07

1K 56 22
                                    

CHIMERA XU

Nang makarating kami sa hospital ay agad-agad kaming nagpacheck up. Hindi ko alam kung excited ba siyang malamang buntis ako o hindi. Nagtama ang kamay namin kanina, sobrang lamig ng kamay niya.

Feelingero, akala mo naman siya ang iire kung nagkataon ngang buntis ako.

"Congratulations misis, you're pregnant!" pumapalakpak na sambit ng doctor.

Nagkatinginan kami ni Joshua, agad din naming binalik ang tingin namin sa doktor. I awkwardly nodded at the doctor.

Nagbigay ng ilang vitamins ang doctor para sa'kin. He even suggested a regular check up. Ang daldal niya, mukhang mas excited pa siya sa paglabas ng batang 'to kaysa sa aming mga tunay na magulang niya.

Isa pa 'tong feelingero, ikaw ba ang iire, Doc?

Minasahe ko ang sentido ko nang makalabas na kami sa clinic niya.

"Ayos ka lang?" Joshua asked me.

"Hindi puwede 'to," naiirita akong umiling at binilisan ang lakad ko palabas ng hospital.

"Hey," he followed me.

Nauna akong pumasok sa loob ng kotse niya. Inuntog ko ang ulo ko sa harap para sana mabawasan ang sakit ng ulo ko pero mas sumakit pa siya ngayon, ang tanga kasi, bwesit.

Pumasok na rin sa loob si Joshua. Binigyan niya ako ng tingin na parang isa siya sa mga judge sa Tawag ng Tanghalan.

"Ayaw ko pa," I said.

"But we have to face consequences," he seriously spoke.

"Hindi, may paraan pa. Wala pa naman siyang isang buwan. Ipapalaglag ko nalang siya," determinado kong sambit.

"Are you insane!?" napaatras ako nang makita ko siyang magalit sa sinabi ko.

Magpipeace sign na sana ako pero kumirot ang ulo ko, yumuko nalang ako't tinanggap ang mga sasabihin niya.

"You're planning to murder an innocent child. It already has life inside your womb. The baby has nothing to do with our recklessness. Ni hindi nga niya kasalanang nabuhay siya, tayo ang may gawa sa kaniya, kahit bali-baliktarin mo wala siyang kasalanan sa lahat," he told me.

"Ayaw ko pa nga!" I shouted.

"E di putangina mo!" napatingin ako sa kaniya.

Ang lutong no'n! Nagmumura pala 'to!

"You know what? Ako nalang ang magpapalaki sa kaniya kung ayaw mo," napatawa ako nang sarcastic sa sinabi niya.

"Hindi naman ikaw 'yong manganganak!"  Bulyaw ko.

"Kung nag-isip ka lang sana bago mo ginawa 'to 'di ba?" He shouted back.

"Bakit ako lang ang kailangang mag-isip!? Kung nagpigil ka, e di sana wala 'di ba!?" hinampas ko siya ng mga flowers na binigay niya sa'kin kanina.

"Plano mo naman 'tong lahat! Damay lang ako kasi ang tanga mo!" napatawa akong muli nang sarcastic. I feel insulted, tinapakan niya ang pride ko.

"If you just got impregnated by Jun, siguro ang saya-saya mo. Baka nga may pangalan na 'yong bata sa isip mo kung nagkatotoo ngang si Jun ang tumira sa'yo. Pero ngayong buntis ka na kaso nga lang ay anak ko ang dinadala mo, gusto mo nang ipalaglag? Tangina mo sagad," kitang-kita ko kung gaano siya kagalit. He frustratedly threw the boquet on the back seat.

Napapikit nalang ako sa inis. Siguro nga ay tama siya, hindi umayon sa plano ko ang lahat kaya ako nagkakaganito. Naiinis ako sa sarili ko dahil iniisipan ko ng mga masasamang bagay ang batang nasa sinapupunan ko.

Joshua and this child have nothing to do with this. Ako ang may kasalanan ng lahat!

Kung hindi lang ako nagmadali, kung chineck ko muna kung kaninong kwarto ako nakahiga, kung hindi ko nalang sana tinuloy ang plano ko.

"Sorry," I apologized. I bit my lips to hold back my tears.

"Don't kill our child," He started the engene.

"I never wished for this. Pero hindi ko rin planong may maging kriminal nang dahil sa'kin. Babantayan kita, at hindi mo ipapalaglag ang bata," he became more calm. Hindi ko na napigilan ang sarili kong humikbi't umiyak.

"You can still live your life after giving birth. I won't bother you if you want to start over again. Just don't kill the baby," he said out of nowhere.

How can I start over again? Dito palang sa katangahan ko'y feeling ko nawalan na ako ng dignidad.

Ni hindi ko maharap ang sarili ko sa kaniya dahil sa kahihiyan.

Gusto ko lang naman magkaanak kami ni Jun. Bakit naman kasi ang lupit makipaglaro ng tadhana? Sa lahat ng lalaking puwedeng maging tatay, bakit ang lalaking ito pa ang natipuhan niya?

Paano nalang ang pamilya ko, non stop diss rap battle ang mangyayari sa amin. Iniisip ko palang na magfifliptop battle muna kami bago kumain kasama ang magiging anak namin ay sumusuko na ako. Hindi ko pa kayang maging ina.

Siguro nga'y iiiwan ko nalang sa kaniya ang bata matapos ko itong ilabas.

Siya lang naman ang may gusto nito. Tama, siya lang sa ngayon.



Daddy ShuaWhere stories live. Discover now