21

933 58 23
                                    

CHIMERA XU

Sa anniversary ng campus na pinagtatrabahuan ko, may mga booths na hinanda ang mga studyante para sa mga kapwa nila studyante rin.

Akala ko nga ma-eenjoy ko rin, pero tuloy pa rin pala ang trabaho namin sa loob ng faculty habang nagsasaya naman sa labas 'yong mga studyante, awit.

"Miss Xu!" napalingon ako sa pintuan. Ang bantot pala ng apilyedo ko, ngayon ko lang napansin nang marinig ko ang boses nitong studyanteng tumawag sa'kin.

"Bakit 'nak?" Lumapit ako sa pintuan para makausap sila.

"'Nak" talaga ano? Kingina niyo never kong papangaraping magkaanak na may mini garden sa kuko. Angas, parang nail art 'yong lupang nakasuksok sa gigilid ng mga daliri nila, charot.

Hindi naman sila sumagot, hinila lang nila ako palabas at saka kami tumakbo.

Kinabahan ako! Bukod sa malilibag at pasmado nilang kamay, baka malaglag din ang baby ko sa ginagawa nila!

"Ano ba!?" Naiirita ko silang tinabig.

"Sorry na Ma'am! Naexcite lang kami!" baka sa sobrang excite niyo malalaglag pa ang bata sa tiyan ko. 

Pero kahit na galit ako, sumama pa rin ako sa kanila. Hindi na nila ako hinila, nakasunod lang ako sa kanila habang naglalakad kami. Nang makarating kami sa paroroonan namin ay napakunot ako sa nakita kong arko.

Wedding booth amputa, wala namang gwapong teacher rito tapos ipagtatambal niyo pa sa'kin? Kayo-kayo nalang bahala kayong maumay sa mga mukha niyo.

"No," I told my students, pero pinilit pa rin nila akong pumasok.

"Sige na ma'am, biruan lang naman 'to saka wala ka namang jowa!" sambit ng isa.

"Oo nga, ma'am. Saka pinilit kami ng groom na kunin ka sa faculty," oh?

"Talaga?" napangiti nang makahulugan ang dalawa kong estudyante.

Bakit naman kasi nadadamay ako? Hindi naman teachers' day or observation day ngayon pero bakit parang pinaplastic pa rin ako ng mga 'to?

Walang pasabi nila akong sinabitan ng belo. Naghiyawan ang mga nanunuod na estudyante. Tinulak ako ng isa papasok sa loob at maglakad sa aisle nila habang hawak ang bouquet na gawa sa cartolina't crepe paper lang naman.

"Hmmm, listen," nagmic test ang lalaking na nasa stage ngayon, singer ata sa kasal-kasalan na 'to.

"Gotta change my answering machine, now that I'm alone
'Coz right now it says that we, can't come to the phone," napatingin ako nang mabosesan ko si Dino.

"And I know it makes no sense, 'coz you walked out the door,
And it's the unnie way I hear your voice anymore," Ano raw unnie way?

"It's ridiculous," bigla siyang natawa, kaya nagtake two siya.

Likuran pa lang din ng groom ko ang nakikita ko ngayon, pero alam ko na kung sino siya. Napangiti nalang ako sa kalokohan nilang lahat, kaso namisinterpret ng mga students! Kinikilig na tuloy sila sa amin ngayon.

Mabuti nalang talaga't hindi naman teacher galing sa school na 'to ang maglalagay sa'kin ng singsing na worth piso with freebies na candy galing sa tindahan.

"And I'm so sick of love songs, so tired of tears,
So done with wishing, you must be here" pakulot-kulot pa siya ng boses pero pinipigilan pa rin ni Dino ang pagtawa niya! Nahahawa tuloy ako, lalo na't humarap na rin sa akin ang mapapang-asawa ko ngayon!

Wedding song na pala ang "So Sick." Ang lakas naman ng mga trip niyo.

"So done with living, I love you more, so why can't I turn off the radio"

Parang ako rin 'tong si Dino, hindi na nag-chinecheck kung tama pa ba ang lyrics ng kinakanta ko.

"Kamsahamnida," nagbow si Dino habang nginingisian kami ng kasama ko.

"Para kang tanga, anong ginagawa mo rito?" hinampas ko ang balikat niya.

"Sinabi ko na ba sa'yong anak ako ng mafia boss at ang mafia boss na 'yon ay ang dean?" tanong niya, umiling ako.

"Malamang hindi kasi hindi naman 'yon totoo. Never akong nagsinungaling sa'yo ano,"

"Buong buhay ko puro pranks na ang inabot ko sa'yo, Jeonghan," I pinched his cheek, he pouted.

"Ikasal niyo na nga kami, gusto ko na siyang i-kiss," biro niya na ikinahiyaw ng mga hayok na students.

Kinasal kami ng mga studyante, itong isa parang ninakaw pa ata sa kumbento 'yong suot ng pari kapag nagmimisa. May nakasuot din ng pangmadre pero mukha siyang si Valak, naligaw ata hindi na alam kung paano babalik sa horror booth.

"You may now kiss the bride--" hindi na tinapos ni Jeonghan magsalita ang pari. He pecked a kiss on my cheek but in some angle, they might mistook it as lips to lips kiss.

Tinulak ko siya't sinamaan ng tingin, sa harap pa talaga ng mga bata! Nagtilian ang lahat, 'yong isa nagpatay-patayan pa sa sobrang OA.

At dahil valid ang marriage certificate namin nang isang oras, hindi kami puwedeng maghiwalay ngayon. Pabor naman sa'kin, at least makakatakas ako sa paperworks.

"Seryoso, bakit ka nga nandito?" Tanong ko sa kaniya.

Alam ko namang trip niya lang talaga akong ipalabas ng faculty dahil wala siyang kachismisan sa mga panahong ito.

"Susunduin ko lang si Dino, magjojollibee kami mamaya," he said.

"Sama ka?" he asked.

"Medyo nagkecrave din ako sa peach mango pie--"

"Dapat ililibre mo kami," napafacepalm nalang ako sa sinabi niya. Ano pa nga bang aasahan ko sa barat na 'to.

He giggled on my reaction. Hindi kalaunan ay tinignan na lamang niya ang singsing na sinuot ko sa kaniya, "Sana totoo 'to ano?" bigla niyang sambit.

Napatingin ako sa kaniya, "Totoong kasal? Sabi ko na nga ba may feelings ka talaga sa'kin eh," pang-aasar ko sa kaniya.

"Tanga, sana totoo 'yong singsing para masangla ko. Uhaw na uhaw ka sa pag-ibig ah, dehydrated ka?" tinarayan ako ni Jeonghan.

"Pero why not? Gusto mo ba?" he raised his brows to tease me.

Hindi pa rin nagbabago, malandi pa rin since day one. Kung hindi lang ako buntis, makikipagsabayan ako sa landi nito.

Teka, bakit ba hindi ako nakikisabay? Wala naman akong dapat ipag-alala dahil palagi naman kaming ganito kung mag-usap noon.

Bakit parang nakakaguilty na landiin pabalik si Jeonghan sa panahong ito?

Nagpapakaloyal na ba ako kay Joshua dahil magkakaanak na kami?

Ako, loyal?

Wow, I never thought that this child inside me would be my weakness.

Daddy ShuaWhere stories live. Discover now