44

987 70 46
                                    

CHIMERA XU

Buong magdamag kong dinamdam ang pagkikita namin ni Joshua. Ayos lang naman sa aking galit siya, may dahilan si Joshua, at wala akong laban doon.

Hindi na upuan sa room ang pinaglalaban niya rito kung hindi ang responsibilidad namin sa bata.

Gusto ko lang naman sanang makita si Sandy ulit, pero paano?

Hindi ko iniiyakan ang mga lalaki, at never ko pang natry na lumuhod para lang magsorry, never akong nareject, never akong nanghinayang sa mga desisyon ko, pero lumalaki na ako ngayon at unti-onti ko nang narerealize na wala talaga akong kwentang tao.

He's right. I'm priceless.

Isang linggo na akong pumapasok sa campus bilang teacher. Hindi katulad ng pakikitungo ko sa mga katrabaho ko noon, mas naging approachable ako at palakaibigan, marami rin sigurong kumakaibigan dahil malapit ako kay Yanan, pero hindi na 'yon importante. Day off ko ngayon pero wala pa rin akong tulog dahil sa mga hinahabol kong paperworks. 

Tinawagan ako ni Minghao. ["May ginagawa ka ba?"]

"Wala naman?" nagtataka kong tugon, kahit may ginagawa naman talaga ako. Gusto ko din naman ng kausap sa panahong ito. 

["Sakto, ngayon may gagawin ka na. Pakihatid naman 'yong nakabalot na item sa kwarto ko. Ingatan mo't kay mahal ng yati jud,"]

Nairita ako sa inakto niya, pero napatigil din nang may marealize ako. "Sa dorm niyo?"

["Oo boang ka ba alangan naman sa dorm ng iba, giatard,"]

Kahit ang bastos ng bibig nito sa ate niya, hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Nasa dorm din nila si Sandy, 'di ba?

"Sige, pupunta ako diyan,"

["Bakit parang ang saya mo naman? Umaasa ka pa rin bang papatulan ka ni Jun hyung? Kayata nimo uy,"] he chuckled.

Napatigil ako nang sandali, sa sobrang pag-iisip ko sa anak ko, halos nakalimutan ko na rin ang feelings ko kay Jun. Ni hindi ko na nararamdaman 'yong excitement kapag nakukuwento siya sa akin ni Yanan ngayon. 

"Baka may ipapabili ka? Dadaan ako sa convenience store, baka hindi ako papasukin nila Mingyu kapag wala akong dalang pasalubong,"

["Bumili ka ng paki ko, bilatsang ina,"]

Binaba ko nalang ang tawag at baka umiyak pa 'to kapag kinalkal ko pa ang mga nakaraan niya. Nag- aral lang ata itong kapatid ko ng bisaya para murahin ako. Kinuha ko ang isang paperbag na nasa kwarto ni Minghao at saka ako lumabas ng bahay.

Agad akong bumili ng ice creams at iba pang pagkain, bumili rin ako ng toothpaste. Bago pumila sa cashier lane ay napahinto ako sa isang stall. Nakangiti akong kumuha ng isang hair clip na may design ng lavender flower.

Hindi ko alam kung anong gusto niya, pero alam kong gusto ni Joshua ng lavender, napangiti nalang akong muli nang mapait. Nanay ba talaga ako? Wala akong kaalam-alam tungkol sa kaniya maliban sa ayaw ng tatay niya sa akin.

Nang makabayad na ako ay huminto muna ako sa gilid. I sighed as I took the hairclip and put it on my own hair. Baka itapon lang niya ito kung ibigay ko 'to sa kaniya. Kumindat muna ako sa salamin ng convenience store bago lumabas. Nasa tapat na ako ng dorm nila Minghao nang bigla akong makaramdam ng antok. Nakalimutan kong wala pa pala akong tulog, masyado akong naexcite na makita si Sandy. Tinawagan ko si Minghao pero mukhang nasa kalagitnaan pa siya ng meditation niya.

Ilang taon na niyang ginagawa 'yan, hindi ko naman siya nakikitang naglelevitate. Saka mas harsh pakinggan ang lait niya sa'kin kasi ang kalmado niyang tignan, tapos ngayon natututo na siyang magmura nang bisaya!

"Era!" kumaway ako kay Seungcheol nang pagbuksan niya ako ng pintuan.

Agad naman niyang kinuha ang mga supot na dala ko, "May toothpaste ba rito?" tumango ako sa tanong niya. Sabi ko na eh, may shortage na naman ng toothpaste dito.

"Nakabalik ka na pala, noona?" tanong ni Seungkwan nginitian ko nalang siya.

"Jun bebe luvs, pakibigay naman nito kay Minghao," umupo ako sa tabi niya at binigay sa kaniya ang paper bag ni Minghao.

"Ano 'yan?" tanong ni Vernon.

"Hindi ko alam, good shit ata," Jun shrugged.

"Hoy bawal bato rito," pagduduro ni Seokmin.

"Wow! Narinig ko ba 'yon sa mismong taong nag-aalaga ng batong panghilod? The scarcity!" Seungkwan rolled his eyes.

"Dito ka nalang kumain Chimera! Marami kaming nilutong ulam," nanlaki ang mata ko nang makita kong may ulam nga, topless Wonwoo!

"Hoy magbihis ka! Kapag nakita ka ni Shua hyung naku talaga," binato siya ni Woozi ng tshirt, mukhang may nasama pa ngang sinturon dahil mukhang nasaktan si Wonwoo!

"Nasaan siya?" I asked. Nginisian naman ako ni DIno na siyang nakaupo sa tapat ko.

"Uyy,"

"Tanga," binato ko siya ng supot.

Tinatanong ko kung nasaan siya dahil malamang kasama niya ang anak namin!

Sa paghihintay na matapos si Minghao sa meditation niya ay hindi ko na kinayang idilat pa ang mga mata ko. Kahit ang ingay ng paligid ay nakatulog pa rin ako.

"Era mahar gumising ka na," napakunot ang noo ko nang may tumusok-tusok sa pisngi ko.

Napadilat ako nang hinipan ang tainga ko ng kung sino man itong gumising sa akin. "Hehehe," naiirita akong bumangon sa pagkahiga sa sofa nang marinig ko ang hagikgik ni Jeonghan.

"Nag-ooverwork ka naman, kapag nandito ka palagi ka nalang nagtatrabaho, ganiyan ka rin ba sa China ha? Mabuti pa ako walang trabaho," pagmamayabang niya.

Nagkamot ako ng ulo't nagpunas ng laway. Nang makarecover ako ay tumabi siya sa'kin. Pero napatigil ako sa paghinga nang may tumakbong bata papalapit sa puwesto ko. 

Napako ang tingin ko sa anak kong yumakap nang mahigpit kay Jeonghan. I bit my lips when she suddenly looked at my place.

Can I receive a hug too?

Pero imposible, she looked clueless, hindi niya ako namumukhaan, hindi niya ako kilala, hindi niya alam na ako ang mama niya, katulad ng mga tito niya.

"Sino po siya?" napaatras ako nang sandali matapos niya akong tanongin kay Jeonghan.

Akala ko masakit nang ibaba ang pride ko para kay Joshua, mas masakit palang tanongin ng sarili kong anak kung sino ako.

"Sandy girl, siya si Era mahar--" naputol ang pagpapakilala ni Jeonghan sa akin nang may biglang sumingit.

"She's just your ninang,"

"Call her ninang Chimera," napalingon kaming lahat sa gilid kung saan nakatayo si Joshua habang nakacross arms.

Napanganga ako sa sinabi niya. Pero agad ding itinikom nang magbadyang tumulo ang luha ko. Yumuko ako para pigilan ito, I can't look at his intimidating eyes.

"Tama! Siya si ninang Era mahar!" inakbayan ako ni Jeonghan pero hindi ko magawang iangat ang ulo ko at harapin si Sandy.

"Ninang!" Napapikit ako nang iabot niya ang kamay ko para magmano.

Torture ba 'to?

She's smiling at me innocently, not knowing that I'm actually her mother.

Akala ko masakit nang tanungin ng sarili kong anak kung sino ako, mas masakit palang ipakilala ako ng tatay niya bilang ninang lang ng mismong anak namin.


Daddy ShuaWhere stories live. Discover now