Chapter 15 : Usernames

Comenzar desde el principio
                                    

nagulat din ako nang may inilagay si Hunter na maliit na note sa armchair ko.

binigyan niya ako ng Basahin-mo-yan look at ngumiti. pagkatapos ay umupo na agad siya pabalik sa upuan niya. 

dahan-dahan kong binuklat ang papel at binasa yung nakasulat.

"wag mo munang kausapin si Theo. Today is Cassidy's death anniversary.dumistansya muna tayo"

shit ngayon pala yun..

kawawa pala talaga si Theo.

napatingin ako sa likuran ko , gusto kong tingnan kung binu-bully parin ba ni Harvey si Beef. Masaklap kasi dahil magkalapit lang sila ng armchair.

nagulat ako nang makitang parang lutang si Harvey.

Anyare? weird ng mga tao ngayon.

"Hoy focus sa klase"

bulong ni Rain sa akin na nasa likuran ko rin. napansin niya sigurong palinga-linga ako.

"Okay class so everyone let's proceed to the gymnasium" ma'am

hala ano daw?

aiishh..di kasi ako nakikinig eh >.<

nagsitayuan na silang lahat kayat tumayo na din ako.


"Rain...anong meron?" bulong ko

ang loka tinawanan lang ako

"Yan di kasi nakikinig...may mass daw para kay Tom" rain

tumango nalang ako

"Rain by the way , nagkaayos kami ni Jane kahapon kayat mag-ayos na din kayo" ako

biglang nag light-up ang mukha ni Rain

"Talaga? yeeeyyy! di ka na mag-iisa " Rain

"Ano?" ako

"Wala ...hehe " Rain

bigla akong inakbayan ni Rain.

narinig ko yung sinabi niya , di ko lang nagets

shunga na talaga ang mga tao ngayon -_-

Our Deadly PactDonde viven las historias. Descúbrelo ahora