Tatlumpu't lima

3K 67 0
                                    

Parang may dumaang anghel sa lugar nang bitawan ko ang mga salitang iyon.

Totoong buntis ako.

Nang makaramdam ako ng kung anong sintomas ay nagpasama na akong agad kay Kendall. Noong makumpirma ay pinakiusapan ko muna si Kendall na 'wag sabihin sa kapatid lalo pa't magulo pa ang sitwasyon.

Hindi ko man plinanong sabihin iyon ngayon ay ito na lang sa tingin ko ang bagay na makakapagpatigil sa dalawa sa pag-aaway.

"Really, Fely? Come on! Tell that guy about our baby," mayabang na sabi ni Cornell na naging dahilan pa ng pandidiri ko.

"It's Darius'," tuluyan ko ng sabi. My eyes were fixed at the man who's waiting patiently for my words. I easily felt my eyes water. Ramdam ko ang kasiyahang nararamdaman ni Darius sa loob niya.

Noong araw na nalaman ko rin ang pagbubuntis ay halos masiraan ako ng bait sa sobrang kasiyahan. I asked my OB about the issue I have. Kwinento ko rito ang katotohanang galing kay Zeina na tinanggal daw umano ang mga obaryo ko dahilan para hindi na ako magkaanak at magkaroon ng dalaw.

Pero iyon nga ang isa sa pinagtatakahan ko. The day I started to live with Darius, dumalas ang pananakit ng puson ko. A day later, nagkaroon akong muli ng dalaw. Nalaman iyon ni Darius kaya sinabihan na akong magpa-check up. Pero hindi ako nakalabas agad dahil na rin sa pagiging busy sa trabaho. Four days ago lang ako nakapagpa-check up, nagawa kong ikwento ang lahat kasama na ang mga sintomas na nararamdam ko at kinumpirma nito sa aking buntis ako.

Ayon sa doctor, totoong nagkaproblema ang dalaw ko dahil sa aksidente. Hindi raw naayos noon ang daluyan ng waste blood ko na inilalabas tuwing may menstruation pero iyon lang naman daw ang ang problema at resulta ng aksidente at wala ni isang obaryo ang tinanggal sa akin.

Sa mga nagdaang araw ay sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman komg galit para kay Zeina at sa asawa ko. Isa lang ang ibig sabihin noon at talagang magkasabwat ang dalawa.

Plinano nila itong maigi. Plinano nilang saktan ako ng sobra-sobra at isisi sa sarili ko ang isang bagay na hindi naman talaga totoo.

Ayaw ko na sanang malaman ng kahit sino sakanila ang pagbubuntis dahil baka kung ano ang gawin nila sa magiging anak ko. But after what happened today, parang tama lang na ibinagsak ko ang totoo.

"Felicity. . ." Susugod na naman sana si Darius sa biglaang paglapit ni Cornell sa akin pero sinenyasan ko siyang hayaan muna ang lalaki.

Alam kong hindi matatapos ang lahat ng ito kung pipilitin naming takasan ang lahat. Hindi matatapos ang isang problema kung walang eksplenasyon.

"You knew about this?"

"No! Hindi! Wala akong alam. Sinabi sa akin ni Zeina na hindi ka na magkakaanak. That's the truth. Fely, she brainwashed me!" Ipinikit ko ang mga mata, pinipilit kong maniwala pero lahat ata ng sasabihin ni Cornell ay itatakwil ng isip ko.

"The moment you two gave me stimulant? Alam mo rin 'yun?" Doon na napipilan si Cornell. Of course, he knew that. Siya pa nga mismo ang nagbigay at nagpapainom ng ganon na iyon sa akin.

"Fely. . . please, give me a chance."

"Just answer my fucking question!" Sa pagsigaw ay sumabay ang pagkirot ng tiyan ko kaya't napahawak ako roon. Halos liparin ni Darius ang distansya naming dalawa para alalayan akong umupo sa maliit na monoblock chair na naroon.

"Fely, can you take a deep breath for me?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at sinunod ang sinabi niya.

"Stay there, alright. Lalabas ako para humanap ng signal. Tatawag ako ng doctor." Nag-aalangan pang umalis sa tabi ko si Darius pero alam niyang iyon ang kailangan.

Naiwan kaming dalawa ni Cornell sa lugar, pareha kaming tahimik. It took a few seconds for the guy to speak. Akala ko ay mangungulit pa itong muli kaya labis akong nagulat sa sunod nitong sinabi. "You'll be a great mom."

Awtomatikong dumapo ang ang palad ko sa bibig. Nagsirko na naman sa isip ko ang mga tanong na para bang hindi na kailangan man maisasagot. Ang sakit-sakit kung iisiping sa isang napakadaling panahon, putol na ang pagmamahalang nagawang ipangakong panghabangbuhay.

"Hindi ko na alam kung paano ko pa magagawang magpaliwanag. Gusto kong magmakaawa pa sa'yo. Gusto kong saktan din ang sarili ko, Felicity. Gusto kong magwala pero alam ko ring gawin ko man ang lahat ng iyon. . . wala, Fel. Kayang-kaya kong umiyak nang umiyak. . . kaya kong lumuhod magdamag, gusto kong patunayan ulit sa'yo na deserve ko ng second chance pero hindi ko mapigilang maging masaya para sa'yo. I am happy. . . No, sobra-sobra akong masaya ako para sa'yo."

Grabe ang naging paggalaw ng balikat ko sa sinabi niyang iyon dahil sa sobrang pag-iyak. Nagsimula ng mamanhid ang buong katawan ko.

Nang nagpropose sa akin si Cornell noon, kami na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Hindi kami noon halos makatulog dahil sa napakaraming plano namin sa kasal. Sa isang gabi pagkatapos ng proposal ay natapos na rin naming planuhin ang kasal simula sa mga bisita, susuotin, venue, lahat-lahat.

I'll never forget that day. Iyon ang unang beses na nasabi kong, 'ito ang pinakamasayang araw ko kasama si Cornell'. Nahigitan ang kasiyahan kong iyon noong ikasal kami, noong nangako kaming mamahalin namin ang isa't isa habangbuhay.

Mas sumobra iyon noong nalaman naming buntis ako pero nagsimulsng bumulusok ang naipon naming saya at pagmamahalan nang makunan ako. . . sumunod ang aksidente, at nagtuloy-tuloy na hanggang ngayon.

I loved this man too much. Talagang minahal ko siya nang sobra. Iyong pagmamahal na hinayaan ko ang sarili kong masira at maubos. Sa sobrang dami rin naming isinakripisyo. . . pero sa isang iglap, aabot din pala kaming dalawa sa pamamaalam.

"I love you."

"I loved you."

Gulat kaming dalawa nang magkasabay ang sinabi. Magkasabay. . . ngunit napakalayo na ng agwat.

"I loved you, Nel. Minahal kita sa mga araw na hindi mo kayang mahalin ang sarili mo. Minahal kita sa mga araw na hindi mo kayang pilitin ang sarili mong kumilos. . . hindi mo kayang ngumiti. Nanatili ako — minahal kita kahit pa sobrang sakit. Minahal kita kahit alam ko na ang totoo. Minahal pa rin kita noon kahit ang ibig sabihin noon ay ang pagiging martyr – pagiging tanga. Minahal kita, eh. Plinano ko na sanang habangbuhay na pasayahin ka, damayan ka. . . samahan ka sa lahat.  Pero Cornell, ikaw mismo ang nagtapon sa akin kaya please lang. . . 'wag na 'wag mo na akong pupulutin ulit. 'Wag mo na akong pupulutin sa iba." Paluhod na bumagsak si Cornell dahil sa sobrang panghihina nito mula sa sinabi ko. Sobrang lakas na ng paghikbi niya pero nanatiling tuwid ang tayo ko.

"Masaya na ako kay Darius. Let me go, Cornell. Tama na. . . ako naman ang pakinggan mo. Ginawa ko na ang lahat ng kaya ko para sa'yo, para sa atin pero wala akong ibang nakuha kundi sakit. 'Wag mo na kaming guluhin at pangako. . . I promise I'll be a great mom."

Nang makabalik si Darius mula sa paglabas ay dali-dali ako nitong dinaluhan at inalo-alo. Hindi ko pa rin mapigilan ang mga mata sa pagluha.

Tuluyan naman nang nanahimik si Cornell sa tabi kaya inunti-onti na namin ni Darius ang pag-alis. Alalay niya ang katawan ko sa paglakad, marahan ang paghaplos nito sa likuran ko.

"You deserve to be happy, honey. I'll let you go. . . I'll accept all the pain na noon pa man ay nararapat na sa'kin. I did try to do my very best to protect you. . . maiintindihan mo rin ako. Maiintindihan mo rin ang ginawa ko."

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें