Dark World IX

209 7 1
                                    

Dark World IX

~Xana's POV

Hinahanda ko na muli ang sarili ko. Naglagay ng bullet proof sa harapan ko in case of emergency dahil hindi natin alam kung anong lakas ang kayang ilabas ng nilalang na 'yun. Lumabas na ako ng kwarto ko, pasado alas nueve na. Oo, gabing gabi na pero sa mga ngayong oras ako tsumetyempo para muling makapagmasid-masid sa paaralan. Hindi ako sigurado kung madadatnan ko muli siya doon pero nararamdaman ko, gabi gabi siya nananalakay.

            Pagkalabas ng kwarto ko ay sumalubong sa akin si Mama, sinuri nito ang ayos ko simula paa hanggang ulo. Napabuntong hininga naman siya ng ipiling ang ulo sa akin, "Aalis ka na naman?"

            Mabilis naman akong tumango kay Mama, "Opo Ma, kailangan."

            "Paano kung may mangyaring masama sayo? Hindi mo pa nakikilanlan ang nilalang na 'yun baka mapaano ka." Pag-aalala ni Mama sa akin.

            Umiling naman ako sa kanya, "Ma, mas okay ng ako ang masaktan kaysa sa mga inosenteng estudyante."

            Napatango naman sa akin si Mama ngunit mabagal. Bigla rin akong niyakap ni Mama at hinilod ang likod ko. Agad naman akong pinakawalan ni Mama at tuluyan na akong lumabas ng bahay. Bumungad sa akin ang madilim na kapaligiran at mga tunog lamang ng kuliglig ang naririnig mo sa paligid. Nagkakaroon ng bahagyang ilaw sa paligid gawa ng mga poste na kukurap-kurap. Hindi ko na lamang pinansin.

            "Psst," inikot ko ang ulo ko sa sumisit sa akin. Hindi ko na muling pinansin at nagpatuloy sa paglalakad pero muli kong narinig, "Psst."

            "Sino ka!" mabilis akong pumwesto. Dahan dahan kong inikot ang paligid pero mas natuon ako sa kaliwang bahagi ko na nagtataasang mga damo. Dahan dahan akong lumapit, Siningkitan ko ang mata pero masyadong madilim para makita ang taong nagtatago. Mas lumapit pa ako, naririnig ko rin ang mga kaluskos niya sa damuhan. "Lumabas ka diyan kung ayaw mong masaktan."

            "Oo na! 'Wag mo lang ako saktan!" lumabas siya sa nagtataasang damo at lumabas ang isang babaeng hindi ko masyadong kilala, or should I say hindi talaga. "Xana..." banggit nito sa pangalan ko.

            Mas lalo akong naguluhan dahil kilala niya ako. Hindi ko siya kilala kaya napakunot noo na lamang ako dahil siya kilala niya ako. Lumapit siya sa akin kaya naman sa bawat lakad niya ay umaatras ang mga paa ko. Mukha siyang mahina kung tutuusin, mapuputi ang mga balat gaya ng kay Metria. Mahahaba ang mga buhok na umaabot hanggang balikat niya.

            "'Wag kang matakot sa akin, kakampi ako." Aniya. "Asylum."

            Kumalma rin ako naman ng sabihin niya ang pangalan niya. Kakaibang pangalan para sa ibang babae. Nilahad nito ang kanyang kamay pero tiningnan ko lamang 'yun. Pinintig niya ang kamay niya at dahan dahan ko naman siyang kinamayan. Malamig ang kanyang mga kamay at mayamaya lamang habang tumatagal ay umiinit ang kamay ko sa mga palad niya.

            "Ouch!" I hissed. Hinipan ko naman ang napaso kong kamay ko sa kanya. Napangisi lamang si Asylum sa nangyari. Muli naman akong pumosisyon sa ginawa. Binali niya ang sinabi niyang kakampi siya. Mas nagsalubong ang mga kilay ko na wala man lang siyang ibang ginagawa kundi tingnan lang ako habang nakahalukipkip. "Hindi mo ba ako kakalabanin?"

            She laughed instead, "I'm Asylum, kakampi at hindi kalaban, Xana." Muli naman akong pumirmi sa pagkakatayo ko at nilapitan siya. "Alam ko kung anong dahilan mo kung bakit nandito ka pa ngayon sa ilalim ng gabi."

            Mas lalo akong nahiwagaan sa kanya.

            "Anong alam mo?" Masidhi kong tanong sa kanya.

The Life in Dark WorldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt