Epilogue

8K 144 12
                                    

Kendarius Porter's point of view

“Cornell!”

Iyon ang unang salitang narinig ko kay Felicity. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung natatandaan niya pa iyon o nalimot na dahil sa sobrang kalasingan noong araw na iyon.

Naglingunan ang mga kasama ko. Mabilis akong kinunutan ng noo ni Kendall pero nagkibit-balikat lang ako. Inisip kong isa lang siya sa mga babaeng madalas na dumadayo sa club para mag-inom. For a moment, I thought that was her life. Those friday nights, hangouts. Inisip ko pa ngang baka isa siyang model o hindi naman kaya artista.

Sa sumunod na mga salita nito, naramdaman ko na ang biglang pagbabago ng mundo ko. In that span of time, I already knew what I wanted.

“Cornell! Ang kapal talaga ng mukha mo! Bakit mo ginawa sakin ‘yun? Alam ko may kulang ako pero sapat ba ‘yung dahilan para humanap ka ng ibang ikakama?”

Nakakagulat ang gabing iyon but then, I was really excited to see kung ano ang magiging epekto sa akin nito.

From the very first day, I am interested with Felicity. Mas lalo na noong nalaman kong may mabigat na problema siyang hindi mabigyan-bigyan ng solusyon. I felt angry. . . kahit pa hindi ko naman alam kung kanino marahil magagalit.

The first time she hugged me, kahit pa akala niya ay ako ang asawa niya. . . ilang gabi akong hindi pinatulog ng bagay na iyon.

Pakiramdam ko ay natanggalan ako ng turnilyo sa utak. Hindi ko inasahang mararamdaman at mararanasan ko pa iyon.

When my mommy and daddy died, I seemed to have broken a wing – o baka nga buong pakpak ko pa ang nabali. Ipinokus ko ang sarili sa trabaho pati na kay Kendall. Sinubukan naming tumira nang magkasama dahil na rin sa takot at pangungulila.

Sabay nawala ang mga magulang sa amin. Napakasakit noon kung iisipin kaya tinanggap ko nang sa lahat ng araw ng buhay ko ay magiging malungkot ako.

Not until Felicity came.

Akala ko magiging madali. Akala ko rin noong makumpirma kong may asawa na ang babae ay titigil na rin ako sa paghahanap pero hindi sumang-ayon sa utak ko ang puso.

I became the dumbest person I’ve ever known.

Ang sabi ko titigilan ko na. . . ipinangako ko sa sarili kong titigilan ko na ang parang baliw na paghahanap sa babae pero hindi ako nagtagumpay.

I ended up following her around.

“Oh my God! I'm really sorry. Nagmamadali talaga ako.”

Our second meeting is short but unforgettable – as always. That time, napagdesisyunan ko nang magmove forward.

Ako na mismo ang kumausap sa management nila para kumuha ng coverage sa POSA-Australia. I may be a little desperate pero hindi ko kasi talaga alam kung paano ako maaaring magpapansin lalo na’t may ibang lalaki sa puso nito.

Hindi ko plinano ang manggulo. Hindi ako ganoong tao.

Naging kuntento na akong makita si Felicity kahit sa malayo. I am really amazed sa kung ano ang mga kilos at ginagawa niya.

Hindi naman ako torpe. Hindi naman ako nahihiya sa babae lalo pa’t konkreto ang nararamdaman ko para sakanya pero alam kong rumespeto ng mga harang.

As early as our first meeting, alam ko na agad kung anong mapapala ko sa pagpupumilit pero hindi ko pa rin magawa ang tumigil.

Hindi ko alam pero may maliit na boses na paulit-ulit na bumubulong sa akin na kailangan kong subukan. . . that I should fight for her love.

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now