25

920 57 26
                                    

CHIMERA XU

"Any questions?" tanong ko sa mga estudyante kong second period palang ay amoy imburnal na dahil sa pawis.

Isa lang ang electricfan sa room nila at syempre dahil ako ang teacher nila, sa akin nakatapat.

"Bakit po edukasyon ang susi sa tagumpay?" wala 'to sa topic na diniscuss ko pero ang kapal ng balakubak nitong estudyante ko para tanungin ako ng ganitong bagay.

Kingina mo pala eh mukha ba akong padlock para sagutin 'yan?

"Ma'am! Doorknob ka po ba? Kailangan ko kasi ng keys niyo," naghiyawan ang mga estudyante sa banat nitong isang kakagaling lang sa guidance office noong isang araw.

"Ekis-an ko kaya 'tong card mo para hindi marecord ng adviser mo ano?" nakangiti kong ganti.

Close sa akin ang mga estudyante ko, pero ang totoo niyan, wala naman akong pakialam sa kanila, char. Hindi ako nag-aral ng Education at kumuha ng licensure exam para gawin lang nila akong doorknob.

"Wala na kayong tanong related sa topic natin?" I asked, pero ngayon ay mas malinaw na.

Walang umimik, it's either naintindihan na nila nang maayos 'yong topic kaya wala na silang tanong or wala silang naintindihan kaya wala silang maitanong sa akin.

Kung sa pangalawang choice sila nabibilang, 'wag nila akong banat-banatan ng kaharutan. Panay reklamo pa naman ang mga magulang nito, puro kalokohan lang naman ang ginagawa ng mga anak nila sa klase.

Naku kapag college hindi na sila masasalba ng floor wax at walis tambo.

Matapos ang klase ko sa buong araw ay dumeretso ako sa parking lot, agad ko namang nakita ang kotse ni Joshua kaya pumasok na rin ako sa loob. Isa-start niya na sana ang engene pero pinahinto ko muna siya sandali, "Why?"

"Bibili muna ako roon," tinuro ko ang fishballan sa gilid ng campus.

"Oh, buy for me too," sambit niya habang inaabot ang makapal-kapal niyang wallet.

"Anong gusto mo ba?" I asked him habang chinecheck ang laman ng wallet niya. Siyempre nagtabi ako ng ilang pera hehe, char.

"I want that, uhm. What do you call that quail egg coated with orange batter again? That gravy-like sauce, I want the sweet and spicy one. Also, don't add the sauce and the street food together, okay? They should be on separate cups," nakakahilo naman 'to!

Isawsaw ko kaya 'yong sa kaniya sa sawsawan ng sandok, ano?

"Manong also sells juice! Buy me one too, please? That sweet beverage with tapioca balls and cubes of gelatins in different flavors," nagpuppy eyes siya sa'kin.

"Gulaman lang naman ang tawag do'n bakit mo ba ako pinapahirapan!?" naiirita kong sambit bago lumabas ng sasakyan niya.

"Manong pabili nga ng quail egg coated with orange-- kwek-kwek po," sambit ko't saka na ako kumuha ng sawsawan ni Joshua. Bumili na rin ako ng para sa akin.

Kung hindi lang talaga ako mabait, at kung hindi lang makapal ang wallet niya, asin lang ang ibibigay ko sa kaniyang sawsawan ng kwek-kwek.

"Pabili rin kuya nitong sweet beverage with tapioca balls and cubes of gelatins--- gulaman po, palamig hehe," nahihiya akong nagbigay ng bayad.

"Keep the change na kuya," pagmamayabang ko.

"Ma'am baka naman," biglang singit nitong studyante sa tabi ko.

"Kung may pera lang ako, baka ako pa magbayad ng isang dekada niyong renta sa bahay," sabi ko sa kaniya bago ako umalis.

Pinagbuksan ako ni Joshua ng pinto mula sa loob, binigay ko sa kaniya ang kwek-kwek at gulaman niya, "Thanks," he smiled gently at itinabi ang mga baso ng pagkain.

Ang simple niya talagang tao, pero putangina sinong tumatawag sa gulaman ng sweet beverage with tapioca balls and cubes of gelatin in different flavors?

"Does your doctor allow you to eat street foods?" nagkibit balikat ako.

"Wala naman siyang sinabing bawal? At saka hindi naman ako parating kumakain nito," I told him while munching my precious calamares.

"Kailan mo balak magresign?" napatingin ako sa kaniya.

Matagal niya na akong pinipilit na magresign para matutukan ko na ang pagbubuntis ko. Napapansin niyang panay ang tutok ko sa laptop, puro puyat ako't palagi akong pagod sa paper works. Of course, he's worried about our child.

Pero masaya naman ako sa ginagawa ko ngayon, hindi ko pa kayang magresign. Mamimiss ko ang mga studyante kong ang mga amoy ay parang nagnight swimming sa septic tank.

"After ng semester na 'to nalang," I told him.

"Actually magiging busy kasi ako these days, I can't assure na mahahatid at masusundo kita on time," He informed me.

Tumango-tango ako, "Ayos lang naman sa'king magcommute. Hindi naman ako lumpo ano ba," I rolled my eyes.

Masyado siyang protective at nag-aalala. Hindi na naman ako katulad ng Chimera na nakilala niya noong High school. Nakapagtransform na ako noong nag-prom kami.

Hindi naman ako lampa at napakahealthy ko pa. Sabi nga ni Doc ay sobrang lakas ng kapit ni baby, parang 'yong paglambitin ni Hoshi sa sampayan ng dorm nila para magpractice ng choreong ilalaban niya sa streetdancing contest na gaganapin sa barangay next month.

Pero sa totoo lang, hindi kailangang mag-alala ni Joshua sa akin. Hindi ko na tatangkaing patayin ang anak namin.

Ngayon pang nag-eenjoy na akong ipaglihi ang bata sa kaniya.

"Hindi, kasi 'di ba--ackk!" daing niya nang malamang mainit pa pala ang kwek-kwek na sinubo niya.

"Kita naman kasing umuusok pa sa init, isusubo agad," I scolded him.

"Malay ko ba? Hindi naman ako dating itlog para makaramdam sa kanila,"

"May itlog ka naman," I mumbled.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Itlog ka ba?" he asked.

"Hindi tanga ka ba tao ako--" 

"Kasi mukha kang bugok," Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

Hindi talaga puwedeng hindi kami magbardagulan!

Napangiti nalang ako nang makita ko siyang ngumiti dahil nilait niya ako. Napakaweird talaga ng pagbubuntis ko, hindi ba dapat ay mainis ako sa kaniya?

His smiles satisfy me, kahit sa anong dahilan pa. Basta ngumiti lang siya, sumasaya na rin ako. Damn, sana nga ay dahil lang ito sa paglilihi ko sa bata.











Daddy ShuaWhere stories live. Discover now