Dark World XXI

144 5 0
                                    

Dark World XXI

~Metria's POV

Gaya ng sabi ko ay hindi namin pwedeng iwanan at pabayaan na lamang si Yuta kung nasaan man siya ngayon dahil sa sinasabi ni Anatea na Deadly Hour. Kung tutuusin ay mukhang lubos na mapanganib ngang pakinggang ang salitang iyon pero kung sasamahan naman ng pag-iingat ay siguro akong hindi naman ako, kami mapapahamak dito sa Santoperipico. Simula ng unti-unti ng mawala kanina ang paningin ko ay hindi na ako nakaaninag ng kung ano man dito sa lugar ng Santoperipico kundi puro kadiliman lang. Sa ngayon ay wala pa naman kaming nararamdamang kakaiba sa paligid namin kaya siguro ay masasabi naming ligtas pa rin kami.

            "Metria, paano kung hindi natin nakita si Yuta?" tanong ni Frixon.

            Napa-iling at ngisi na lang din naman ako sa tanong niya, "Hindi pwedeng mamatay o mawala si Yuta sa misyon natin, oo, minsan nagiging hadlang siya dahil may gusto siyang patunayan sa sarili niya pero mahalaga rin siya dahil kakampi natin siya at hindi kalaban."

            "Ang dami mo namang sinabi, tinatanong ko lang kung paano kung hindi, diba?" kamot pa sa batok ni Frixon.

            "Naku, Frixon, 'wag ka kasi muna kaagad tumalon sa konklusyon na hindi natin makikita si Yuta, alam mo naman, matigas ang ulo noon. Kaya niya ang sarili niya." Ngisi pa ni Grano kasabay ng pagtahol ni Asux. Nitong mga nakaraang araw lamang ay naging maamo si Asux na minsan na lamang makisalamuha sa amin kundi sa kanyang amo na lamang dahil na rin siguro iniingatan ni Grano ang kanilang half-life.

            Ilang minutong paglalakad ng makita namin ang tinutukoy ni Yuta na poste na may pulang ilaw, agad naman tinahak ang daan papunta doon pero agad kaming napatilapon ng may natamaan kaming nakaharang banda doon sa poste.

            "Anong meron?" ani ko sa pagkabigla sa nangyari.

            Dahan dahan naman kaming tumayong tatlo. Halo halo na ang gulo sa isip namin at hindi alam ang nangyayari at ngayon na sinubukan kong lumapit muli doon ay may naramdaman akong pader ngunit hindi ito nasisilayan.

            "May isang invisible wall ang poste." Tugon ko sa kanilang dalawa.

            "Paano na 'yan?" tanong pa ni Frixon. Masyado na siyang nag-aalala dahil hindi na niya alam kung paano gagawin ang lahat dahil minsan nagiging komplikado na ang sitwasyon. "Saglit lang, si... si Yuta nga!"

            Nang tawagin ni Frixon ang pangalan ni Yuta ay napatingin naman ako sa direksyong kanyang tinuturo at nang makita ko 'yun ay nasa loob ng pader na ito si Yuta at mahimbing na natutulog. Siguro'y hindi niya kami naririnig sa labas pero atleast nasigurado naming ligtas si Yuta at hindi napahamak.

            Inikot ko naman ang pader na humaharang sa pulang poste na ito at nang maikot ko naman ay hugis parisukat ito na nagpo-protekta sa poste. Hindi ko alam kung anong ibigsabihin noon pero baka isang paraan 'yon para hindi tuluyang masira ang kanilang iniingatang lugar mula sa kamay ng Dark Lord.

            "Metria, mag-ingat kayo!" napatayo si Yuta sa kanyang kinauupuan at parang nakita si kamatayan ng madilat ang mata nito. Nang tumalikod naman kami ay agad akong nakailag sa kabilang banda gayundin sina Frixon at Grano upang nailagan ang isang nagbabagang itim na usok. Nang balikan ko ang tingin na 'yon ay mga kampon 'yon ng Dark Lord na isang uri ng usok.

            Bakit nandito sa Santoperipico ang mga kampon ng Dark Lord? Nasakop na naman ba lugar na ito dahil nandito kami? Hindi maaari. Kung tama man ang iniisip ko, hindi na tama na magtagal pa kami sa isang lugar dahil mapapahamak ang mga nilalang sa lugar na pinupuntahan namin.

The Life in Dark WorldWhere stories live. Discover now