Dark World XIII

200 6 0
                                    

Dark World XIII

~Narrator's POV

"Our Dark Lord, ang lugar ng Protoax ay wala na at tuluyang ginawang abo ng Fire Kio Dragon." Ani ng kawal ng Dark Lord.

            Napangisi lamang ang Dark Lord sa magandang balitang kanyang nakuha. Umayos siya ng pagkakaupo sa kanyang malaking trono na pinapalibutan ng kulay itim at pulang nangingintab na bato.

            "Magaling, ang Fire Koi Dragon mo." Nag-isip pa muli ang Dark Lord sa kanyang gustong iparating, "Ngayon, tapusin mo na rin ang natitirang Dark Places sa Dark World. Dark World is in my hands, no one could ever stop me. Sige na! Simula niyo nang isa-isahing ipatumba ang mga kawawang lugar na 'yon." Utos nito sa sanlibutang kawal niya.

            "Masusunod po, mahal naming Dark Lord." Saka yumuko ang kawal upang magbigay galang sa kanilang pinuno.

            Nagsikumpulan naman ang mga kawal at pwersa ng Dark Lord upang maghanda sa kanilang pagsugod sa mga dark places ng dark world. Pinapanood lamang ng Dark Lord ang lahat. Sa tingin niya, siya na ang pinakamalakas na nilalang sa mundo ng Dark World pero nagkakamali siya.

            Mali ang akala niya.

~Xana's POV

Tinawagan ko kanina si Asylum sa magiging plano namin ngayon gabi. Dalawang oras na ang nakalipas simula ng makauwi ako at malapit na rin naman mag alas nueve ayon sa oras ng pagkikita namin pero mas maganda kung magiging maaga pumunta doon dahil mas magiging mahaba ang oras namin para mag-imbestiga sa nilalang na gumagala ngayon sa aming paaralan.

            Nandito na ako sa labas ng Impyernong Paaralan. Naaalala ko pa rin noong mga nakakakilabot na karanasan ko noon pero nawala sila, at bumalik sa kanilang mundo pero nag-iba muli ang pakiramdam ko nang dumating ang isang nilalang na hindi naman namin alam kung ano ba pero sabi nga ni Asylum ay mukhang may kagagawan ang Dark Lord dito o posibilidad na ang nilalang na ito ay ang Dark Lord.

            Madaming tanong pero hindi ko agad mabibigyan ng konklusyon dahil hindi naman ako sigurado sa mga inisiip ko kaya pipiliin ko munang magmasid at alamin ang lahat sa likod nito.

            Itinulak ko na nang dahan-dahan ang nangangalawang na gate, maingat ako upang hindi ako makagawa ng ingay sa paligid. Nang makapasok ako ay muli ko itong sinara. Naalibadbaran kaagad ang ilong na nakaamoy ako ng masangsang na amoy. Pinilit kong lumayo sa amoy pero parang kumapit na sa akin ang mabahong amoy na 'yon. Sinuri ko naman ang paligid, madilim, nakakatakot at tahimik na mga tunog lamang ng kuliglig ang iyong maririnig.

            Hindi ko na natiis pa ang amoy sa kapaligiran kaya tumungo na ako papasok sa loob ng main building pero agad akong nabato nang madatnan kong kung saan pala nanggagaling ang masangsang na amoy.

            Lumapit ako para suriin siya.

            Napaigtad na lamang ako ng makilala ko ito, siya 'yong guard na nagpauwi sa akin kanina pero ngayon, nakabigti siya at wala ng buhay. Pansin ko rin ang patuloy na pagtulo ng dugo niya mula sa kanyang bibig at bahagya sa leeg.

            Napaisip din ako kaagad kung sinong may kagagawan nito?

            Hindi naman si Asylum dahil alam ko ang totoong pakay niya.

            Nasaan na nga pala ang babaeng 'yon?

            "Asylum!"

            "Xana!" Napaigtad ako ng bigla bigla na lang sumsulpot sa tabi ko si Asylum.

The Life in Dark WorldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora