Dark World XII

166 6 2
                                    

Dark World XII

~Xana's POV

The world was never been the same as I grew up. As far as I know, I lived by knowing nothing at all in this world. That I'm a half-blood demon because of my father whom I killed. It was a very unusual feeling. From the start, I've been abducted by the soul of it. Hindi na rin naman maaalis sa akin ang lahat ng ito. Dumating sa buhay ko kaya kailangan kong tanggapin ang lahat dahil hindi ko na naman maibabalik pa ang dati. I'm the daughter of the Life Taker, the one who prevent his evilness on the earth.

            Nandito kaming dalawa ngayon ni Asylum sa school, syempre dahil ngayon na kaklase ko na siya without knowing by the others na ginawan lang sila ng lakas ni Asylum para hindi nila malaman na newbie lang siya sa mundong ito. Habang tumatagal naman ang oras ay nakikilala ko naman si Asylum at mukhang nakukuha ko na rin ang totoong pakay niya at magkakasundo kami dahil kailangan talaga namin pigilan kung ano man ang dala ng kadiliman ng nilalang na gumagambala ngayon dito sa paaralan.

            "Hanggang anong oras tayo dito, Asylum?" Baling ko sa kanya.

            Nakaupo lamang kasi kaming dalawa sa bench—sa hallway ng school. Nagdismiss na rin naman kasi at hinihintay na lang namin ang paglubog ng araw pero sa pagkakataong ito, ayaw umalis ni Asylum sa aming kinauupuan.

            "Hangga't sa mawala ang mga estudyante." Sagot nito sa akin. Napansin ko naman sa kanya na sa bawat estudyanteng dadaanan sa kanyang harap ay doon naman na liliit ang kanyang mata na parang sinusuri ang bawat isa.

            Mahiwaga ang bawat kilos ni Asylym pero dahil gaya ng sabi niya ay nabibilang sa sa grupo ng seven dark places ng dark world, may tiwala ako sa kanya.

            Nakasuot na rin naman sa aming dalawa ni Ayslum ang bigay ni George na rosaryo. Sabi rin naman niya na makakatulong ito para depensa namin mula sa nilalang na 'yon. Umabot pa ng ilang minute ang pananatili namin ni Asylum sa pagkakaupo habang paubos na nang paubos ang bawat tao na naglalakad palabas ng sintang paaralan. Nakaramdaman ako na gusto kong magbanyo.

            "Asylum, hintayin mo 'ko dito. Magbabanyo lang ako." Paalam ko sa kanya.

            Nakuha ko lamang sa kanya ay ang tango niya kaya para akong ewan na napatango na lang din sa kanya at tinalikuran at tumungo papunta sa banyo. Habang naglalakad ako ay nakakaramdam ako ng lamig sa paligid. Napatingin naman ako mga balahibo kong nagsitayuan, nakakakilabot naman 'yon. Nang balingan ko naman ang orasan ko sa wrist ko ay pasado ala sais na. Saktong sakto. Sa mga oras na ito ay wala na talagang estudyante ang nandito sa school kundi mga school guards na lang na nagiikot para silipin ang bawat classroom.

            Nang matungo ko naman ang banyo, at nang dahan dahan kong ipinihit ang seradura ng pinto ngunit ang labis kong ikipinagtataka ay naka-lock ito. Itong CR na ito ay ang usual na CR dito sa school, nakakapagtaka naman dahil wala naman akong napansin na dumaan na school guard sa hallway na ito. Napabuntong hininga na lamang ako.

            Titiisin ko na lang 'to. Sa isip-isip ko.

            Maglalakad na sana ako pabalik kay Asylum na may marinig ako. Dahan dahan naman akong napalingon sa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong bukas ang pinto. Napaatras na lamang ang nagawa ko. Napalingon kaagad ako sa paligid ko. Nandito na siya. Pumatak na ang alas sais ibig sabihin oras na nang paglabas niya. Unti unti pa ring bumubukas ng tuluyan ang pinto hanggang sa tumudo na ito.

            Hindi ko alam pero nagawa ng paa ko na lumapit sa pinto at pumasok sa loob ng CR. Hindi naman nawala sa dibdib ko ang halo halo kong nararamdaman lalo na't hindi namin alam kung anong kaya ng nilalang na gumagambala ngayon dito. Nang tuluyan naman akong makapasok sa loob ng CR. Parang normal lamang, naglakad pa muli ako hanggat sa makapasok na ako sa isang cubicle at nakaihi na. Habang naghuhugas ako ng kamay ay doon lang ako nakaramdaman ng kakaiba, hindi na normal ang ihip ng hangin dito. Umiinit na hindi mo maipaliwanag.

The Life in Dark WorldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang