Apatnapu't dalawa

2.4K 45 0
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter may contain short scene of depression and suicide. Read at your own risk.
*****

“Anong ibig mong sabihin, Tina?”

Nakaupo sa gilid ko si Darius, nilalaro-laro ang nanginginig kong mga kamay. Pagkatapos kasi ng pangyayaring iyon sa airport ay naisipan naming ituloy ang pag-uusap sa ibang lugar; lugar kung saan hindi makikita ni Marides.

Nag-aalangan man ay pumayag si Kendall sa pakiusap kong mauna na silang umuwi sa bahay. Ngayon pa lang ay hindi ko na mapigilang matakot para sa anak ko.

Bakit ganito ang nangyari?

Sa tatlong taon ay wala naman kaming ibang narinig mula sa mga Rockwell, naging tahimik ang lugar, naging tahimik din ang pangalan nila sa Pilipinas o kung saan pa man.

Bakit ngayon? Bakit ngayon pa?

Pagkatapos ng tatlong taon at kung kailan namin naisipang bumalik ay saka pa lumantad ang panibagong problema.

“Tina. . . please, tell us.”

Alam kong kahit gaano ko pakalmahin ang sarili, bumabalik lang ang lahat ng takot ko tuwing nakikita ko ang reaksyon mula sa kaibigan.

She’s too burdened with the fact at patagal nang patagal ay mas lalo ko lang napatutunayan sa sarili na totoo nga iyon.

“Zeina. . .” Halos magkandatapon-tapon ang inumin niya sa pagkakahawak. ”She’s dead."

Bahagya kaming nagkatinginan ni Darius dahil sa nakikita. The situation’s not good for my friend. Hindi ko pa alam kung ano ang dahilan ng lahat pero takot na takot na ako.

I’ve never been this scared for the past three years. Akala ko, iyong buhay na mayroon ako sa mga taong iyon ay mananatili.

“Tina, calm down. Kung hindi mo pa kayang sabihin ngayon, Darius and I won’t force you. Dumeretso na muna tayo sa bahay, we’ll be safe there–”

“She hanged herself. She lost it. She. . .” Tuluyan nang napahagulgol si Tina sa kinauupuan.

Parang may ibinagsak din sa ulo kong kung ano. She must be wrong! That girl. . . Zeina, hinding-hindi niya magagawa ang bagay na ‘yun! More than anything, alam ko, napakalakas ng loob ng babae. She wouldn't do that!

Hindi ko gustong maisip pero awtomatikong rumagasa sa utak ko ang mga nangyari sa nakaraan. Sa kung paano ko unang nakita si Zeina mula sa aksidente, sa pagkahuli ko sakanila ng asawa, sa ginawa nila mismo sa harapan ko. Sa lahat ng masasakit na alaalang ibinigay nila na hanggang ngayon ay hinding-hindi ko pa magawang makalimutan.

She died. . . She was already gone. At kahit gaano ko man isiping patawarin siya ngayon ay hindi ko magawa.

We. . . We didn’t have any closure. Hindi ko man lang nagawang itanong sakaniya kung bakit. Kung bakit mas pinili niyang guluhin ang pamilya namin ni Cornell.

“We didn’t know what’s the exact cause but Hani’s been so sure it was Postpartum Depression. Three years ago, nanganak din siya at simula noon hindi na naging maganda ang takbo ng utak ni Zeina. It wasn’t actually her first time doing that. Ilang beses na pero sa pagkakataong ito, just hours ago, papunta ako sa airport nu’ng tinawagan ako ni Hani to confirm the news. I didn’t expect this! Nakita ko pa lang siya with Cornell last–” Mabilis siyang napahinto nang mapansin ang walang kontrol sa mga sinasabi.

“Tina, wala tayong alam dito.” Napansin ko ang biglaang pagsinghap ng katabi ko pati na ang pagkagulat ng kaibigan. “That isn’t our business nor problem kaya labas tayo roon. Kung mayroon mang nangyayari sa pamilya nila, hindi natin kailangang madamay kaya ititigil na natin dito ang pag-alam sa kung ano talaga ang nangyari.”

Isinunod ko ang pagtayo at mabilis naman nang sumunod doon si Darius. Nakaalalay ito sa likuran ko na siyang labis ko naman naa-appreciate. He’s an angel.

Nang makarating sa bahay ay sinikap naming iwakli iyon sa isip. Hindi kami dapat magimbal o maapektuhan ng balita. Tatlong taon na ang nakaraan at kung ano man ang naging problema nila ay sila-sila na lang ang nakakaalam noon.

We must live our own lives. Bumalik kami rito sa Pilipinas na walang ibang naiisip kundi ang maging masaya at simpleng pamilya. No one can harm us here. This house will be our safe place.

Masaya akong makita si Tina na nalilhbang dahil kay Marides at Kendall. Napagdesisyunan din namin ni Darius na ‘wag na munang sabihin kay Kendall lalo pa’t ayaw naming magkaroon siya ng takot sa paglabas ng bahay at pagtatrabaho.

Alam kong hindi naman na dapat kami mag-alala at matakot pero gagawa pa rin kami ng iilang paraan para makaiwas kung sakali.

I value my family a lot at katulong si Darius ay sisiguraduhin naming wala ng ibang makakalapit pa sa amin at magbibigay ng panganib. Sinanay na namin ang mga sarili naming kami-kami lang sa tatlong taon.

“Wife! Come on. He’s waiting for you!”

Agaran akong lumabas sa banyo sa sinabing iyon ni Darius. We’re ready to sleep, bukas ang magiging unang araw ni Darius sa trabaho sa POSA dito sa Pilipinas. Siya pa rin namamahala roon pero hindi na siya muling nakapasok pa.

“Who’s waiting for me?” madiin kong tanong pagkatapos ay tinungo na ang direksyon ng asawa.

“Him!” Gusto kong matawa sa pagturo ni Darius sa bagay na nasa gitna ng mga hita niya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ito.

Akala mo ay kung sinong katakot-takot na nilalang sa trabaho pero kapag nasa bahay ay kung ano-ano na ang pinagagawa at sinasabi.

“Darius, ano ba!” Napasigaw na lang ako nang bigla ako nitong hapitin papalapit sakanya dahilan para bumagsak ako sa mismong ibabaw nito. “Huy! Maaga ka pa sa trabaho bukas.”

I couldn't help but to laugh. He’s the most amazing man I know. He can make me laugh, hope, accomplish everything I want. . . Hindi man siya iyong lakaking una kong minahal at pinakasalan, sigurado akong sa mga susunod pang mga buhay, siya at siya lang ang pipiliin ko.

“How about you grind on me this time, huh, Wife?”

Hindi na ako nagpapigil. Mabilis kong pinaghiwalay ang mga binti at malayang umupo sa umbok niya sa pagitan ng mga hita.

Ngiting-aso ang loko kahit hindi ko pa nagagawang gumalaw. “Stop teasing me. Ride me now, Fely!”

“Mami!”

Naubos ata ang dugo ko sa katawan sa biglaang pagbukas ng pintuan. Iniluwa noon si Marides habang hawak-hawak ang paborito nitong manika. Hindi ko na alam kung paano ko nagawang makaalis agad sa posisyon.

“This kid,” bumubulong-bulong pang sabi ni Darius na siyang pinagtawanan ko na lang.

“Tita Esme keeps on bothering me to go here. Ang sabi niya, ‘wag ko raw po kayong hayaan magplay. Mami, gabi na po. Magpe-play pa kayo?" walang kamuwang-muwang na sabi ni Marides habang isinisiksik ang sarili sa braso ng ama.

Tahimik at hindi nakasagot si Darius sa tanong na iyon pero kitang-kita ko ang disappointment sa itsura nito.

Napailing na lang ako at niyakap ang dalawa nang mahigpit. Hindi rin nagtagal at magsimula na naman kami sa pangingiliti sa isa’t isa.

Marides seems to be always at my side kaya palaging si Darius ang kawawa at ang kinakapos ng hininga sa sobrang kiliting nararamdaman.

We are the happiest family. Hinding-hindi ko hahayaang masira na naman iyon ninuman.

Sa pagkakataong ito, hindi na ako magiging mahina.

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now