Dark World II

329 7 0
                                    

Dark World II

 

Sinusubukan kong gisingin si Grano pero wala itong kibo o hindi siya nagigising. Ilang saglit ay narinig ko ang tahol ni Asux. Agad naman akong napatayo para hanapin sa paligid ang tunog nito at nang pinakinggan ko ng taimtim kung saan ito nanggagaling ay sag awing kanan ko nagmumula. Tinitigan ko ang madilim kong kapaligiran sa kanan ko at saglit lang ay lumabas na ang alaga ni Grano na nagmula kung saan.

            "Ah!" Nagulat ako sa biglang pagbangon ni Grano mula sa sahig na kanina lamang ay walang malay. Agad akong naguluhan dahil kanina wala itong kamalay-malay as in, hindi siya gumagalaw pero nang dumating ang alaga niya nabuhayan siya? Ganun ba 'yun? Pero bakit parang ang oa naman diba.

            "Grano? Paano?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

            Ngumisi siya sa akin, "Kung ang iniisip mo kung bakit nawalan ako ng malay kanina dahil 'yun sa nawala sa paligid ko si Asux." Simula pa nang pagkakita ko dito kay Grano may kakaiba na talaga sa kanya at mukhang hindi nga talaga ako nagkakamali.

            "Ibigsabihin?" muli kong tanong sa kanya. Mas mabuti nang maging matanong dahil sa ngayon minsan ang mga taong nakakasama mo hindi mo na alam ang tunay na katayuan nito sa buhay, kaya minsan dapat maging mapanuri sa bawat kilos ng mga taong o kahit hindi tao ay dapat maging handa ka.

            "Half-life." Tipid nitong sa akin.

            "Half-life?" muli kong tanong.

            "Tama ka nang narinig Metria, ako at ang alaga kong si Asux ay iisa lang ang buhay. Ibigsabihin, pareho lang kami ng buhy—half life nga diba. So, kapag may nawalay sa amin na sobrang pagkalayo layo, ang isa ay mawawalan ng buhay at ang isa ay mananatiling may buhay. Kaya kanina nawalan ako ng malay, si Asux ang umalis."

            "At kapag ikaw ang nawalay sa kanya, posibleng siya naman ang mawalan ng malay?" panghuhula ko sa konlusyon na binibigay niya sa akin.

            "Tama ka! Actually, hindi naman talaga ako kanina nawalan malay. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako normal, katulad mo din ako."

            Napangisi naman ako sa kanya, "Kung ganun, saan tayo magsisimula?" Atat na atat na akong simulan ang misyong ito. Ang hindi ko lang talaga kasi alam kung saan ako magsisimula, ilang beses ko na bang nasabi na masyadong malawak ang dark world at ang imposible pa ay hindi lang isang araw ang gugugulin ko para lang makita si Jester. Sa mundong ito, isang buwan na, isang linggo pa lang sa mundo ng mga tao. Masyadong malayo ang agwat ang time phrase dito sa mundo sa ibabaw kaya hindi na ako umasa na mabilis ang magiging paghahanap ko.

            "Ito lang ang payo ko batang Xaxon..." ipinatong niya ang kanyang daliri sa ilalim ng baba at muling lumingon sa akin. "'Wag na wag kang gagamit kaagad ng lakas mo kundi ang bawi nila sayo ay mas malakas. Nakakabastos sa kanila kapag may nakita silang hindi nila kilala na susugurin na lamang sila. 'Wag ganun Xaxon."

            "Pero paano natin sila matatalo?" Isa pa rin pala talagang misteryo sa akin ang mundo ng dark world dahil marami pa akong hindi nalalaman, hindi naman kasi ako pala-lagi dito sa dark world at malayo ang kingisnan ng pamilya namin dito, may lahing mga espiritista ang mga magulang ko pero nananahan na ngayon sa ibang dimension. Ang dimensyong tinutukoy ko simula una pa lang ay ang mundo ng mga Preetro. Ang Preetro ay ang mga nakatira doon ay kagaya ko na may kayang manirahan sa mundo ng mga tao ng normal at sa mundo ng kamatayan.

            "Kailangan muna na sila ang unang sumugod sayo, sunod gamitin mo na ang lakas mo." Aniya. Napatango na lang ako doon sa sinabi niya. Madali lang pala kung ganun, kaya rin pala nung nagpunta kaming dalawa ni Xana noon ay agad agad kaming sinusugod nito dahil sa lakas na pinapakita ko.

The Life in Dark WorldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt