Dalawampu't tatlo

2.9K 63 1
                                    

Dismayado kong ibinagsak ang maleta ko sa sasakyang gagamitin namin papuntang airport. Ganoon lang. . . tapos na ang tatlong araw na iyon sa Australia. Uwian na naman.

Until now, it really feels too good to be true. Sa tatlong araw na iyon, hindi pa rin pumasok sa isip kong nasa Australia nga talaga ako. There, I promised myself that I'll get back here. At hindi na lang iyon tungkol sa trabaho. I'll get back here as a tourist, too.

"Busangot na bunsangot, ah." bungad sa akin ng kaibigan. Hindi katulad ko, sigurado akong na-enjoy at nasulit ni Tina ang tatlong araw niya rito.

Naiwala ko ang iniisip nang kalabitin niya akong muli saka ngumuso papunta sa direksyon ni Mr. Porter. "Anyare? Lumabas pa kayo nu'ng unang araw, ha? Tapos pagbalik niyo, wala nang pansinan– Oh my gosh!"

Napalakas ang pagsigaw ng babae. Kahit kailan talaga, napaka-OA. Napailing na lang ako noong halos lahat ng kasama ay napabaling sa amin — kasama na rin doon si Yohann at si Darius.

"Did you have sex?" Doon ko na siya hinampas nang malakas. Binulong niya lang naman iyon sa akin pero naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha sa kahihiyan.

Ganoon ba talaga ang iniisip niya roon? Ganyan ba ang pag-iisip niya tungkol sa akin? Ni hindi ko nga malapitan ang lalaki, ibibigay ko pa ang sarili ko sakanya?

"Tina! Quit it!"

Bumungkaras na ito ng pagtawa kaya pinabayaan ko na. Dali-dali akong sumakay sa sasakyang gagamitin pagkatapos ay ipinikit ang mga mata.

Pagkatapos nang eksenang iyon sa Harbour Bridge ay parang biglang may dingding na humarang sa aming dalawa ni Darius. Hindi ko alam. . . hindi ko rin naman halos gustuhin pero mabuti na siguro iyon.

Naging maayos pa rin naman ang turing niya sa akin kaya lang ako itong si iwas na iwas. Pakiramdam ko ako lang rin naman ang naging awkward.

Sa dalawang araw na nagdaan, halos magkulong lang ako sa sariling kwarto lalo na kapag walang ginagawa. Hindi ko man lamang siya binalingan ng tingin. Hindi ko man lang siya kinausap muli.

Para saan pa, hindi ba?

Dapat panindigan ko ang sinabi kong may asawa ako. Dapat hindi ko na siya bigyan ng false hope.

Gustong-gusto kong itanong kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng sinasabi niya sa akin. Kung ano ba talaga ang motibo ng mga iyon dahol mahirap para sa aking makatulog sa gabi na iyon at iyon na lang ang nasa utak. Ano ba talaga ang gusto nito?

But then, kahit sobrang dami kong tanong. . . wala akong ibang choice kundi itikom ang bibig.

"I think he likes you, Fely." Mabilis kong iminulat ang mga mata dahil sa boses na iyon ni Tina. Halos mabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makitang kami pa lang dalawa ang nasa loob ng sasakyan.

"Ano bang sinasabi mo, Tin?" Gusto kong ipagsawalang-bahala ang mga naiisip pero hindi ko rin magawa.

The way he said, 'you don't have to suffer for I am here'

What does he mean by that?

Is it true or is he confusing me?

"Look, wala akong alam sa kung ano man ang nangyari sainyo on the first day but. . . I knew. It's how the way she looks at you. It is full of adoration. Alam mo 'yun? 'Yung parang gumagana 'yung araw niya basta makita ka niya–" I cut her off with a hoarse laugh. Mas lumala ang vocabulary nitong si Tina. Hindi ko na kinakaya ang mga salitang ginagamit!

"Are you kidding me?" Nag-ayos ako ng upo. I tucked my hair behind my left ear. "Tina, ano siya highschool? Saka kung totoo man 'yang sinasabi mo? Kung lang ha. . . fuck? Why me? He's a bachelor– no, he's one of the richest bachelor in the Philippines and I guess even here, in Australia. Bakit pa ako?" Hindi ko alam ang mararamdaman. Basta na lang ako tumawa nang tumawa.

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin