19

869 57 24
                                    

CHIMERA XU

"Ma'am, may jowa na po ba talaga kayo?" tanong ng studyante ko.

Tapos na ang lesson namin at hinihintay nalang naming tumunog ang bell para lahat kami'y makaalis na. Ito na naman kami sa Q and A portion, gustong-gusto nilang malaman ang buhay ko.

"Bakit niyo ba ako tinatanong ng mga gan'yan?" natatawa kong sambit.

Ang lakas niyong magtanong sa'kin pero kapag time ko namang magtanong ni isa sa inyo walang sumasagot, partida nasa libro na rin ang sagot no'n babasahin nalang.

"Nakikita po kasi namin 'yong sumusundo sa inyong gwapo, jowa mo po?" kinikilig na sambit ng isang studyanteng amoy pinakuluang suka't patis. Siguro anak 'to ng kaagaw ko kay Jun noong high school, hawig sila ng amoy.

Bago pa ako makasagot ay nagbell na, mabuti naman. Wala akong panahon para magsinungaling pa sa kanila, katulad ng pagsisinungaling ko sa mga grades nila sa report card noong first semester.

Nang makaalis ako sa room nilang mabahong amoy sinigang na may halong zonrox ay dumeretso agad ako sa parking lot. Hinanap ko ang kotse ni Joshua pero laking gulat ko nang ang mahanap ko'y sina Jeonghan at Seungcheol!

"Era mahar!" bati sa'kin ni Jeonghan nang lumapit siya sa akin para umakbay.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko.

"Napadaan lang, bakit kalye mo ba 'to? Bawal kaming dumaan?" angas talaga nito ni Seungcheol, ang sarap bangasan, pero with love.

Ilang sandali pa'y lumabas sa kotse si Joshua, napatingin ako sa kaniya nang may halong pagbabahala. Nabuking ba kami ng Jeongcheol?

"Sama ka sa'min! Kain ulit tayo after class katulad ng palagi nating ginagawa noong college," natutuwang sambit ni Jeonghan.

"Sama ka Joshua?" tanong ni Jeonghan.

"Teka nga pala bakit nandito ka, Joshua?" tanong ni Seungcheol.

"Kalye mo 'to? Bawal makiparada ng sasakyan?" napanganga si Seungcheol, inambahan niya pa nga si Joshua dahil naoffend siya.

Oo nga naman, hindi naman niya kalye 'to, hindi ko rin kalye, kanino ba 'tong kalye?

"Sama ka na Shua, 'yong pera ko kasi parang 'yong linya ko sa Adore U," kumunot ang noo naming tatlo sa madamdaming sambit ni Jeonghan.

"May linya ba ako sa Adore U? 'Di ba wala? Kaya ilibre mo ako Shua!" natatawa niyang inakbayan din si Joshua.

"Ako rin Shua! 'Yung wallet ko kasi parang na kay Hoshi," madamdamin ding sambit ni Seungcheol.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit? Kinukutuban lang ako na nasa kaniya, kaninang umaga ko pa hindi nakikita 'yong wallet ko," tumango nalang ako, akala ko may banat din siya katulad ng kay Jeonghan.

"So yayayain niyo lang ako para magpalibre kayo?" inalis ni Joshua ang pagkaakbay ni Jeonghan sa kaniya. Nang tumingin siya sa gawi ko ay agad akong umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi dapat siya magpahalata!

"Kumukulo pa rin ba ang dugo mo kay Chimera kong mahar? Paalisin nalang natin 'yan, tayong tatlo nalang ang magsabay-sabay kumain," inalis ni Jeonghan ang pagkaakbay niya sa'kin. Napanganga ako, grabeng betrayal!

Mabuti nalang talaga at college ko na nakilala si Jeonghan, kung hindi baka pati siya ay makabardagulan ko rin!

"Why are you calling her "mahar?"" nagtatakang tanong ni Joshua.

"Walang malisya 'yon! Malandi kasi talaga si Jeonghan lahat ng babae tinatawag niyang mahar, " pagdedefend ko sa sarili ko.

Kahit nga 'yong manang na nagtitinda ng kakanin sa tapat ng campus, "mahar" ang tawag niya. Hindi ko alam kung nagrereklamo ba siya kasi ang mahal ng paninda o nagpapakapokpok lang siya as usual.

"Why are you being so defensive?" nagtatakang tanong muli ni Joshua.

Oo nga, ano namang pakialam niya kung endearment namin ang "mahar?" Hindi ko naman kailangang maging defensive kasi hindi ko naman siya asawa?

Era, ginugulo mo ang isip ko punyeta ka.

"Type mo si Jeonghan?" tanong ni Seungcheol kay Joshua.

"What? No--"

"Yieee pre ayos lang 'yan matagal na rin akong may pagtingin sa'yo," pang-aasar ni Jeonghan kay Joshua.

"Naniniwala na ako sa forever, magmula nang makilala kita," biglang kanta ni Seungcheol Reid.

"Kaya naman hindi ako sumurrender, ano man ang sinasabi nila," paduduet ni Jeonghan Lustre!

Napafacepalm nalang ako, kasama pala namin ang JaDine dito. Pero ayos na ring akalain nilang si Jeonghan ang gusto ni Joshua, at least hindi nila paghihinalaan kung ano ba talagang ginagawa ni Joshua sa school na 'to.

Naparolyo nalang ng mata si Joshua't dinarag sina Seungcheol at Jeonghan, sumunod ako kasi gutom na rin naman ako. Kumain kami sa pinakamalapit na restaurant, sagot ni Joshua lahat ng gastusin.

"Sino bang mas mayaman sa inyong dalawa?" tanong ni Jeonghan kina Joshua at Seungcheol.

"Bakit, papakasalan mo?" tanong ko, sinamaan niya ako ng tingin at saka nagpout.

"Para ka namang tanga, ikaw lang ang papakasalan ko," he winked, I flinched.

Maharot pa rin! "Gago ka ba, buntis na 'yang si Chimera, 'di ba?" ako lang ba o parang dumilim ang aura ni Seungcheol noong sabihin ni Jeonghan na papakasalan niya ako?

"Oo nga pala, buntis ka ba talaga, Era mahar?" nagcrossed arms si Jeonghan sa'kin.

Napapause ako sa paghinga nang mapunta sa akin ang atensyon ng tatlong lalaking kasama ko ngayon. I gulped.

"The food's already here," Joshua interrupted, binigyan niya ako ng makahulugang tingin, umiwas nalang ako sa mata niya.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko pa kayang umamin, at mukhang ayaw ni Joshua na ideny ko ang bata sa mismong harapan niya pa.

Pinalo ni Joshua ang kamay ni Seungcheol nang subukan nitong kumuha na ng pagkain, "Pray muna, ikaw ang maglead Jeonghan," utos ni Joshua bago siya pumikit.

"Ano ba naman 'to ako talaga--" kinurot ko ang braso ni Jeonghan nang marinig ko siyang dumaing nang pabulong. Seungcheol held his laughter, kahit ako, pinigilan kong tumawa!

Matapos naming magdasal ay hindi na sila muling nagtanong about sa'kin. Mas nagfocus ang kwentuhan sa kung kailan ba magkakatrabaho si Jeonghan at ang sikreto ng mga gwapong katulad ni Seungcheol.

Halos silang dalawa lang ang nagsasalita, natatakot akong madivert ang attention nila sa akin. Sabit lang ako rito, at takot din akong magkamali sa mga sasabihin ko.

I don't want Joshua to be offended once na hindi ko ireveal ang pagbubuntis ko. Ayaw ko rin namang tapunan nila ng masasamang salita 'yong nakabuntis sa'kin kapag hindi ko sinabi kung sino 'yon. Kilala ko 'tong sina Jeonghan, ang lalakas nitong manlait, maikli pa naman ang pasensya ni Joshua at baka bigla niya silang bangasan dahil ang pinaglalaitan nila ay ang mismong nagbayad ng pagkain na kinakain namin ngayon.

I just have to keep safe and be cautious. I don't want to disappoint him and our baby.



Daddy ShuaWhere stories live. Discover now