Tatlumpu't anim

3.1K 55 1
                                    

"Oh my God, Kuya! I felt him! Sumipa siya, sumipa– ano ba!" Wala na lang akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang dalawang magkapatid na nasa tapat lang ng tiyan ko. Pawang nakaluhod ang mga ito at nagsisiksikan.

"Three months pa lang 'yan, anong sumipa?"

Bumungkaras ako ng tawa sa pinaggagagawa nila. Ginagawa nilang parang santo ang tiyan ko dahil sa minu-minutong paghawak at paghaplos nila rito.

"I wonder what it feels like if you have a breathing baby in your stomach. Ano kaya sa tingin mo, Ku–"

"Kendall Esmeralda Porter, ano ba!"

Halos kapusin lalo ako ng hininga roon, "Esmeralda?"

Bagsak na ang balikat ni Kendall na parang pikon na. "Hell no! Hindi ko 'yun pangalan. Mahilig lang talagang idagdag ni Kuya."

Hindi na maipaliwanag ang gusot sa mukha ni Kendall dahilan para pagtawanan na iyon nang pagtawanan ni Darius. Master din 'to sa asaran.

"Kasi ganito 'yan–"

"Kuya naman, eh!"

"'Yung ex niyan nung college, pinagpalit siya sa ML. Ghinost, tapos nalaman-laman namin naadik sa laro, grandmaster pa lang naman. Mga halaga ng kapatid ko, pangmythic eh!" Sa sobrang lakas ng tawa ni Darius, nakahawak na ito ngayon sa tyan niya. Ang lalaking ito talaga, napakalakas mang-asar sa kapatid.

Hindi na lumipas ang ilang minuto at tuluyan nang umalis sa kwarto si Kendall na mukhang nagdadabog. Mabilis kaming nagkatitigan ni Darius, seryoso na ngayon ang mukha niya ma para bang hindi man lang kinapos ng paghinga. "Hala ka. Manunuyo ka ngayon, boy."

Patawa-tawang lumakad si Cornell palabas at hinabol ang kapatid. Susundan ko sana ito nang biglang tumunog ang doorbell. I hurriedly go there to check at nakangiting bumungad sa akin si Tina pagkabukas na pagkabukas ko ng gate.

"How's the bride?" Ngumisi ako nang malawak sa tanong niya. Iginiya ko sa kaibigan ang daan papasok sa bahay.

Simula noong dito na ako pinatitira ni Darius sa bahay nila, hindi ko na rin siya napansing bumalik sa condo niya. Paminsan-minsan na lang din ako nakakabisita sa dati naming bahay ni Cornell — tuwing may kukunin na lang na gamit o kung ano.

Sa tatlong buwang nakalipas, pakiramdam ko hindi nakakasunod ang isip at katawan ko. Parang wala akong ibang magawa kundi tumanggap nang tumanggap ng mga bagay.

Na-file na ang annulment sa korte. Ginagawa nang mapabilis ang annulment process pero hindi ko masasabi kung hanggang kailan iyon magtatagal. Sa tatlong buwan kasing iyon ay hindi pa umaattend si Cornell na siyang mas makakapagpabilis ng proseso. Nakakalap na rin naman kami ng sapat na ebidensya at mga witnesses para makapagpatunay doon kaya sigurado na kaming ilang buwan na lang ang kailangan naming antayin.

Nagawa naming pag-usapan ni Darius ang kasal. Pareha kaming gustong gawin iyon bago ako manganak at bago pa lumaki ang tyan ko kaya puspusan din ang ginagawa naming preparations. Labis-labi ko ring naaappreciate ang tulong mula kay Tina at Kendall. . . wala na akong ibang hihilingin pa.

Masaya ako sa tuwing gumigising ako sa umagang katabi si Darius at sa batang lumalagi na ngayon sa tiyan ko. Hindi ko magawang maipaliwanag ang maramdaman.

It felt so true. . . na siyang mas ikakasaya ko pa.

Talagang magkakaroon na rin ako ng sariling pamilya.

Si Darius. . . he can make me feel everything. Iyong lahat ng naging paghihirap ko mula kay Cornell ay nagawa niyang burahin kahit sa maiksing panahon.

"Good morning, Miss Carlos." napasinghap ako sa biglaang pagdating ni Darius sa tabi ko. Ngumuso lang si Tina sakanya saka humarap sa akin.

Nang magkakilala ang dalawa, nagkaroon pa ng asar-buddy si Tina. Pare-pareha iyang mga ‘ya pero mga asar talo rin naman.

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now