Tatlumpu't isa

2.8K 66 0
                                    

"Felicity, are you really okay? Kanina ka pa tulala. Nag-aalala na ako." Napapikit ako sa sinabing iyon ng lalaki. Isang oras na ang nakalipas pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Tina pero binabagabang pa rin ako ng mga salitang lumabas sa bibig ko roon.

Mahal ko pa rin si Cornell. Hindi ko kailangang lokohin ang sarili at ang kaibigan — iyon ang totoo.

Hindi ko rin maintindihan. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin iyon nawawala kahit ipinagdudukdukan na sa akin ang mali, ang totoo.

"Fely?"

"Do you still like me?" Mabilis na iginilid at hininto ni Darius ang sasakyan bago bumaling muli sa akin.

"Still? Felicity, ano ba talaga ang nangyari?" Pinilig ko ang ulo, pinili kong tingnam ang labas ng bintana.

"Look at me, please."

"I just wanted to make sure if you still like me. What if it's just an infatuation?"

Dismayadong inihilamos ni Darius ang mga palad sa mukha. "Infatuation?"

"Felicity, I really like you. I am so sure of that. Hindi 'yun infatuation o kung ano pa mang ibang tawag. You are important to me at kapag importante sa'yo ang tao, you don't want to lose her, kahit pa ilang beses ka ng masaktan. . . makasakit o lumaban. That's what my mom told us. And that's what exactly I feel about you." Natahimik akong agad, punong-puno na ng espekulasyon sa isip.

Kahit ilang beses pang masaktan. . . It is like confirming what I really feel about Cornell. Importante pa rin sa akin ang asawa.

"If you'll just let me prove all of that to you, you'll understand. Hindi mo naman siguro ako babasted-in agad, hindi ba?"

Malawak na ngiti ang sunod na ibinigay sa akin ni Darius kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti rin.

Nangako na akong bibigyan ko siya ng pagkakataon kaya sana habang patagal nang patagal ay tuluyan nang mawala ang nararamdaman ko para sa asawang alam kong masaya na rin sa iba.

***

Sa isang buwang kasama ko si Darius, pati na si Kendall na madalas ng bumibisita sa bahay ay mas lumalim ang pagsasamahan namin. Hindi ko man magawang maamin pero sa tatlumpong araw na iyon ay tuluyan nang nagiba ng lalaki ang katiting at natitira kong pagmamahal para sa asawa.

Pagkatapos ng isang buwan alam komg sigurado na ako. Now, I am finally opening my heart to him. Pagkatapos ng mga nagdaang-araw, sigurado na rin akong pareha na kamo gustong ilaban ang nararamdaman para sa isa't isa.

Tuluyan na akong nakacontact ng abogado para sa annulment sa tulong na rin ni Kendall at Tina.

When I told Kendall about the truth, akala ko talaga magagalit ito at ipagtatanggol ang kuya niya but then, mas pinatunayan lang nito na tama ang pagkakakilala ko sakanya. Sinabi nitong wala iyong problema sakanya at susuportahan niya pa rin ang kuya kahit anong mangyari. That if her kuya wants me, she'll want me as well. Kahit kailan daw ay hindi niya kokontrahin ang mga desisyon ng kuya niya lalo pa't kitang-kita nito kung gaano kaseryoso si Darius sa akin.

Masaya rin itong annulment na ang inaasikaso ko lalo pa noong nauna ko ng aminin sakanya ang nararamdaman para sa kapatid niya.

Ginamit niya na rin ang mga koneksyon niya to pull some strings para na rin mapadali ang proseso. Sigurado akong ngayon pa lang ay may natanggap ng annulment papers si Cornell kung nasaan man siya.

"Okay na ba talaga 'yung ayos ng lugar, Dal?" aligaga ko pang tanong kay Kendall na panay na ang pagpi-picture.

Naghanda kami ng maliit na candlelight dinner sa likod ng bahay nila Darius. Katulad ng palukong naisip ni Kendall, ngayon namin susurpresahin si Darius at ngayon na rin ako aamin ng nararamdaman.

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt