Labing-siyam

3.1K 50 0
                                    

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang antok kinabukasan nang mangyari iyon. Hindi mawala sa isip ko ang nararamdaman ni Zeina. Is that true? Mahal ba talaga niya ang lalaki? Pero kung mahal niya ito, sapat na ba iyon para manira ng pamilya?

Ngayon na ang araw ng flight namin papuntang Australia pero hindi ko mahanap ng excitement na naramdaman ko noong mga naunang araw dahil doon. Hindi ko maatim tanggapin at maintindihan. Can you? Paano ko makakayang tanggapin? Ako ang tunay na asawa pero bakit ako ang kailangang umalis?

Bakit ako ang kailangang magpaubaya?

Pagkatapos ng daan-daang beses na pagkumbinsi ko sa sarili ko ay saka ko tuluyang tumayo. Australia ang naghihintay sa akin at ngayon pa ako nawalan ng gana.

Madali kong tinapos ang paghahanda kaya ilang minuto lang din ang nagdaan bago ako bumaba. Doon ay namataan ko si Cornell na hindi mapakali at parang may inaantay. Nang lapitan ako nito ay nalaman ko na ang dahilan.

"Fely. . . Fely, please. 'Wag ka nang tumuloy."

Sa nagdaang dalawang araw ay wala na itong ibang ginawa kundi pigilan ako. Na kesyo hindi raw siya kasama at baka mapahawak ako — sus! Sakanya pa nga lang sirang-sira na 'yung buhay ko, eh.

Alam kong hindi man ngayon, alam kong magkakaroon din ako ng lakas para umalis at tuluyang bumukod.

"Please? Hindi ako kasama ngayon. Maybe we could go there some other time. 'Wag na ngayon kasi wala ako–"

"Edi sumama ka!" Halos mapatalon sa gulat si Cornell nang sumigaw ako. Kahit si Zeina na nasa malayo at pinagmamasdan lang kami ay napatikhim.

"Fely! Alam mo namang hindi ko kaya 'yan–"

"Then don't tell me not to go. Hindi ako mag-a-adjust sa'yo," madali kong sabi. Umagang-umaga ayan na naman ang labis na panginginig ng mga kamay.

"–don't be so stubborn, Felicity!"

Nagmamadali kong kinuha ang gamit ko. Sapat na ang isang maliit maleta at shoulder bag na dadalhin ko para sa tatlong araw na stay namin doon. Hindi ko na pinansin si Cornell. Kahit gaano ko pa nga kagustong magbreakfast ay hindi ko na ginawa.

Natahimik sa buong bahay. Mukhang inaantay lang nila ang susunod kong gagawin kaya nagtuloy-tuloy lang ako palabas ng pinto. I am really fuming mad at mas lalo lang iyong nadagdagan nang magsalita si Cornell muli.

"'Pag lumabas ka sa bahay na 'to ngayon, wala ka ng babalikan."

Gusto kong tumawa nang tumawa sa sinabi niya. Alam kong una pa lang alam ko nang wala na akong babalikan. Isang malaking kalokohan ang sinasabi niya. Matagal ng sira ang pamilya namin.

Hindi ko lang maatim na ginawa niya pa talaga akong takutin?

Can you imagine how manipulative Cornell is?

Walang pagdadalawang-isip akong lumabas sa bahay na iyon. This time, hindi na ako natatakot. Ngayon, hindi ko na iniisip kung ano pa man ang mga susunod pang mangyayari.

This time, alam kong pinili ko ang sarili ko.

Si Felicity naman.

Madali akong lumabas sa bahay na walang sinasabing iba. Wala na rin akong narinig. Mabilis akong kumuha ng taxi at nagpahatid sa Airport bago ko buksan ang cellphone komg tadtad na ng text mula sa kaibigang si Tina. Hindi ko nga alam kung minu-minuto itong tumatawag dahil noong magre-reply pa lang sana ako nang bumungkaras na naman ito ng tunog.

“Tina,” bungad ko. Mula sa background ito ay alam kong nasa airport na siya. Natawa ako sa pagiging excited ng kaibigan. Isang oras pa bago ang call time na ibinigay ng big boss, nandoon na siya.

Humigpit ang hawak ko sa cellphone nakatapat sa tainga. This day is going to be awesome.  Promise ko talagang mas magiging masaya ako ngayon. This is one of my dreams. BInigyan Niya ako ng pagkakataon matupad iyon kaya sino ba ako para mawalan pa ng gana.

“Get your ass in here! Ikaw na lang ang kulang!” bumungkaras ako ng tawa lalo pa’t hindi lang pala siya ang excited at maagang naroon.

Ops! My bad.

***

“So before this trip starts, gusto kong makilala ninyo ang dalawang team na mayroon dito.” Sa loob ng maliit na coffee shop ay ginawa kong i-brief ang team. Sa kanan ko, naroon ang team na handle ko mula sa SNN news. Naroon na ang napakaingay na si Tina pati na ang iilang journalist na pinili ng big boss.

Sa kaliwa ko naman ay ang bagong team na siyang magiging highlight ng trip. Ayon kasi kay Mr. Juancho, ang big boss namin, ang POSA or ang team ng Porter's Security Agency raw ay may branch sa Autralia at iyon ang unang international branch nila kaya kailangan naming i-feature iyon. Sila na rin ang bahala sa lugar na tutuluyan namin doon pati na ang transportation.

Nabanggit ni Boss Juancho na tatlo lang ang sasama sakanila; ang may-ari, ang sekretarya nito at ang isang kaibigan.

Sinabi ko sa kanilang lahat ng mga impormasyon na siyang magiliw naman nilang pinakinggan.

“Please, introduce yourself, Sir.” Marahan akong yumuko sa harapan ng dalawang nandoon. I wonder why. . . tatlo kasi ang nasa listahan ng big boss.

“We’re very sorry, Miss. Inaantay lang po namin si Sir−“

“I’m here. We can start.” Halos mabali ang leeg nila sa paglingon nang biglang may nagsalita sa likod. Hindi nila napansin ang pagpasok nito sa shop.

“Alright. Good morning, everyone. I am Kendarius Porter, the owner of Porter's Security Agency.”

Nang tuluyang pumasok iyon sa pandinig ko ay agad ko siyang binalingan. Saan ko na nga ba huling narinig ang pangalan na ‘yan?

Ang manbun agad nito ang napansin ko, hindi ko na rin gustong banggitin ang kaputian nitong parang kumikinang. His white formal polo suits him. He stands with so much power and intelligence na hindi mayabang tingnan. May kung ano sa lalaki na pamilyar sa akin kaya lang hindi ko na itinuloy ang paghahalukay sa isip ko. This trip isn’t about people. Alam kong para ito sa sarili ko.

“We’re very sorry for the short delay pero sana mag-enjoy pa rin kayo sa trip kahit habang nagtatrabaho.” Naghiyawan ang naroon na syempre ay pinangunahan na ni Tina. Ang bruha, akala mo naman first time makakapangibang-bansa.

“This is Fara, my secretary and this is her boyfriend, Yohann.” Nakangiti niyang sabi sa aming lahat.

“No! Hindi ko pa siya boyfriend!”

“Hindi 'pa'!”

Nagbangayan ang talaga which I find so cute. Para iyong mga high school students at ako naman ang bitter at masungit nilang teacher.

“How about you introduce yourself to us as well? Okay lang ba? Mas okay kasi kung medyo loose ang turingan natin.”

Minabuti ko ang maupo. Ang team na ang halos hindi magkandaugaga sa pakikipag-usap kay Mr. Porter. Ilang saglit lang ay nagsalitan na sila sa pagpapakilala.

“Uy, Tina! I know you. Hello! Mas maganda ka sa personal!” birada noong Yohan na agad sinupalpal ng babaeng kasama.

“Maka-Tina ka. Close kayo ‘te?”

Muling nagtawanan ang lahat at hindi ko rin mapigilang makitawa. Hindi kasi naging boring ang pag-aantay sa flight. Sigurado rin ako na hindi magiging boring ang mga araw naming sa Australia.

“Yep! That’s our Editor-in-Chief,” nagmamalaking sigaw ni Yassi, isang journalist na kasama sa team. Tumayo ako at madaling yumukod sa kabilang grupo
.
“Felicity Car−“ Natigilan ko nang maalala ang asawa. Iyon ang unang beses na nag-alangan ako kung dapat lang bang gamitin ko pa ang apelyidong iyon. Namataan ko ang pagtingin ni Mr. Porter sa banda ko and I made my hair stand on end. Iyong parang mabilis akong kinabahan pero pinili kong tapusin ang pagsasalita. “Carston.”

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now