Dark World XIV

152 5 0
                                    

Dark World XIV

~Narrator's POV

Isa-isang nagdaratingan ang mga alagad ng Dark Lord na tila sugatan at ang iba ay hindi makapaglakad ng maayos. Dali dali silang luminya at yumuko sa kanilang tinitingalang pinuno. Agad namang napansin ng Dark Lord ang mga sugat at dugong nangingintab sa katawan ng kanyang mga alagad. Napatayo ang Dark Lord sa kanyang trono at pinandilatan ang bawat alagad niya at tila ang bawat alagad niya ay hindi magawang iangat ang mga ulo.

            "Anong katangahan ang ginawa niyo, bakit puro dugo kayo!" galit na tugon ng Dark Lord.

            Mabibilang mo sa mga daliri mo ang mga alagad na natira sa pagsagupa sa grupo nila Metria at nabigo sila doon. "Hindi na po mauulit, Aming mahal na pinuno."

            "Talagang hindi na mauulit, dahil tapos na kayo." Agad na nagtaasan ang mga ulo ng kanyang mga alagad at nakita ang nakataas na kamay ng Dark Lord at maya-maya lamang ay lumabas ang nag-iinit at lumalagablab na apoy sa mga palad nito at tuluyang ginawang abo ang mga alagad nito."Mga inutil."

            Naupo ang Dark Lord sa kanyang trono at hindi na maalis ang magkasulubong na kilay nito. Maya-maya lamang ay hinarap niya ang kanyang palad sa harapan niya at sumiklab ang apoy, ilang saglit lamang ay nagkaroon ng imahe na kung saan nakikita ang ilang kalalakihan sa bundok ng Imflora.

            "Humanda kayo. Katapusan niyo na."

            Sunod sunod na umalingawngaw sa paligid ang nakakapanindik balahibo niyang tawa. Hindi magpapatalo ang Dark Lord dahil kung anong gusto niya, masusunod sa paraang kaya niyang gawin.

~Xana's POV

Late na akong nakatulog kagabi dahil sa inaalala ko pa rin 'yong nangyari kay Asylum na nasunog ang balat niya at tinawag niya itong socranom. Lason daw ang tawag doon. Wala naman akong alam sa bagay na 'yon pero kung iisipin mo pa lang at babanggitin ang salitang 'yon ay hindi mo na babalakin pang makita 'yon.

            Papasok na rin ako ngayon sa paaralan pero hindi ako makaalis ng bahay sapagkat lumabas panandalian ng bahay si mama at naiwan ako. Simula ng matuklasan ko ang kakaibang tinataglay ko ay hindi na rin ako natahimik dahil pakiramdam ko hindi normal ang mga ginagalawan ko. Nagpaikot-ikot naman ako ng paningin sa loob ng bahay at wala namang pinagbago, naging malinis lang at maayos.

            Aalisin ko na sana ang paningin ko sa isang lamesa ng maagaw ang atensyon ko ng isang envelope. Matagal na rin ako hindi nakakakita ng ganoon kaya nilapitan ko naman 'yon pero kukuhain ko na sana ng maagaw bigla sa akin ni mama ang sobre at bigla na lamang niya itong tinago sa kanyang likod.

            "Ma, anong laman niyan?" tanong ko sa dala ng kuryusidad.

            Mabilis namang umiling sa akin si mama, "Wala 'to anak. Isa lang 'tong kalat. Sige na, umalis ka na baka mahuli ka pa sa klase niyo."

            At ang nakakagtaka lamang ay tinulak-tulak ako ni mama palabas ng pinto at hindi ko maialis ang kunot ko sa noo ko. Ano bang nangyayari kay mama?

            "Eh ma, saan ka ba galing?"

            "May tiningnan lang ako."

            "Na ano po?" pagtatanong ko pa.

            "Sige na, mauna ka na."

            Napatango na lang din naman ako kay mama dahil mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin kung ano man 'yon. Kaya nagpaalam na lang ako sa kanya at tinahak ang daan kung saan wala akong matanaw ni isang tao na naglalakad. Napapa-angat na lamang ang kilay ko dahil ni isa, o mga estudyante ay wala akong makita.

The Life in Dark WorldOnde histórias criam vida. Descubra agora