Pagkauwi ko ng bahay ay agad na pinasok ko na lahat ng gamit ko sa loob ng maleta. Pakanta-kanta pa ako habang isa-isang nilalagay ang damit ko. Natatawa ako sa sarili ko, hindi namang halatang excited ako umuwi.

Hindi ko nga alam kung anong naghihintay sa'kin do'n. I was gone for almost eight months and I have no news about them. Noong una, medyo nahirapan pa ako mag-adjust at ilang santo ang tinawag ko para hindi kuhanin ang cellphone ko at tawagan si Draisen.

My goal is to meet and talk to him again once I'm sure I am finally okay. At ngayong handa na ako, masasabi ko nang kaya ko na siya harapin na walang kahit anong iniisip na takot at pangamba. 

Is it weird that I was so sure that he waited for me? That even though I haven't speak to him or we never had any interactions for the past months, I still believed that he was able to wait for my return.

"Kapag talaga nagawa niyang maghintay ng matagal, hihilahin ko na siya sa simbahan." natatawang bulong ko sarili ko nang masara ko ang maleta ko.

I took a bath and dressed myself up. Nagcommute agad ako papunta sa may bus terminal at agad na bumili ng ticket. My heart is beating fast, I was exhilarated. I can't to wait to go back...to go home. 

Halos kalahating oras nang dumating na ang bus na hinihintay. Sumakay kaagad ako at nilagay ang mga gamit ko sa compartment. Prente akong umupo sa upuan at agad na sumilip sa may bintana sa tabi ko. 

"Babalik ako rito," I smiled, remembering every memories I've made here. 

Umandar na ang sinasakyan kong bus. Sobrang haba ng magiging byahe, siguro mga limang oras bago makarating doon. Hinanda ko naman ang sarili ko at kadalasan ay nakatulog ako. Ilang oras ang lumipas ay huminto ang bus sa isang stopover para makakain ng agahan ang mga pasahero.

Sumikat na ang araw kaya medyo maliwanag na. Maraming mga pasahero ang bumaba at konti lang ang natira sa loob ng bus. Bumaba na rin ako kasi nakaramdam na ako ng gutom at halos tatlong oras pa ang magiging byahe kaya wala nang pagkakataon bumaba.

I smiled as I saw the food on the counter. Naalala ko tuloy ulit si Draisen at ito 'yong mga tipong gusto niyang kainin simula nang ako ang nagdala ng pagkain sa kanya.

"Pa-order din po ng isang halo-halo," I said to the lady on the counter. Nilagay niya iyon sa tray ko at agad na nakahanap ako ng pwesto para kumain.

It was a usual busy day. Maingay dahil medyo maraming tao ang nasa loob ng kainan at hindi lang naman ang mga pasahero ang narito, kumakain din ang mga ibang nasa byahe. Binuksan ang t.v. para may mapaglibangan ang ilang mga narito. 

I was almost done eating when something caught my eyes. Agad na napabaling ang buong atensyon ko sa telebisyon nang marinig ang pamilyar na pangalan. Nabitawan ko ang kubyertos nang makita ang pamilyar na tao. 

"Grabe talaga ang mga mayayaman, 'no?" rinig kong sambit ng isa. "Basta kahit anong baho, gagawin ang lahat para matakasan."

"Akala siguro nila hindi mauungkat 'yong mga dumi nila dahil kaya lahat matakpan ng pera."

"Mabuti nga't ganyan ang nangyari. Dapat lang 'yan sa kanila."

"Biruin mo ang daming namatay tapos ilang taon bago naisapubliko lahat?"

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang hindi matanggal ang tingin ko sa telebisyon. I felt my throat running dry as I watch the news. And those familiar unpublished articles and documents flashed on the screen.

There was a picture of the very familiar looking yacht. Sunod na lumabas ay 'yong listahan ng mga namatay sa pagsabog na nangyari. It was all in the media.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt