13

882 53 28
                                    

CHIMERA XU

Nang magising ako ay namataan kong papalabas ng bahay si Joshua. Out of my curiousity, sinundan ko siya sa labas. Napansin niya namang may sumusunod sa kaniya kaya humarap siya sa akin.

"Saan ka pupunta?" I asked while scratching my eyelids.

"'Wag kang magpahalatang mamimiss mo ako," he smirked.

"Tanga, saan nga?" I glared at him.

Hindi naman siya mukhang pupunta sa trabaho, may dala pa siyang gunting at basket.

"Come with me," he told me. Sinundan ko nalang siya.

Ang totoo niyan, hindi ko pa halos nalilibot ang bahay niya. Puro kwarto, kusina, at banyo lang ang pinupuntahan ko. Dinala niya ako sa likod ng bahay. May mga tanim siyang gulay sa bakuran niya.

"Plantito ka pala?" I asked, sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Gusto ko lang matuto kung paano, I waited for months para magpalaki ng mga ganito," he grabbed an eggplant.

"Hala ang laki nga ng talong mo Joshua," I'm impressed.

He felt proud. "Parang masarap 'yan itorta, ako na magbabati ng itlog, magaling ako ro'n. May itlog ka ba?" I asked him.

"Oo," tumango siya.

"Ay sana all," nagtaka siya sa sinabi ko.

Kahit ako nagtaka sa sinabi ko, bakit ako nag-"sana all?"

Pinakita niya sa'kin ang iba niya pang tanim na gulay. Nakakagulat talaga, hindi normal 'yong laki nila, parang galing pa sa LA 'yong kangkong na tanim niya!

Pumitas kami ng ilan para sa almusal namin. Nang makapili na siya ng mga gulay na lulutuin niya ay binigay niya ito sa'kin para ilagay sa basket. Ang saya naman, freshly picked ang mga kakainin ko ngayong umaga.

"Pinaghirapan ko 'yang itanim. Isang kahig isang tokhang," napalingon ako sa kaniya.

Shuta, parang noong isang araw, shabu ang sinasabi niya, ngayon tokhang naman. Adik ka ba talaga, Shua?

Tinulungan ko siyang maghugas ng mga gulay. After that, sinabihan niya na akong umupo nalang at manuod sa pagluluto niya. "Ako na," he said.

I sat on the dinning table and watched him prepare food for us. He looks so gentle and elegant while cutting the vegetables. Lumalabas ang mga ugat niya sa kamay habang naggigisa siya ng bawang at sibuyas. His arms were enough for a woman like me to drool!

Inalog ko ang utak ko. Anong klase ba naman kasing buntis ang maglilihi sa kamay!?

"Chef ka ba?" napatingin siya sa akin nang nakakunot ang noo.

"No I'm not a chef--"

"Kasi cooking ina mo," sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi mo kayang kumain ng mga maanghang na pagkain, 'di ba? Lagyan ko kaya 'to ng maraming sili?" banta niya.

"Lagyan mo, apektado pati anak mo ano sige," hamon ko.

He just rolled his eyes at saka na ako pinaghainan ng pagkain. "I really want to slap you right now, gustong-gusto mong binablockmail ako," sinamaan niya ako ng tingin nang umupo siya sa tabi ko.

"Oo na, I love you too," I rolled my eyes.

"Alam mo Rara para kang artwork," he placed his elbows on the table and rested his chin on his hands.

"Alam kong maganda ako pero hindi ko na kailangan ng pilit na compliment mo--"

"You're a masterpiece of shit," napanganga ako sa sinabi niya.

Grabeng atake! Na-insulto pati kalyo ko sa paa! He grinned after my defeat. Gustong-gusto niya akong inisin! 

We're still stuck in our teenager selves. Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo namin sa isa't isa. Hindi ko nga rin alam kung bakit inis na inis ako sa kaniya, siguro nga'y pinanganak talaga ako para mapikon kay Joshua.

But we don't have a choice but to stay together. This baby inside me unites us.

Kung wala lang 'to, makikipagsabunutan talaga ako!

Sabi ko magpapakamatured na ako para sa anak niya, pero kung ganito naman siya, hindi ako magpapatalo!







[a/n: naghintay kayo ng update para mabitin jk]

Daddy ShuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon