Siyam

2.8K 44 3
                                    

Kung gaano kabagal ang takbo ng utak ko noong una akong gumising ngayong araw, mas bumagal ito ngayon. Hindi ko na nagawang makilala ang sariling kwarto. Hindi agad pumasok sa isip ko kung nasaan ako ngayon.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi at kung ano ang nangyari. Basta na lang akong gumising sa ganitong lugar at pagkakataon.

Hindi ko na maintindihan. Sinubukan ko muling halukayin ang memorya ko pero wala akong napala. Sa huli, pinili ko na lang tumayo at hanapin ang asawa.

Papunta roon ay hindi ko halos makita ang dinadaanan. Ano ba talagang mali sa akin? Sa sobrang tindi ng sakit ng ulo ko ay hindi ko na magawang makapag-isip ng tama.

"Cornell. . ."

I checked every corner of our house pero hindi ko nahanap ang asawa. Napakahassle noon sa akin dahil hindi ko alam kung saan pa iisipin ang posible nitong puntahan.

I guess I really need to get a doctor.

Nagmadali akong kunin ang cellphone ko. Baka pupwede akong samahan ni Tina o kung sino man. Nakakahiya na nga dahil ilang araw na rin akong hindi nakakapasok sa opisina.

Pipindutin ko pa lang sama ang call icon sa numero ng kaibigan ng marinig kong nagbukas ang pinto. It's Cornell!

Hindi ko na kailangang makita pa mismo ang asawa bago ko pa malamang siya nga iyon. Abot sa ilong ko ang amoy niya, that's really enough.

"Honey–"

It wasn't Cornell – no, it wasn't just Cornell. Kasama nito si Doc. Zeina.

Parang bombang biglang sumabog ang ulo ko. Biglaang rumagasa ang mga alaalang nagawa kong makalimutan kanina.

Muli, tiningnan ko sila ng may purong sakit. They seem very happy. Magkahawak pa ang kamay ng dalawa habang nakangiti at bitbit ni Cornell ang maleta ng doktor.

Daig ko pa ang pinagbubugbog. Daig ko pa ang tinatadtad ng saksak. Hindi ko alam kung paano ko magagawang sabihin kung gaano ako nasasaktan ngayon.

"Hi, Felicity. This will be my home for nine months. 'Wag kang mag-alala, I'll make myself at home." Mabilis akong nilagpasan ng babae, nagsimula itong maglibot sa lugar. Pero hindi sa kanya ang mga tingin ko. Napako iyon sa asawa kong kaharap ngayon.

Blanko ang ekspresyon sa mukha niya. Hindi ko magawang mabasa kung ano man marahil ang naiisip nito at malayong-malayo sa asawang mahal na mahal ko.

Sa isang iglap para itong naging ibang tao. Ibang taong hindi ko kilala. . .ibang taong hindi ako nagawang mahalin.

"Cornell," naluluha ko nang sabi. Gusto kong magpaliwanag siya. Gusto kong sabihin niya kung bakit! Paano? Paanong pumayag siya sa harapan ng babaeng 'yun?

"Cornell, gusto kong magpunta sa doktor. I don't really feel well–" Mabilis ang naging pagsagot niya.

"Si Zeina na ang bahala sa'yo. Titingnan ka niya mamaya." Gusto ko pa sanang magreklamo. Gusto ko pang umayaw. Kaya lang iyong lamig ng boses niya na ang pumigil sa akin na parang. . . wala akong karapatan.

"Cornell, bakit–" Mabilis kong hinarang ang kamay ko sa bibig na parang mapipigilan noon ang paghikbi. "–bakit ka pumayag? Bakit ganyan mo ako tratuhin? Hindi ba. . . Hindi ba sabi mo hindi na natin kailangan 'yun? Hindi ba sabi mo na ako lang okay ka na? Cornell. . ." Mabilis ko siyang hinagkan.

Funny how life works sometimes. Nakakatawa iyong siya ang dahilan ng sakit. . . sakanya nagsisimula ang sakit pero siya lang ang pwedeng makagamot noon.

"Felicity, ano ba–"

"Cornell, mag-usap naman tayo." Hinarap ko siyang muli. Hinayaan ko na lang ang mga luha ko sa pag-agos dahil kahit anong punas ko noon ay nananatiling basa ang pisngi ko. "Cornell, bumalik na lang tayo sa dati. Hindi mo naman gustong magkaroon ng anak, hindi ba? Honey, limang taon kinaya natin na tayong dalawa lang kaya kakayanin ulit natin ngayon." Yinuyugyog ko ang katawan niya pero kahit isang ekspresyon sa mata niya ay wala na akong nahagilap.

Wala na iyong mga matang nagpapaalala sa akin na mahal niya ako at mahalaga ako sakanya. "Cornell, ano ba!"

Tuluyan nang na-blanko ang utak ko. Sino ba naman ang hindi?

Ano ba ang dapat kong maramdaman kapag iyong asawa kong alam kong mahal na mahal ako ay onti-onting nawawala sa akin. Onti-onting bumibitaw harap-harapan.

Dapat nakinig ako sa kaibigan. Dapat hindi ko tinuloy. Pero may kaibahan ba iyon nang nalaman kong may kirida siya?

"Cornell!" Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko sa haraoan niya. Hindi ko maintindihan pero sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong humingi ng tulong. Gusto kong kumalma pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Sige na naman, oh. Kausapin mo na ako," Hinihila-hila ko ang laylayan ng damit niya na para bang isa akong bata na nagta-tantrums dahil hindi nasunod ang gusto.

"Cornell, magiging mas mabuti akong asawa. Gagawin ko–"

"Felicity, ano ba!"

Napakalakas nang pagdaing ko nang tumama ang pwetan ko sa sahig pero hindi iyon ang sakit na naiwan sa akin.

Iyon ang unang beses na naitulak ako ng asawa. Kahit kailan hindi niya ako napagbuhatan ng kamay o kung ano pa man. Ito ang unang beses at napakalakas ng pagtulak na iyon.

Para akong paslit na umiyak na lang nang umiyak. Niyakap ko ang tuhod ko saka ibinubos ang lahat ng luha habang nananalanging matigil na rin ang lahat ng sakit.

Nang mag-angat ako ng tingin sa asawa ko, hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Hindi man lang ako nito inabutan ng kamay o inalalayan patayo.

He didn't even move a muscle.

Mayamaya pa ay bahagya itong umupo, sapat na para maglebel ang mukha namin. "Zeina will stay here katulad ng napag-usapan. Hindi ba ito naman ang gusto mo? I'll give you what you want kaya 'wag na 'wag kang magrereklamo."

Nanginginig na halos ang mga labi ko sa sobrang paghikbi. Marahas nitong idinuknok ang maliit na garapon na lalagyan ng gamot. "Drink. I don't want to see your drama this time."

Hindi agad ako gumalaw. Sa halip ay mariin ko siyang tinitigan sa mata. Naglock ang paningin namin. Mula sa distanya ay wala na akong maski katiting na makita na amor nito sa akin. Lahat blanko.

"Cornell. . ." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago magpatuloy. "Do you love me?"

Ginawa kong mag-antay; ang segundo ay naging minuto pero wala akong sagot na natanggap. Mabilis lang itong tumayo at naglakad palayo.

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now