41

876 57 27
                                    

CHIMERA XU

Lahat kami ay nakatanaw sa naglalakad na si Joshua. Galit na galit siya, pero parang lumambot din agad habang pinupunasan ang mukha ng batang karga-karga niya.

Siya na ba ang anak namin?

Kaya naman pala ang ganda niyang bata kasi anak ko pala! Pang-artista ang look!

Naghihintay ako kay Minghao sa bench na ito nang makita ko 'yong batang nadapa sa kalsada habang tumatakbo patawid. Para sa magandang public image, tinulungan ko ang bata at ginamot ang sugat na natamo niya.

Hindi ko alam, wala akong kaalam-alam na siya pala ang baby na binuhay ko nang pitong buwan sa tiyan ko.

"Gaano kasakit ba ang pagkatulak niya sa'yo at umiiyak ka na d'yan?" napatingin ako kay Jeonghan dahil sa tanong niya.

Tinulungan niya akong tumayo. Pinunasan ko kaagad ang luha ko bago pa makita ng iba.

"Anong nangyari sa'yo Hoshi?" nagtataka kong tanong nang makita ko ang sugat sa labi niya.

"Sinabihan niya kasi si Shua hyung na baka nakidnap na si Sandy," pagsusumbong ni Dino.

Sandy pa rin pala ang pinili niyang pangalan?

"Ganyan din ang reaksyon namin nang malaman naming nakabuntis si Shua," natatawang sambit ni Seungcheol.

Tumawa nalang ako nang mahina, but I startled as Seokmin cupped my cheeks and tilted my face from left to right.

Nang bitawan niya ang mukha ko'y umiling-iling siya habang nag-iisip nang malalim. "Bakit?"

"Hindi ko rin alam," he shrugged. Pero tinitignan niya pa rin ako nang may pagtataka.

"Bakit pala bumalik ka pa?" tanong ni Jeonghan sa'kin.

Tapos na ang tatlong taong kontrata ko, hindi ko na binalak pang bumalik pero pinapabalik ako nina mama para may makasama si Minghao sa lugar na 'to. Kakatapos lang ng interview namin ni Yanan sa campus na rival ng school na pinagtrabahuan ko noon.

I sighed, "Hindi mo ba ako namiss?" nagkamot ako ng batok.

"Hindi, gaga ka ba," he rolled his eyes.

Ang sama talaga ng ugali. Pero plano ko sanang magtago sa kanila, lalo na kay Joshua. Hindi ko naman aasahan makikita ko silang magtotropa ngayon.

Hindi ko kayang humarap sa kaniya, wala akong mukhang maihaharap sa kaniya at sa anak namin.

Halos limang buwan akong nagstay sa hospital pagkatapos kong manganak. Inalagaan ko si baby habang nasa trabaho si Joshua kahit sinasabi ng doctor na hindi ko pa talaga kaya.

Namemorize kong tuwing hapon dumarating si Joshua at aalis din pagkamadaling araw. Umaga hanggang tanghali, nasa loob ako ng NICU, nakabantay sa bawat galaw ni baby, nagbebreast feed, pinapangiti ko siya, ako rin ang unang nakakarga sa kaniya bago siya iuwi nina Joshua.

Akala niya talaga ay tumakas ako sa hospital, kinuntsaba ko lang ang mga doctor para sabihin nila 'yon sa kaniya. Nagalit pa nga sila, sinasabi sa'king hindi raw magandang biro pero nang makalalagay ako ng pera sa kamay nila ay sinunod din naman nila ako.

Dinig na dinig ko ang pagbalewala ni Joshua sa akin bilang nanay ni Sandy. Ramdam ko ang galit niya sa'kin, alam kong ayaw niya rin naman na akong makita.

Deserve ko naman, naiintindihan ko siya. Pero ako, hindi niya kailanman maiintindihan ang sakit na naramdaman ko noong payagan nang iuwi si Sandy sa bahay nila.

Mag-isa lang ako sa hospital noon, gustong-gusto kong sagutin ang mga tawag ni Joshua pero once na malaman niyang nasa hospital ako ay baka mag-alala na rin siya sa akin. Nakafocus lang dapat siya sa anak namin, deserve kong masaktan.

Nang madischarge ako sa hospital ay ninais ko ring bumalik sa bahay niya, pero wala akong namataan sa loob. Sa dorm na siguro sila namamalagi.

Palagi niya akong tinatawagan, pero hindi ko magawang sagutin siya.

Nahihiya ako sa kaniya.

Nahihiya akong magsabi sa kaniyang matapos ng dalawang linggong pag-aalaga ko sa sanggol ay napalapit na rin ako sa bata. Nahihiya akong sabihin sa kaniyang gusto ko nang panindigan ang pagiging nanay ni Sandy. 

Pero ramdam ko namang galit siya, pinapahiwatig ng bawat galaw niyang hindi niya na talaga ako kailangan. Dinig ko kung gaano kalutong 'yong pagkasabi niya ng selfish bitch.

Tinuloy ko nalang ang plano kong magtrabaho ulit, para lang malayo ang pag-iisip ko sa anak kong naiwan kay Joshua.

Ngayon, ang laki na niya. Nakakatuwa lang  na hindi talaga siya pinabayaan ni Joshua. Pero iniisip ko pa rin kung paano kaya kapag kasama akong magpalaki sa kaniya noon?

Ni hindi ko nga siya namukhaan, palibhasa kasi ay sanggol pa siya noong huli ko siyang makita. Pero nakakadisappoint, hindi manlang ako tinablan ng lukso ng dugo na 'yan.

Kumuha ako ng isa pang band aid at ibinigay kay Hoshi, "Kailangan mo ata," sabi ko.

"Hindi ko kailangan niyan, kailangan ko ng kiss," he pouted his lips, we all cringed.

"Okay lang ba talagang iwan kay Joshua si Sandy? Hindi ba't nagiging demonyo siya kapag galit?" I asked them.

"Hindi naman siguro, pero susundan ko sila," tumakbo si Seungcheol papunta kina Joshua.

Nakatanaw lang ako sa kanila, kahit gusto ko ring habulin sila at makasama pa nang matagal si Sandy.

Hindi puwede ngayon, galit si Joshua. Pero kailan? Mukhang habang buhay na siyang galit sa'kin.

"Bakit may dala-dala kang mga palamunin?" tanong ni Minghao nang makarating siya sa puwesto namin.

"Saktong-sakto! Hindi pa kami nagmemerienda! Tara kain tayo Hao," inakbayan siya ni Seokmin.

"Pakyu nimo,"napakunot ang noo nila sa sinabi ni Minghao.

"Bakit mo minumura si Nemo?" tanong ni Dino.

"Pagpasensyahan niyo na siya, nag-aaral kasi si Minghao ng bisaya at english, nagpagsasama niya minsan 'yong dalawa," pagpapaliwanag ko.

At dahil hindi na nila binitawan si Minghao, sumama nalang sila sa pagkain namin. Hindi naman kami makakatanggi sa mga linta niyang tropa, si Jeonghan nagtake out pa nga para sa iba pa nilang kasamahan.

Pasimple rin akong naglagay ng pagkain para kay Sandy. I hope I will get to meet you again, I really missed you.






Daddy ShuaWhere stories live. Discover now