Dark World XXIV

140 6 0
                                    

Dark World XXIV

~Xana's POV

"Ma, sasama ako kay Asylum ngayon sa lugar nila." Pagpapaalam ko kay Mama. Napagkasunduan kasi namin ni Asylum na hihingi na kami ng tulong sa kanilang pinamamalagian doon sa Dark World dahil kailangan na namin ng pwersa upang mapabagsak na ang nilalang na 'yon. Hindi matatapos ang lahat kung hindi mawawakasan ang lahat ng ito.

            Agad naman akong niyakap ni Mama, nakaramdaman ako ng init sa mga yakap niya. "Xana, alam mo na naman ang bilin ko sayo. Mag-iingat ka. Hindi isang paraiso ang pupuntahan mo dahil lahat ng nakapaligid doon sayo ay hindi mo masasabing kaibigan. Xana, anak ko, mag-iingat ka." Saka humiwalay sa akin si mama.

            Tinanguan ko naman si mama at nginitian, "Opo ma..."

            At saka ilang saglit ay may kumatok sa pinto, lumapit naman ako doon upang pagbuksan ng pinto 'yon at bumungad naman sa akin si Asylum. Hindi siya sa akin nakatingin ng pagbuksan koi to kundi napako ang kanyang mga tingin kay Mama. Kaya napalingon din ako kay mama. Nakakapagtaka lamang.

            Biglang pumwesto ng pag-atake si Asylum kaya nabigla ako sa kanya, "Ikaw ang prinsesa ng mga demonyo, bakit naririto ka?"

            Agad kong pinahinanon si Asylum sa nasaksihan niya. "Asylum, humanahon ka, Ang prinsesa ng mga demonyo ay ang nanay ko, ama ko ang Life Taker diba? Ang Life Taker ang hari ng mga demonyo sa kanilang dimensyon."

            "Xana, may dugo ka ring nanalaytay ng Dark Lord."

            Bumuntong hininga naman ako sa sinabi niya, "Posibilidad na oo, Asylum dahil magkapatid ang ama ko at ang Dark Lord na sinasabi niyo pero wala na akong pakealam doon, Asylum."

            "Xana, ang Dark Lord ang naninira ng mga Dark Places ngayon sa Dark World? Hindi ka ba nababahala doon?"

            Mahirap bang ipaintindi na kahit kadugo ko man ang Dark Lord o ang Life Taker ay wala 'yon sa akin dahil sila puro kasamaan, kamatayan at kadiliman ang kanilang iniisip at hangad.

            "Nangangamba Asylum pero sana 'wag mo naman kaming ihalintulad sa kanila. Demonyo sila. Sila ang kamatayan. Kinatatakutan. Hindi ginusto ni mama na magustuhan siya ng Life Taker at ako na pinanganak na may dugong nalalaytay ng demonyo. Alisin mo na sa isipan mo 'yon Asylum, dahil lahat ng 'yon pinagsisisihan namin, kapayapaan ang hangad namin at kabutihan ang manaig at hindi kamatayn. Nakuha mo na ba Asylum?"

            Dahan dahan naman akong tinanguan ni Asylum, "Pasensya na Xana, nabigla lang din siguro ako."

            "Pagpaumanih niyong dalawa, Asylum, saan ka naninirahan sa Dark World?" tanong ni mama kay Asylum. Nilingon naman ni Asylum si mama nawala na rin ang pangamba nito kanina at gulat. Siguro nga at nabigla lang din siya. Kahit ako, ayoko sa ganitong buhay pero nasa dugo na.

            "Sa Aldimoir, ang 3rd Powerful Dark Places ng Dark World." Sagot nito, humarap naman sa akin si Asylum. "Xana, pwede na ba tayong umalis?"

            I nodded to her, "Tara na..." muli ko naman tiningnan si mama at nginitian niya lang ako at tuluyan na kaming lumabas ng bahay. Nagtago naman kaming dalawa sa likod ng damuhan upang hindi makita ang gagawin niyang portal patungo sa tinutukoy niyang kanilang lugar na Aldimoir.

            Mayamaya lamang ay may unti-unting lumabas na liwanag at pumo-pormang pabilog at agad na hinigit ni Asylum ang kamay ko at tuluyan kaming pumasok sa loob ng portal. Hindi ko rin inaaasahan na mapupunta ako sa Dark World, gaya ng sabi ni Metria, hindi dapat ako pumunta dito dahil delikado pero dahil may misyon akong nakatala sa lupa ka-kailanganin kong pumunta dito upang humingi ng tulong.

The Life in Dark WorldWhere stories live. Discover now