Dalawampu

3.4K 60 2
                                    

Pagkatapos ng ilang oras sa byahe, hindi ko na halos maramdaman ang pwetan ko sa sobrang tagal ng pag-upo. Nang makababa sa eroplano ay agad kaming niyakap ng napakalamig na hangin. Buong byahe ay wala akong nakausap sa kanila dahil bagsak ako. Hindi ko alam pero naging kumportable ang tulog kong iyon kaya nakaligtaan ko na ang pagsusuot ng jacket bago bumaba.  Ngayon tuloy ay halos manginig ako sa lamig.
Akmang babalingan ko pa lang si Tina para mangumusta ay bigla akong nakaramdam ng init mula sa isang makapal na jacket na ibinalot sa akin.
Magsisinungaling ako sainyo kung hindi ko sasabihing nag-slowmo ang paligid. Hindi iyon sa pagiging OA pero naramdaman ko talaga. Na para bang kami lang dalawa ang naroon.
Sa susunod kong pagkurap ay mabilis kong ihiniwalay ang sarili ko sakanya na halos nakayakap na sa akin dahil sa paglalagay nito ng jacket sa katawan ko. “Mr. Porter,” hindi magkandaugaga kong sabi.
Mabilis ko ring ibinaling ang sarili ko sa mga kasama namin na halos mapunit na ngayon ang mga labi dahil sa pagngiti, lalo na si Tina na halos pumalakpak pa ang tainga.
“You’re cold. I can let you use my jacket for the mean time,” masuyo nitong sabi. It’s like I was transfixed by his eyes. Nanunuyo iyon. . . it was like they’re saying something that I couldn’t even understand.
“Thank you. . .” hindi na halos marinig ang sinabi kong iyon. I can feel my knees weakened. Kung hindi niya lang hawak ang siko ko ay paniguradong trinaydor na ako ng mga tuhod ko.
“Anytime,” gagad niya saka ngumiti. Iyon na siguro ang sign ko para ayusin ang sarili. Inalis ko ang sarili ko sa pagkakahawak niya at dumeretso na sa lakad.
***
Napakataas na building ang bumungad sa amin pagdating sa lugar. Talaga palang hindi na namin kailangang humanap ng hotel dahil doon pa lang ay malulula na kaming talaga.
At pagmamay-ari ito ni Mr. Porter? Siya lang mag-isa?
Nahimigmigan ako ng marinig ang boses ni Tina sa mismong tainga ko. Ngayon niya lang ako nagawang lapitan habang binabagtas naming ang daan papasok. “Haba ng hair. . . nagrejoice ka ba, girl?”
Imbes na pansinin ang mga sumunod pa nitong tawa ay nagtuloy na lang ako sa paglalakad. Hindi rin nagtagal, bumungad muli sa amin si Fara, iyong sekretarya ni Mr. Porter.
“Welcome po ulit sa Porter's Security Agency. Eto na po ang mga susi ninyo sa kwartong gagamitin,” sabi niya pa bago kami binigyan ng tig-iisang susi.
Teka? Tig-iisa kaming kwarto? Ano ba ‘to? Hotel?
“Kung may problema po, ang telephone sa bawat kwarto ay gumagana naman. You can use them to ask for help or assistance o kung may iuutos pa po kayong iba. Pwede na po kayong magpahinga pero sabi ni Sir, make sure na available na kayo for dinner later dahil sabay-sabay raw po tayong kakain.” Excited anglahat magsitanguan. Ilang minute pa nasa kanya-kanya na kaming mga kwarto.
Hindi pa man ako nagtatagal doon ay halos paulanan na ako ni Tina ng mensahe. . . more like pang-aasar lang dahil sa nakita niya kanina.
Hindi ko na iyon inatim na buksan at dumeretso na agad sa banyo.

Hindi ko na nga namalayan na suot ko pa pala ang jacket na ibinigay ni Mr. Porter. Agad na nag-init ang pisngi ko at mabilis na hinubad 'yun.

"Ano ba, Felicity? Mabait lang talaga 'yun. He's your boss for the whole trip too kaya dapat magtigil ka," mahihina ang naging pagkumbinsi ko sa sarili ko.

***

Nagkorteng O ang bibig ko nang makita ang tambak na mensahe ni Cornell sa Facebook ko. Halos sumakit ang mga mata ko sa nababasa. Halos bilangin ko ang salitang 'please'.

Cornell Carston:
Fely, please
Come back here
You are not going anywhere
Go with me please
Felicity! Ano ba?
Anong klaseng treatment 'yan?
Do you think this is funny?
Ginagantihan mo ba ako?
Please
Fuck please. I SAID GET BACK HERE

Iilang mensahe lang pero tumigil na ako. Nakakasawa. Hindi ko siya maintindihan. Para bang sanay na sanay siyang kontrolin ako.

"Tangina mo, Cornell!" Galit na galit kong hinagis ang cellphone ko sa kama. Pagkatapos ay saka tumalon din pahiga roon.

"I should enjoy this trip! Felicity, wake up! Sobra-sobra na. Make yourself free!"

Ginawa ko na ang lahat ng kung anong kakapagulong-gulong at pagsuntok-suntok sa kama. Talagang kapag may nakakita man ay siguradong tatawanan lang ako, o hindi naman kaya vi-video-han at iu-upload sa Facebook — edi instant trending ang Fely niyo.

Nakakadismaya!

"Sino ba ako? Sino ba? Asawa mo ako, Cornell!"

Sobra-sobra ang nararamdaman kong panggigigil. Nakakatawa na lang rin talaga. Ngayon pa ako nagkaroon ng ganang magalit at mainis kung kailan huli na.

Masama ba ang ginawa ko?

Masama ba kung pinairal ko ang pagmamahal? Mali ba kung kumapit ako sa pinangako?

Ang pagkakaalam ko kasi; sa akin siya nangako pero bakit sa iba niya pinako?

Sapat na ba iyong rason na hindi na ako magkakaanak para iwan niya ako? Para magloko siya?

Napakarami ko pa ring tanong na hindi ko na inaasahang masagot. Tama na. Ni hindi ko na maaatim na makausap pa si Cornell kasi alam kong wala itong ibang gagawin kundi manipulahin ang sitwasyon. . . palabasing siya ang biktima sa lahat.

Sa tinagal-tagal kong nagwala at nagsususuntok doon ay hindi ko namalayang halos maubos din ang energy ko dahilan para tuluyan akong hilain ng antok.

Nagising na lang ako nang makarinig ng malalakas na kalabog sa pinto ko. Doon pa lang kilala ko na agad kung sino iyon — ang maingay na si Tina. Napangiti na lang ako pero nginudngod ko pa rin ang sarili kk sa higaan.

"Fely! Mahal na prinsesa, labas ka na dyan! Kakain na raw tayo," sigaw nito. Kumakalam na ang tyan ko pero wala na ako sa sarili para tumayo pa.

"Tina, you should go ahead. Got no appetite for tonight."

Ilang sandali pa, wala na akong narinig na iba. Mukhang sumuko na ito at napatagal talaga ang tulog ko.

Nagpalipas pa ako ng ilang minuto sa pag-iisip. Uubusin ko na itong lahat ngayon. Hindi ko na hahayaan na bagabagin pa ako ni Cornell sa mga susunod ko pang araw rito. Madali kong kinuha ang cellphone at in-off iyon. Tumayo na rin ako para itago iyon sa maliit na cabinet doon kasama ang mga gamit.

I am sick of all of it.

Pabalik pa lang akong muli sa higaan nang nakarinig na naman ako ng katok. Si Tina talaga, palagi akong iniisip. I can't be luckier with this girl.

Padarag ko iyong binukas kasabay ang napakalawak na ngiti. "Tina, sabi ko okay lang ako. I'll eat tom–"

"It isn't the right thing to do." Halos mabuwal ako sa kinatatayuan nang makumpirmang hindi ang kaibigan ko ang naroon kundi si Mr. Porter.

"Mr. Porter–"

"Darius. . . call me Darius."

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now