Chapter 51: Bonfire

Start from the beginning
                                    

"Natakot ka siguro,tara na" hihilahin sana ako ni KD pero bigla akong nagulat nang hilahin ako ni Zekie.

"No, she's going with me" wala na kaming narinig na objection dahil naglakad na kami paalis.

"Wear this" napatanga ako dahil may pinakita syang pajama at malaking white shirt.

Seryuso? Beach? Nakasuot ng Pajama?

" Don't look at me like that" at dahil no choice yung ate nyo ay pumasok ako sa isang cr at sinuot yun

Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad pabalik dun sa mga kasama namin at dahil sa sobrang tahimik naming dalawa ay diko maiwasang mapasalita.

"Uhm Z-zekie" bigla syang huminto ng di lumilingon sakin.

"Y-yung ano kase.....y-yung ano...yung" nanlaki yung mata ko nang humarap sya sakin at naglakad papalapit,as is sobrang lapit.Umatras ako pero hinawakan nya yung likod ko para di ako makalayo.

"H-hoy anong g-ginagawa mo?"

"Just say it..."

"Ang alin-"

"Say it or i'll kiss you till you drop" natikom ko yung bibig ko, tumingala ako sa kanya ng bahagya at di nya parin tinatanggal ang mga mata nya sakin.

Lasing ba'to o ano?

"A-ano kase..yung n-nangyari kanina–"

"Why? Ano bang nangyari kanina?"

Seryuso? Sinasadya nya bang kalimutan nya yun para masabi ko?

"Ah wala kalimutan—" di nya ako binitawan at mas hinigpitan pa ang kapit sa likod ko

"Aish,y-yung nangyari kanina,yung nasampal ko yung b-babaeng k-kasama mo d-diko yun sinasadya" napatungo ako,narinig ko naman ang bahagyang pagngisi nya.

"Tell me,are you jealous?" agad kong naiangat yung ulo ko sa sinabi nya.

Di ako makapagsalita dahil halo-halo na yung nararamdaman ko,yung parang kinakabahan,na di makapaniwala,na parang---diko ma-explain,jusko juice...

"J-jealous?" napalunok ako.

"A-ano kase.."

"Babe?" agad ko syang natulak dahil sa narinig naming boses.

"Who is she--o my god,ikaw yung sumampal sakin kanina diba?"tinuro nya ako saka tiningnan ako head to toe.

"Look at you,sinabihan mo pa akong mang-aagaw e mukang dika naman kamahal-mahal" sabay kapit sa braso ni Zekie

HA? G-grabe yun ha,personalan?

"Shh,babe let's go" hinila na sya papalayo ni Zekie habang ako naiwang nakakuyom yung kamao..

Bumalik ako sa kanila at may maliit silang bonfire na nasa gitna ng bilog,nagdalawang isip pa ako kung saan ako uupo dahil yung setting is By Partner,as in lahat sila meron na ako nalang yata ang wala.

"Sit here" hinila ako ni Thea palapit sa kanya kaya di na ako nakapalag pa.Napalingon ako sa katabi ko at kita ko naman ang pagtingin sakin ni Zekie pero agad din akong umiwas dahil yung mga tinginan ng babaeng kasama nya na tila papatay na.

"Okay guys maglaro muna tayo" tumayo si Ryle.

"Anong kalokohan na naman ba'to ha,Ryle?" sabi ni Cloud habang naka-akbay sa babaeng katabi nya

"Bro,hindi to kalokohan.Promise pagkatapos ng larong to may revelations na mangyayari" napakunot kami ng noo

"Revelations?"

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now