Dark World XV

147 5 0
                                    

Dark World XV

~Metria's POV

"Ah!" Nagising ako sa sakit na naramdaman ko sa leeg ko at nang imulat ko naman ang mga mata ko ay nakita ko si Grano at Yuta na nakatingin sa akin at bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Igagalaw ko sana ang ulo kaso mas umigting ang sakit nito.

            "Magpahinga ka na lang muna, Metria. Hindi makakabuti sayo kung pipilitin mo." Ani Yuta sa akin. Napa-upo na lang ulit ako at dinantay ang likod ko. Ginala ko naman ang mata ko sa paligid at nakakapanibago lamang ay iba mukhang iba na ang kapaligiran. "Oo nga pala, Metria. Nandito na tayo sa Imflora... kung iisipin mo na magaganda ang tanim na bulaklak dito nagkakamali ka dahil lahat ay mapanganib at delikado. Lahat ng lugar ay may patibong."

            "Oo nga, tama si Yuta. Metria, kailangan na nating mag-ingat dahil kung hindi, mapapahamak lang tayo katulad ng nangyari sayo." Ani Grano.

            Napangisi na lamang ako sa kanya, "Hindi ako napahamak, sadyang nakagawa lang ng paraan 'yong Beetoa na 'yon para tusukin ako."

            "Guys! Guys! Nagsara na ulit ang portal na pinasukan natin kanina, bakit ganon ang nangyayari?" Tanong ni Frixon na kakagaling lang sa portal na aming pinasukan patungo sa lugar na ito.

            "Dahil 'yon ang daan ng mga Imflorers para hindi sila mapahamak." Sagot ni Yuta.

            Napatango na lang din naman si Frixon sa kasagutan ni Yuta sa kanya. Lumapit rin naman ito sa tabi nila Grano. Nakasandal lamang ako sa isang malaking bato at hinihintay na mawala ang sakit na nararamdaman ko sa leeg ko.

            "Saan naman kaya galing ang mga Beetoa na 'yon? Ha, Yuta?" tanong ni Grano sa kanya.

            Pansin ko naman  na nag-isip pa si Yuta sa katanungan ni Grano at umayos din ng pagkakaupo, "Palagay ko, ang Dark Lord ang gumawa noon dahil ang mga ganoong klaseng insekto ay karaniwan lamang na makita at 'yon ay nakikita kapag nanggaling sa kamay ng Dark Lord."

            "Bakit naman niya ginawa 'yon?" kuryusadong tanong ni Frixon.

            "Dahil tinalo namin ni Metria ang kanyang mga alagad at siguro isa sa mga dahilan kung bakit nagpadala pa siya ng mga Beetoa at sugurin tayo. May isa pa..." huminto siya sa pagsasalita at lumapit sa amin at ibinulong ang mga salitang susunod na sasabihin, "Alam na niya kung anong pakay natin. Ang wakasan ang pamumuno niya sa Dark Lord."

            Napailing na lang din naman ako sa sinabi ni Yuta. Ako, hindi naman 'yon ang pakay ko dito sa Dark World, nandito ako para hanapin si Jester na hanggang ngayon patuloy pa rin naming hinahanap at wala na akong ideya kung saan pa namin siya makikita dahil mukhang mas malayo na siya ngayon sa kinaroroonan namin. Pero kung gayon din sa hangarin ni Grano at Frixon na wakasan ang Dark Lord ay susunod na rin ako para sa ikagaganda ng pamumukhay ng mga taga Dark Lord hindi 'yong pinapahirapan pa sila ng Dark Lord.

            "Pero paano nila nalaman?" takang tanong ni Frixon.

            Doon na lamang napakibit-balikat si Yuta sa katanungan ni Frixon, "Wala na akong ideya kung paano niya nalaman 'yon pero 'yon nga, maging handa na lamang tayo sa kung ano mang pagsubok at patibong ang darating sa atin."

            "Tama! Tama!" pagsang-ayon pa ni Grano kay Yuta.

             Maya-maya lamang ay nabahala kaming apat ng may maramdaman kaming kakaiba sa paligid na tila nagmamasid lamang sa akin. Mga kaluskos ng mga damo at mga sangang naaapakan sa lupa. Mas lalo kaming naging mapagmasid sa kapaligiran namin dahil kanina lamang ay parang mga kaluskos lamang ang ang naririnig namin ngayon ay hindi na at lalong umiingay ang paligid ng mga baling sanga at mga damo at ang napansin namin sa paligid ay mga paikot-ikot na hindi namin alam kung ano pero sa bawat paligid na titingin ka, may masisilayan ka.

The Life in Dark WorldWhere stories live. Discover now