaman ko. Joshua, pinapahirapan mo na naman ako.







Daddy ShuaWhere stories live. Discover now