Sampu

3.2K 55 1
                                    

Walang pinagbago ang pakiramdam ko nang pumasok ako sa trabaho sa araw na iyon. Ilang araw na rin kasi akong hindi pumapasok at kung madaragdagan pa iyon ay hindi ko na alam kung anong rason ang tatanggapin ng boss ko.

Nagising akong hindi na katabi ng asawa. Masakit man — napakasakit — ay parang alam ko na sa sarili kong wala na akong ibang magagawa.

Nang bumangon ako ay nagtuloy-tuloy na ako sa pagkilos. Sinigurado kong hindi rin mahuhuli.

Nakarating ako sa dining table pero wala na ni anino ni Cornell akong nakita except sa isang note na nakadikit sa ref.

It was Cornell's handwriting telling me that they hurried off to work. Kasama nito si Zeina. Mag-aalas siete pa lang ng umaga at kung tatanungin niyo ako kung ilang beses nang napaaga si Cornell sa pagpasok ay ngayon lang.

Natatandaan ko pa ang sinabi nito sa akin noon na sinusulit niya ang oras dito sa bahay na kasama ako bago siya magpunta sa trabaho. That if he can get all the chances in the world, he'll take it all.

Nakakagalit.

Alam kong may kulang ako bilang asawa pero alam kong hindi ako karapat-dapat sa sakit na ito.

But what can I do? I can't fight these. Hindi ko pwedeng lokohin ang sarili kong hindi ko mahal ang asawa. . . na parang kayang-kaya ko itong iwan.

I am not perfect. I have tons of weakness and this is the best example of it.

Sinubukan kong kumain ng agahan pero humarang na ang sarili kong katawan. Padabog kong ibinaba ang kutsara at nagsimula na lang na magligpit.

Ilang minuto akong naging abala sa kusina bago tumunog ang cellphone ko. Seriously, I was so glad to see Tina's caller name on it. Kailangang-kailangan ko ng kausap.

"Tina–"

"Felicity!" Nahimigmigan ako sa sigaw na iyon. Tono pa lang ay ramdam na ramdam ko na ang panggagalaiti ng kaibigan. But I know the meaning behind those, she cares. Nagagalit ito dahil pinag-alala ko siya. "I've been calling you for a hundred fucking times! Ano bang nangyari sa'yo? Are you okay?"

Awtomatikong napadpad ang palad ko sa bibig. Hindi ko na napigilan ang pagluha. At least ngayon alam ko ng mayroon pang taong natitirang nag-aalala sa akin.

"Hello? Nasaan ka ba? I'm getting ready for work. Dadaanan kita dyan. Nasa bahay ka pa ba?"

Pinili kong patatagin ang sarili ko dahil ipinangako ko sa sarili ko ngayong sisikapin kong ituloy ang buhay.

That if Cornell wants that, walang pagdadalawang-isip ko iyong ibibigay sakanya.

"I'll wait for you here," maiksi kong sabi bago nagawang ibaba ang tawag. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko. Tutal handa naman na akong pumasok ay aantayin ko na lang ang kaibigan.

Among anyone else, andyan pa rin si Tina. Alam kong talikuran man ako ng lahat, my best friend won't leave me.

Siya na lang ang mayroon ako sa ngayon. I need to be as good as possible. Nakakatakot at hindi ko maisip na baka wala na talagang matira sa akin.

"Felicity!" Nagpakurap-kurap sa kaibigan ko na ngayong kaharap. Now, I am starting to get dizzy. Nagawa ko namang uminom ng mga gamot kanina bago umalis pero hindi nagagawang pagaan ng mga iyon ang loob ko.

"Ano? I'm sorry," nahihiyang sabi ko. Madali niyang ipinarada ang sasakyan at pinatay ang makina nito.

Sinunod kong binuksan ang pinto at tuluyang lumaba. Makalipas lang ang tatlumpong minuto ay narating na namin ang opisina.

"Ano ba talagang problema? You know you can tell me, right?"

Napahinto ako sa paglakad. Hindi ko kasi kayang pagsabayin ang paghakbang at ang pagpipigil ng mga luha.

I wanted to be free from all these sufferings pero alam kong mapakalayo pa nito sa kailangan kong pagdaanan. No one can dare to imagine kung gaano kalaking gulo ang pinasok ko.

"Fely, I am here. You can truly trust me. Alam mong kahit paulit-ulit kang talikuran ng mundo, andito lang ako. Come on, tell me what's the problem?" Marahan niyang tinapatan ang pwesto ko pagkatapos ay hinaplos-haplos ang likod ko as if she's telling me that it is okay to be weak for she'll guide me and won't let me fall. Doon pa lang ay gusto ko nang maglupasay kakaiyak pero hindi.

Gusto ko sabihin sa kanya kung gaano kasakit ang ginagawa ng asawa, na gusto kong sumuko, na hindi ko na kaya. Gusto kong ipaalam sa kaibigan ang katotohanang hindi na ako ang mahal at kailangan ni Cornell, na nagawa na akong talikuran ng taong inaasahan ko sa lahat ng bagay.

Gusto kong bumagsak pero may maliliit na tinig pa ring nagsasabi sa aking kailangang kong lumaban.

Nginitian ko si Tina, tinapik sa balikat saka nagpatuloy sa paglalakad.

Labis pa rin akong nahihilo pero pinilit kong makarating sa loob ng kompanya. Hiyang-hiya na ako sa mga tao rito lalo na sa mga boss namin. Ilang araw akong walang paramdam kaya kailangan ko talagang bumawi.

"What did that Cornell-jerk do this time? Parang sumusobra na ang asawa mong 'yan, ah. Hindi porket alam niyang mahal mo siya, gagawin niya na lahat ng gusto niyang gawin," dere-deretsong sabi ng kaibigan. Pilit akong nakikinig. Pilit ko namang ipinapasok sa isip ko ang mga sinasabi niya pero patagal nang patagal ay mas hindi ko maintindihan ang sobrang pagsakit ng ulo at pagkahilo. Iba pa roon ang ilang beses kong pagkalimot sa mga nangyayari at pagkahimatay.

"Tina–"

"I know. I know ipagtatanggol mo pa rin ang lalaking 'yun pero Fely! Hindi ko gusto ang amor ng lalaking iyon sa una pa lang. It's like he's too good to be true as if he's trying to be perfect. Iyang-iyan ang mga ugali ng taong nagbalat-kayo."

Hindi ko na nakayanan ang bigat ng katawan kaya tuluyan na akong nabuwal sa kinatatayuan kasabay ng mabilis na pag-ikot ng paningin ko. Agad akong dinaluhan ni Tina, bigla itong nagsisisigaw at humihingi ng tulong.

At that point, bigla kong naisip ang gamot na binilin sa akin ni Cornell na palagi kong dadalhin. Tuwing nakararamdam ako ng pagkahilo at labis na pagsakit ng ulo ay iyon ang inaabot niya na siyang iniinom ko naman.

Ipinikit ko na lang ang mga mata. I tried to speak at makisuyo sa kaibigan. "Please. . . Tina, may maliit na garapon ng gamot sa bag ko. I need it. Please, paki. . . abot."

Hindi ko nakikita pero alam kong umiiyak na si Tina sa tabi ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya habang kinukuha ang gamot.

"This seems familiar," rinig ko pang sabi niya. "Felicity, sino ang nagbigay sa'yo nito?"

Ilang sandali pa, marami na akong narinig na yapak. Siguro ay may nakarating ng maaaring tumulong.

"Si Cornell. Ang sabi niya kailangan ko 'yang inumin everyday. . . lalo na kapag hindi nawawala ang pagsakit ng ulo ko." I tried to speak normally. Gusto kong baliwalain ang pagsakit kahit pa bagsak na ang katawan ko sa sahig.

"Fuck, Felicity. This isn't just right. This is a stimulant!"

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now