Apatnapu't apat

2.4K 48 0
                                    

“I loved you. . .” Nanatili ang mabibigat kong titig sa lalaki. Prente lang itong nakaupo sa tapat ko na parang naging normal na ang pag-iyak sakanya.

Mula sa kinauupan, sa isang maliit na coffee shop, ay tanaw ko si Marides at ang batang lalaking kasama ni Cornell na busy sa paglalaro.

“I love you, still.” Patagal nang patagal ay mas lalong lumala ang panginginig ng kamay niyang nakapasok sa mesa. “I’ll love you always.”

I loved him, too. Napakaraming bagay ang pupwede kong sabihin para mapatunayang totoo iyon. Minahal ko siya sa pinakaunang araw hanggang sa kahuli-hulihang beses, hanggang sa hindi ko na kayanin ang sakit. Binigay ko rin ang lahat ng kaya ko, inubos ko ang sarili ko.

“Cornell, tama na–” mabilis kong sabi. Hindi iyon ang gusto kong marinig ngayon. Gusto kong marinig ang paliwanag niya sa kung paano kami umabot sa ganito. Kung paano niya kinayang tiising araw-araw akong nasasaktan. . . Kung paano niya magawang ilagay ako sa sitwasyong alam niyang hindi ko kailanman kakayanin.

Kung bakit sa iba niya tinupad ang mga pangako niya.

Gusto kong malaman ang lahat. . . pero hindi ibig sabihin no’n na maibabalik pa namin ang lahat sa dati.

“Si Zeina, Cornell, patay na ba talaga siya?”

“It wasn’t Zeina’s fault.”

Gusto kong pagsisigawan ang lalaki. Paanong ginagawa niya pang ipagtanggol ang babae? Noong mga panahong, sarap na sarap sila sa isa’t-isa. . . noong mga panahong masayang-masaya sila sa pagkakaroon ng anak, sinasakal ako ng sakit. . . para akong kandilang unti-onting nauupos at nauubos.

Hindi ko na napigilang pakawalan ang isang butil ng luha pero nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa naging basang-basa na ang pisngi ko.

“Kagagawan ‘to lahat ni Zaccarias Rockwell. Our accident, sinadya niya ang lahat ng iyon at kasama iyon sa plano niya. He. . . He was after you, Fely.”

Ramdam na ramdam ko na ang milyon-milyong punyal na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko. “I don’t even know him! Bakit ako? Bakit sinira nila tayo?”

“But you knew the woman he loved,” tapat na sabi ng lalaki. Diretso ang tingin nito sa mukha ko kaya sigurado akong kitang-kita niya ang takot na sumilay sa mga mata ko. “Your mother.”

Hindi ko na nagawang ibuka ang bibig. Ang mga luha ko na ang nagpapahayag ng nararamdaman.

“It was your mother’s infidelity. Ayon sakanya, pinagtaksilan daw umano siya ng nanay mo at nagawang magpabuntis sa iba. Gusto niyang maghiganti sa nanay mo but he can’t do that. Hindi pa, dahil hindi niya pa alam kung nasaan siya. So he planned to do everything to see her, to make her come out at kasama ka roon. Iniisip niyang kung sasaktan ang anak niya, mapipilitang lumabas ang mommy mo–”

“I don’t even know that woman! Hindi ko alam kung kilala niya rin ako! Hindi ko alam kung magpapakita siya para sakin. Hindi ko alam kung nasaan siya or kung buhay pa ba siya! Cornell! Ano ba? Paano titigil si Zaccarias?” I just lost my calm. Kung totoo nga ang sinasabi ni Cornell, nasa panganib pa kami dahil hindi pa nagagawang lumabas ang babaeng inaantay ng Zaccarias na ‘yun.

“I’m sorry. . . I–I tried to protect you–”

Hindi ko na napigilan ang bumungkaras ng pilit na tawa dahil sa narinig mula sa lalaki, “Protect me?”

“Fely–”

“You tried to protect me? Cornell, you fucking ruined me! Naubos ko! Mas inuna kitang isipin kaysa sa sarili ko! Inuna kong mahalin ka kasi sa sarili ko–” Hindi ko na natuloy ang sinasabi. Parang sa isang iglap nalunok ko ang mga gustong isumbat sa lalaki.

The Martyr Wife (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now