12

983 50 23
                                    

CHIMERA XU

Lumipas ang mga araw na parang walang ibang nangyari. Parang hindi siya nagalit, parang hindi ako umiyak sa harapan niya, parang bumalik lang kami sa high school.

Kung hindi lang ako buntis, baka nagsasabunutan na rin kami katulad ng dati.

Bago ako pumasok sa klase ko'y sinamahan niya ako sa clinic para magpacheck up. Humingi na rin kami ng vitamins at iba pang mga kailangan ko sa pagbubuntis. Joshua wanted the baby to be healthy kahit nasa sinapupunan ko palang siya.

While we're heading to the campus, I gestured him to stop driving. "Bakit?" He asked.

"Bilihan mo ako no'n," tinuro ko ang binebenta ng isang manong sa daan.

"Malelate--"

"Wala akong pakialam, kung ayaw mo ako nalang ang bibili. Wait," I attempted to unbuckle my seatbelt pero pinigilan niya ako.

"Ako na, ano bang bibilihin ko? That soy pudding with melted sugar syrup and tapioca balls?" napapoker face ako sa sinabi niya.

"Taho 'yon. Kingina mo," kinunotan niya ako ng noo.

"Okay? Tumatanggap ba si manong ng dollars?" napafacepalm ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung sosyal ba siya o ignorante lang na foreigner. Ako nga na chinese alam kong barya lang ang katapat ng taho!

Sandali siyang napatingin sa relos niya, "Whatever," he went out of the car to buy me that sOy pUdDiNg w/ m3LTeD sUg4r s¥rUp & tAp10cA bAlLz.

Pagkabalik niya'y agad niyang inabot sa akin ang taho. Napangiti nalang ako, mabuti nalang at naabutan pa namin si manong na naglalako ng taho. Hindi kumpleto ang weekdays ko kung hindi ako makakakain nito!

"Gusto mo?" I asked him. Tinapunan niya lang ako ng tingin.

Nang magred ang traffic lights ay inilapit ko sa bibig niya ang baso para pahigupin siya. Tumikim din naman siya, nag-approve pa siyang masarap.

"Ang sarap 'no? Pero bakit mo naman inubos lahat?" nginitian ko lang siya nang plastik, ngumiti rin naman siya nang nakakaasar. He chuckled as he started the engene.

Padabog kong tinapon sa basurahan 'yong plastic cup. Bitin tuloy! Dapat pala hindi ko nalang siya tinanong kung gusto niya, bwesit.

"Ang bitin," he said.

"E di bumalik tayo," I told him.

"No, late na ako. After kitang i-hatid may aattendan pa akong meeting," napatingin ako sa gawi niya.

"Seryoso? Dapat sinabi mo sa'kin agad! Ibaba mo nalang ako rito, maglalakad nalang naman din ako papuntang campus," Sambit ko.

Naguilty ako nang kaunti, kung ano mang trabaho niya, kung sino man ang mga boss niya pasensya na nagcrave at ako sa taho! Sorry!

"No, it's fine," he assured.

"Paano kung pagalitan ka ng mga 'yon? Ano bang trabaho mo?" I asked him.

"Freestyle rapper," Napahawak ako sa nosebrigde ko sa irita.

Pigilan niyo naman akong sapakin siya, utang na loob hawak niya 'yong manibela.

"Just kidding," he laughed.

Alam ko naman! Rapper ampota ano ka pambalot sa lumpia?

"I'm helping my mother on her company. Actually I wanted to introduce you to them in some time, kung free ka lang naman," he shrugged.

Hindi man niya sinabi kung ano talagang role niya sa kompanya nila, alam kong bigatin 'yan! It's just impressing that he still remains down to earth kahit big time na siya ngayon.

"'Wag mo na akong ipakilala, hindi puwedeng malaman ng kahit sinong may anak tayong dalawa," tinapunan niya lang ako ng tingin at seryosong tumingin muli sa daan.

"Sabi ko nga," he mumbled, tumango ako't tumanaw nalang sa bintana.

"Puwede ka namang magpakilala ng ibang ina ng bata, hindi ako tututol sa mga gusto mong gawin," I told him.

"Are you sure you won't regret this?" napatingin ako sa kaniya.

"'Yong ano?" I asked.

"You leaving us, avoiding your responsibilities as mother," he answered.

Napatawa nalang ako't umiling sa sinabi niya, "Sa tingin mo ba kaya kong maging ina? Bakit parang gusto mong hindi ko nalang kayo iwan? Naiin love ka na ba sa'kin?" sinamaan niya ako ng tingin at nagkunwaring kinilabutan sa sinabi ko.

"Yuck, forget it. Late na talaga ako, lumabas ka na nga sa kotse ko," tinawanan ko nalang siya't lumabas ng kotse.

Ayos naman pala ang future ng anak ko, may COO na tatay, may mga titong mayayaman, sure akong mga ninong nito big time din, kaso mayroon siyang nanay na tanga.

Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa anak ko once na lumabas siya. Nahihiya ako sa kaniya, hindi ko maipapakita sa kaniya kung paano ako maging isang ina, hindi ko kayang maging ina. Bunga siya ng pagkakamali ko, pero sa tamang tao ko naman siya iiwan.

I know Joshua will take a good care to our child. Kahit ang mga taong nakapaligid sa kaniya, alam kong tatanggapin siya nito nang buong-buo.

Ako lang yata ang hindi makatanggap sa lahat ng mga nangyayari sa'kin.

Kahit na gano'n, hindi ko na siya papatayin sa isip at sa puso ko. Anak ko siya, kahit bali-baliktarin pang muli ni Vernon ang sunog niyang burger patty sa kawali.

At least, kahit sa siyam na buwan lang niyang pananatili sa sinapupunan ko, may pagkakataon pa rin akong iparamdam sa kaniya na inalagaan ko naman siya kahit papaano.

I just hope this baby will never see tha mad Joshua. Sana alagaan niya nang maayos ang anak namin kahit iiwan ko sila sa huli.

Daddy ShuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon