53

1.1K 71 26
                                    

[STREAM READY TO LOVE YEOROBUNAKSSS]

CHIMERA XU 

"May suggestion ako Shua," I told him. 

Kami ngayon ay nasa loob ng isang coffee shop malapit sa opisina nila at campus naman na pinagtatrabahuan ko para maglunch break. Kasalukuyan naming pinag-uusapan ang plano naming kasal. 

Mamaya, pormal kaming magpapakilala sa magulang ng isa't isa. Excited na ako, sa totoo lang. Pero kinakabahan pa rin lalo na't alam kong kukwestiyonin ako ng magulang niya, kahit ang mismong mga magulang ko kung bakit ko sila iniwan ni Sandy at bakit namin tinago ito sa lahat.

Like, anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba ang totoong si Jun talaga ang pakay ko noong gabi na 'yon? Nakakahiya, hahayaan ko nalang na si Minghao lang ang makaalam ng totoo. Baka maturn off pa ang mga magulang ni Joshua sa'kin kasi tanga akong pokpok. 

"What is it?" he asked while sipping his coffee. 

"What if magpalit tayo ng puwesto?" I asked him.

Bigla siyang tumayo at tumango para magpalit talaga kami ng puwesto sa upuan. naiirita kong hinampas ang hita niya, "Hindi puwesto rito! I mean puwesto sa simbahan. Ako naman 'yong maghihintay sa aisle tapos ikaw 'yong huling darating," napapokerface siya sa sinabi ko't umupong muli sa silya. 

"Ang stereotypical kasi kapag lalaki lagi ang naghihintay sa altar," I reasoned out.

"Ano pang gusto mo? Magcross dress din tayo?" he rolled his eyes.

I snapped my fingers, "Hoy puwede rin! Parang bagay sa'yo magwedding dress, may boobs ka naman eh," I tried to touch his chest but he moved away and cringed at me. 

"There's no way I'll be the bride at this wedding. Don't suggest weird things, I'm begging you let's just get married in a proper way," seryoso niyang sambit.

I just rolled my eyes and eat my food, "Ang arte, para namang hindi pa kayo nagkikiss ni Jeonghan,"

"You're always putting him at our conversation," he complained. "I hate it, okay?" 

"Kaya ko nga siya sinasama sa usapan kasi ayaw mo eh. Hehe, selos ka 'no?" I teased him, he looked so done, syempre feeling ko nanalo na naman ako sa kaniya.

He heaved a deep sigh before looking at my eyes, "May gagawin ka ba kung nagseselos nga talaga ako?" 

I shook my head as annoying as I can, "Wala," 

Padabog niyang inilapag ang mug ng kape niya at saka tumingin na lamang sa ibang lugar maliban sa akin. "Wala pala eh, e di kayo nalang ni Jeonghan ang magpakasal,"

He rested his back on the chair and sighed again while crossing his arms on his chest. He's pissed! Medyo kinabahan ako't hindi naman siya ganiyan kadalas magalit, kailangan ko siyang paamuhin lalo na't may ibang customer na napalingon no'ng ibagsak niya sa table ang basong hawak niya kanina.

I clung my arms on his, "Uy, joke lang naman. 'Wag ka nang magtampo Shua ikaw pa rin ang hari ko, King Hong," 

He pressed his lips, preventing himself from laughing at my joke. Kung kahoy lang si Joshua, baka isa siyang coco lumber na nabahayan na ng anay sa sobrang rupok. I wiggled him, "Joshua, ngiti ka na. Daig mo pa si Sandy mag-inarte ah," I told him. 

"Bakit ko naman papakasalan si Jeonghan 'di ba," he smiled and nodded at me.

"Kasal na kami sa wedding booth noon. Saka 'di ko naman type 'yang si Jeonghan. Kay Jun nalang ako magpapakasal," agad na umiba na naman ang timpla ng mukha ni Joshua. 

Nilayo niyang muli ang tingin niya at saka tinanggal ang pagkakapit ko a braso niya. I just laughed and hugged him tight, "Joke lang ulit ito naman. Alam mo naman na love kita, cute mo 'pag nagagalit ka, halika na iha-hug kita, 'wag ka nang magtatampo," 

He sighed and sulked, "I can't resist you, it's just so unfair," 

As I let go of the hug, I smiled at him. I raised my hand and showed him the ring that he wore on me. "Sa tingin mo Shua, kung natuloy ang plano ko at nabuntis nga ako ng tropa mo, maiisip kaya nating magpakasal?" 

"Hindi, you and Jun should end up together if ever you bore a child from him," he said, I disagreed. 

"Sa tingin ko hindi rin naman 'yon mangyayari. Matutuloy ko 'yong plano kong maging single mom habang buhay, kasi wala naman akong lakas ng loob na lumapit kay Junjun myluvs para sabihan siyang samahan ako sa pagpapalaki ng bata. Kung nasunod ko ang plano ko, hindi kita mamahalin," I told him.

"Lahat ng 'to ay dahil sa destiny. Hindi na ako nagsising nanggulo ka sa plano ko. Hindi rin naman kita kayang tiisin lang, Shua," I put my thumbs up. 

"Nagpapasalamat akong kahit wala ka namang dapat na pakialam sa akin ay pinilit mo pa rin ang sarili mo sa'kin. Doon palang sa pagkukumbinsi mong h'wag kong ipalaglag 'yong bata, hindi na kita natiis. Mutual lang tayo Shua, ang pagkakaiba lang natin ay nagseselos ka sa iba, habang ako, naguguluhan sa sarili," I shrugged. 

"We may not be the best match because we had met at the worst time, but I think you're the best man for me," I looked away, I heard him gasped and in my peripheral vision, I saw him covering his mouth in shock. Mas lalo akong nahiya sa mga pinagsasabi ko!

"Fuck, that's so sexy, may we go to the bathroom for a while? I want to release this--" 

"Joshua!" I warned him. Minsan na nga lang maging sweet hahaluan pa ng kabastusan! 

"What?" he bit his lower lip to stop himself from smiling wide. I just facepalmed, kahit kailan talaga.

"Bahala ka na nga d'yan, babalik na ako sa school," naiirita akong tumayo at naglakad palabas. I can sense that he's following me for I heard his soft chuckles.

Habang naglalakad ay umakbay siya sa akin. "Rara you're the best for me too," 

Tumigil kami sa paglalakad nang makarating na kami sa gate ng campus. He made me face him, "For us to be the best match, we should be the best parents for Sandy," 

"Babawi tayo sa kaniya, I love you," after that, he pecked a kiss on my lips. 

My heart skipped a beat. I just watched him smile genuinely before walking across the street. He waved goodbye and then entered their building. I checked my pulse, it's too loud and fast. Parang kanina lang ay kinabahan ako sa kaniya dahil mukha siyang galit sa pang-aasar ko, ngayon naman ay kinakabahan na ako dahil sa paglalaro niya sa feelings ko. But I clearly knew that he's playing with my heart fairly and in a good way. 

He's right, babawi kami. Babawi ako. 

____________________________________

[a/n: singit ko lang 'to kasi grabe 'yong feels habang nakikinig sa buong album gago no skippp ano fave track niyo? Same dream, Same mind, Same night hindi na maalis sa isip ko huhuhu<33 Stream Ready to Love mga 'te]

Daddy ShuaWhere stories live. Discover now