Labing-lima

3.1K 52 0
                                    

“Aray, Cornell! Ano ba?” Kaonti pa lang ang distanya naming sa grupong iyon pero mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi naman iyon mahigpit, actually. Hindi ko alam maatim na hinahawakan ako ng lalaking iyon matapos noong nangyari kanina.

“Teka, miss−“ Nilingon ko ang iilang kabigang kasama niya, pawang nagmamatyang ang mga ito.

“Ah, miss? Talagang hindi mo na ako tinuring na asawa? Bakit? Baka marinig ng mga kasama mo tapos hindi ka na makapambabae?” Namewang ako sa harapan niya. I couldn’t control my body kaya paniguradong isang bagay lang ang sisisihin ko kinabukasan – iyang alak na ‘yan.

“You. . . You must be mistaken. Hindi Cornell ang pangalan ko,” paliwanag niya pa. I must be. . . mistaken.
It was a huge mistake noong pinili ko si Cornell noon. Hindi ko mapigilang isipin na paano kung hindi siya ang napangasawa ko? My life will be better. Hindi ko siguro mararanasan ang lahat ng ito.

Nang may makita akong maliit na upuan sa gilid ng kalsada ay dumeretso ako roon at naupo. Hindi ko na napigilan ang mga luha. It was all pain and regrets. Piangsisisihan ko kung bakit siya pa, kkung bakit ako lumaban, kung bakit pilit akong umaasang magbabago pa siya.
Bakit mas pinili kong higpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya kahit may hawak na siyang iba?

“Miss, are you crying?” Matatalim ang tingin ko sa kaharap. Ilang Segundo lang bago ito lumambot ulit at saka madali ko itong hinagkan. Mahigpit ko siyang niyakap habang patuloy na akong humagulgol sa pag-iyak. Hindi rin nakatulong ang marahan niyang pang-aalu sa akin sa marahan nitong paghaplos sa likod ko. Funny how the person who hurts us the most can be the only person can make us calm.

“Bakit mo ginawa ‘yun, ha? Bakit mo ginawa ‘yun? You promised me the world. You promised me everything? Sa akin, eh. . .  sa akin mo pinangako, pero bakit sa iba mo tinutupad?” sa gabing ito, pininangako ko sa sariling iiiyak ko ang lahat. Kung kakayanin ko mang ubusin ang mga luha ko ngayon gabi, uubusin ko talaga.

Sino bang hindi napapagod kakaiyak? Kahit pa man sabihin kong kakayanin kong magtiis, hindi ibig sabihin noon na kaya kong tiisin nang pangmatagalan ang sakit.

“How can you do that? Asawa mo ‘ko! Ang sabi mo−“ Hinang-hina na ang katawan ko kaya sigurado akong kung hindi niya lang ako hawak ay tuluyan na akong naglupasay sa daan. “−Ang sabi mo, mahal mo ako? Gano’n ka ba magmahal? Gano’n ba dapat ‘yun kasakit? Sagutin mo ako!”

Marahas ang paggalaw ng mga balikat ko sa kakaiyak. Hindi ko inaasahang magsasalita pa siya kaya gano’n na lang ang gulat ko nang nagsalita ito nang marahan sa may tainga ko. His cold breaths almost gave me goosebumps. Awtomatiko ko siyang naitulak palayo sa akin.

“No, hindi dapat magiging gano’n kasakit.” Mariin ang titig niya sa akin habang nagsasalita. Hindi ko na siya halos matingnan ng tuwid dahil sa sobrang pagkahilo. I knew this feeling. Anytime now, babagsak na ang mga mata ko.

“And why? Bakit ganito kasakit?” Tuluyan nang nagsirko ang paningin ko, wala na akong nagawa kundi pagpahingahan na ang mga mata ko.

“Miss!”

“Miss!”

***

Wala akong nagawa kundi imulat ang mga mata dahil sa labi kong panginginig. I guess, I am okay now. Natunawan na ako sa alak pero matinding lagnat naman ang kahaharapin ko ngayon. Hinila ko ang kumot na nasa dibdib ko lang nakatabing, mabilis kong ipinulupot ang sarili ko roon pati na ang ulo.

Napakalambot naman ng kumot na iyon, maganda lalo na dahil makapal. Hindi mo na talaga mararamdaman ang lamig na parang galing sa aircon.
Nakakita ko mula sa gilid ng mata ko ang malaking aircon na nasa gilid at hindi ko na kailangang imulat nang malaki ang mata ko para makitang nakapatay iyon.

I really don’t get it kung bakit napakalaking aircon pa ang kailngang gamitin sa isang kwarto. Imagine kung gaano iyon kaaksaya sa kuryente at pagkamahal-mahal−“Shit!”

Mabilis akong napabungkaras. Wala kaming aircon sa bahay!

“Nasaan ako?”

Napatingin ako sa basang tela na nalaglag mula sa noo ko, ginamit iyon para siguro mababa ang lagnat.

Cornell always do that to me before.

Bago pa man ako makatayo ay siya ng pagtunog ng cellphone kong nakapatong sa bed side table. Dali-dali ko iyong kinuha nang makita ang pangalan ni Tina sa screen.

How did I forget about my friend? Ni hindi ko man lang alam kung nakauwi na ba siya?

“Tina!”

“Where the hell are you? Hindi ko sinasagot ang tawag ni Cornell pero panigurado akong hinahanap ka na ng manlolokong iyon. Ang kapal talaga ng mukha!” Dere-deretso na nitong sabi at mukhang umagang-umaga ay nanggagalaiti na naman.

“Pero kasama ko naman si Cornell, Tin. . . “ As if on cue, may pumasok na lalaki sa kwarto kung nasaan ako ngayon. Matangkad iyon at moreno, mabilis niya akong nginitian dahilan para lumabas ang dalawa nitong malalim na dimple. Nanlalaki ang mga mata ko at nagsmila nang manginig ang kamay ko.

“Kasama mo si Cornell? O eh, bakit pa ba ‘yun tawag ng tawag sakin. Nakakaistorbo siyang tulog.”

Natahimik saglit ang kaibigang nasa kabilang linya. “Anyways, nakauwi ako nang maayos kagabi. Kumuha ako ng cab. ‘Wag ka nang mag-alala sa akin. Hindi na rin ako mag-aalala sa’yo.” Impit na tumawa nang tumawa si Tina. Hindi ko pa rin naman nagawang makapgsalita dahil napako ang tingin ko sa lalaking kakapasok lang.

At talagang proud na proud pa siyang naka-topless siya sa harap ko.

“Nakita ko kayo sa CCTV ng bar noong hinahanap kita. Laking lalaki niyan ah, tingnan mo nga kung daks din.”

“Kristina!” Walang pakundangang halakhak lang ang narinig ko kaya minabuti ko ng ibaba ang tawag.
Pinilit kong tumayo dahilan para tuluyan kong makita ang damit kong safe and sound pa naman. Mukhang dinala nga ako ng lalaking ito sa bahay niya at. . . inalagaan?

Nakakahiya dahil nadamay pa siya sa kagagahan ko sa buhay.

Mabilis kong hinagilap ang mga gamit ko, sinuklay-suklay ang buhok gamit ang kamay saka siya hinarap.

“Ano, um. . .  pasensya ka na kung naabala pa kita. Hindi ko na maalala kung anong ginawa ko kagabi dahil sa sobrang tama ng alak pero kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan, humihingi talaga ako ng pasensya. . . “ Yumukod ako nang kaonti.

“Salamat din sa ginawa mong. . . um, ‘yung sa noo ko o kung mayroon pang iba para mawala ‘yung lagnat ko. Maraming salamat. Kailangan ko nang umalis ngayon kasi kailangan ko pang magtrabaho pero kung may nasira man ako, o may nakaaway kagabi.”

Hininto ko ang pagsasalita at nagmamadaling kinuha ang calling card sa wallet. “Pakitawagan na lang ako. Hindi naman ako tatakas, kailangan ko na lang talagang umalis.”

Wala siyang sinabi kaya nagtuloy-tuloy na ako papunta sa pinto. Napahinto na lang ulit nang hinigit niya ako papalapit sakanya. Muntik pa nga akong mapasigaw. Mukhang mas mainit pa ata sa katawan ko ang pandesal niya riyan, eh. “Okay ka na ba?”

Hinarap ko siya at ngumiti. Nilagay ko ang palad ko sa noo, “Mainit lang ‘yan pero hindi naman seryoso. Dahil lang sap ag-inom ko kagabi.”

Madali itong umiling, “Ayos ka na ba?”

Hindi ko naintindihan ang sabi niya pero sinabi kong okay lang talaga ako at kailangan ko nang magmadali. Hindi na ako nagpahatid sa labas dahil ayoko na siyang maabala pero bago ako tuluyang pumanhik ay nagsalita akong muli dahilan para marinig ko ang mala-anghel niyang tawa.

“Magbihis ka, magkakasakit ka sa baga niyan.”

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now