Chapter 55: Ex-Friend

Start from the beginning
                                    

Kinorner nya ako gamit ang kamay nya at mas nilapit pa ang muka nya sakin.Napa lunok nalang ako at napapikit nalang dahil ramdam ko na yung hininga nya sa bibig ko.

*Dug *Dug *Dug *Dug

"Dree,praktis daw tayo---" napahinto sya nang marinig namin ang boses ni Ryle.Agad ko syang naitulak nang makita kami ni Ryle na nanlalaki ang mga mata

Mahinang napa-mura si Zekie habang ako naman agad na tinakpan ng buhok ang muka ko dahil sa sobrang embarrassment.

"A-ah eh sabi ko nga lalabas na muna ako.." bago pa man maka-ikot si Ryle ay tumakbo na agad ako papalabas.

Rinig ko naman ang pagsigaw ni Ryle sa loob at alam kong tumatakbo na sya para buhay nya dahil ngayon ay hinahabol na sya ni Zekie.

Buti nalang at pagpasok ko ng Room ay wala pa si Ms.Perez kaya bahagya akong nakahinga.Nakita ko agad na kumaway si Via kaya lumapit agad ako sa kanya at umupo sa unahan nya.

"Oh wala si Jace?" pansin ko nang bakante yung upuan nya.

"uhm,absent daw muna sya,napagod ata sa one week na pabalik-balik rito sa school dahil sa di naka-pasa nung exam natin" tumango ako.

"By the way kumusta yung Trip to Boracay nyo?"

"Pano mo--"

"Nakita ko sa IG ni Thea at Cloud na magkasama kayong lahat,nakaka-inggit nga ih pero anyways ang totoong tanong is....kumusta naman yung kaibigan kong In Relationship sa Band Lead Vocalist ng GFU?" sabay taas-baba ng kilay at tila sobrang excited pa na ikwento ko sa kanya yung nangyari.

"Pano mo nalaman yung tungkol samin ni--"

"Sus! Uso kase mag-open ng Social Media Eryn!" sabi nya at nilapag ang phone nya sa harap ko.

Kinuha ko yun at nanlaki yung mata ko nang makita ang IG post ni zekie at yun yung picture namin nung papauwi na kami,naka polaroid yun at naka-peace sign ako habang siya naka-akbay sakin at naka-ngiti pa with caption "I know it'll be us in the end 🌛♥️"

"So ano nga!!" at dahil sa kulit nya ay inabot kami ng 30 minutes na pagkukwento at tudo impit-tili pa sya nung malaman nya na nagka-aminan kami sabay hampas sakin left & right.Kawawa na nga ako kase parang feeling ko bali-bali na yung buto ko dahil sa lakas ng hampas nya.

"Oh? Anong nangyari sa'yo Eryn ba't may bandage sa siko mo?" tanong ni Thea nang mapansin nya ako na papaupo sa mesa.Sabay na naman kaming lahat na kumain sa canteen.

"Kuya sinaktan mo ba sya?" napalingon silang lahat kay Zekie na tahimik na kumakain.

"Ah,hindi nagkakamali kayo.May nangyari kase kahapon nung papauwi kami galing Mall"

Flashback

"Eryn!!!" rinig kong sabi ni Zekie mula sa distansya.Napatingin ako sa sasakyan na pagewang-gewang papalapit sa amin.

Diko magawang tumayo at umalis biglang bumigat yung mga paa ko.Mahigpit na hinawakan ko yung matandang babae  at napapikit nang biglang may humila samin.

Pagmulat ko ay nakahiga na kami sa sahig ng ligtas at kasabay nun ay pilit na paghinto ng sasakyan habang umuusok pa ang makina nito..

"Are you okay?" nag-alala nya na tanong at hinawakan pa ang muka ko para i-check ako.

"Yung siko mo dumudugo" pagkarinig ko palang nun ay nanginig na ako.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now