Labing-dalawa

3K 67 5
                                    

Hindi ko agad na sinagot ang tanong niya. Sa halip ay dumeretso ako papasok sa opisina niya. Wala tuloy itong nagawa kundi sundan ako. Kahit pa man nanginginig ang mga tuhod ko ay pasalamat na rin akong nagawa kong makapaglakad nang maayos. Tumigil ako sa sofa na naroon, umupo ako at inantay siyang umupo rin.

Mabilis ko siyang niyakap nang maging magkatabi kami. Wala tuloy siyang nagawa kundi hayaan ako sa ginagawa. Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay agad ko siyang hinarap. Kinuha ko ang mga kamay nito at hinawakan nang mahigpit. Hindi rin nagtagal ang pagbaling nito sa akin.

Marahan na ang ekspresyon nito sa mukha kaya parang naging solid ang laway ko at nahirapan ako sa paglunok. Iyang mga tingin na 'yan ang madalas niyang ibinibigay sa akin noon kapag naglalambing ito sa akin.

Ano bang nangyari sa'yo, Cornell? Hindi ba't kami na man talaga ang magkakampi pero bakit parang ako lang ang natatalo?

"Bakit, Felicity?"

Nagsunod-sunod na ang pagtakas ng mga luha sa mata ko kaya nanginginig man ang mga kamay at madalian ko iyong pinalis. "Wala. . . Bumisita lang ako sa'yo because I really want to talk to you. Hindi na kasi kita nakakausap."

Akmang ibubuka nito ang bibig para magsalita nang pigilan ko siya. Ewan, siguro takot na rin akong marinig ang mga sasabihin niya. His words now can't even ease my pain. Dumadagdag pa iyon doon. "Please, let me talk first."

He hung his head low, circling his fingers on his pants. Napangiti ako roon, hanggang ngayon kilalang-kilala ko pa rin siya. He often do that lalo na if he's anxious. Kapag maraming umiikot sa ulo niya na hindi niya maayos o magawan ng paraan.

"I. . . I know, Cornell. Alam ko naiipit ka sa sitwasyon. Alam ko, hindi one hundred percent sa nangyayari ay ginugusto mo. But then-" Tinutop ko muna ang bibig ko nang marinig ang pagpiyok ng sarili kong boses. With trembling hands, I reached for his face. Hinahaplos-haplos ko ang pisngi niya habang mariin lang siyang nakatingin sakin. "-I want you to know how much I love you, how much I understand and care for you. Alam ko, Cornell, naguguluhan ka rin. Kung pinipili mo ang pagkakaroon ng isang anak even if that means you'll have to lose me. Alam ko, hindi lang din ako ang nahihirapan. You are, too, right?"

Ibinalik ko ang mga kamay ko sa mukha, hindi rin ako mapakali. But one thing's for sure, gumagaam ang pakiramdam ko dahil nagagawa kong sabihin lahat ng nasa loob ko.

"When we got married, hiwalay sa pangako ko sa harap ng Panginoon, I've always wished for your happiness. Naiintindihan kita. Alam ko kung gaano mo kagustong maging masaya. Hindi kita hahadlangan sa bagay na 'yun kasi Cornell, from the very beginning, kung mayroon mang taong gustong-gustong maging masaya ka. . . ako 'yun," hirap na hirap kong sabi dahil sa namamalisibis na mga luha.

Cornell is a victim of physical abuse. Sundalo ang tatay niya, ang mama niya naman ay nasa ibang bansa. Noong bata siya ay iniiwan lang siya ng ama sa tiyuhin. He needs to be perfect ok everything his uncle wants kung hindi ay pahihirapan siya nito nang sobra. There are times that he was force to walk while his on his knees. Nakaluhod siyang magpupunta sa poso at mag-iigib ng tubig para sa mga alaga nitong hayop.

Walang kaalam-alam ang pamilya niya sa ganoon at wala ring araw na hindi niya pinanalanging sana ay lumaki na siya. With that, alam nitong makakaalis na siya sa puder ng tito niya. When he met me, he was twenty. Nako, kung itatanong niyo kung gaano kasungit at kasama ang ugali ng lalaking 'to hindi na lang ako magsasalita dahil wala akong mapipiling salita to describe him.

Pero kalaunan, naintindihan ko siya. He has a horrible past. Pilit niyang nilalayo ang mga tao sakanya dahil akala niya palagi ay sasaktan lang siya ng mga ito katulad ng tito niya.

That time, I wanted to prove him wrong. Gusto kong ma-overcome niya ang trauma niya sa tao. I tried so hard to be with him. Ilang beses niya rin ako noong ipinahiya at pinaalis pero hindi iyon ang nagpatigil sa akin.

Ginawa ko talaga ang lahat ng kaya ko. Hindi ako tumigil hangga't hindi ko siya nakikitang tumatawa at ngumingiti, nakikipagkwentuhan na sa mga tao. I fixed him.

I fixed every bit of him but why is he destroying me now?

Noon, walang naging kapalit ang pagtulong. Hindi ko naman siya gusto. Talagang hindi ko lang makuha kung bakit kailangan niyang magpatalo sa past niya. Para kasi sakin, dapat tayo ang tumatalo sa nakaraan natin. Alam ko sobrang magiging mahirap pero hindi pwedeng maging rason iyon para tumigil.

Nang naging maayos na siya, doon na siya nagbigay ng motibo sa akin. Nagustuhan niya ako, niligawan at nilinaw na hindi utang na loob ang ginagawa niya kundi totoong gusto niya ako.

"I always wanted to see you happy. Alam mo kung bakit?" Hinarap ko ulit siya. Sa pagkakataong ito, namumula na ang mata nito. One indication that he's about the cry. "Kasi ayokong bumalik sa'yo lahat ng sakit. I want you happy that I am very much willing to sacrifice my own happiness. Alam ko, mali. Alam ko, sobrang tanga ng action kong 'to. Pero anong magagawa ko? Besides of loving you, I want you happy. Kaya kung masaya ka sa sitwasyon niyo ngayon ni Zeina, I would definitely accept it. Basta. . . Basta, dapat masaya ka lang palagi. Walang ibang importante rito kundi 'yung happiness mo. You wished for that to happen, right? You prayed for it. You deserve it."

Madalian kong inabot ang noo niyang maglagay ng maliliit na halik doon. Kinuha ko ang bag na ipinatong ko sa maliit na mesa bago tumayo.

Nasabi ko na ang nasa loob ko. Now, I'm an peace. I will be able to accept the situation anytime now.

Tinungo ko ang pinto pero bago pa man ako makalabas ay nagsalita si Cornell, "I love you, Felicity. I. . . I love you so much."

Naging matapang pa ako para lapitan siyang muli. For the last time, I touched his face. . . as if I was memorizing every part of it.

"You don't have to, Cornell. Hindi mo ako kailangang mahalin kung ang depinisyon mo ng pagmamahal ay ang saktan ako ng ganito."

Malulungkot na ngiti ang ibinigay ko sakanya. Bago pa ako tumalikod para maglakad palayo ay kitang-kita ko ang isang butil ng luhang lumabas sa mata ng asawa ko.

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang