CHAPTER 49:Beach Break

Start from the beginning
                                    

"T-teka A-airport to ah?" tumango lang si Ryle

Walang ideyang lumabas ako sa sasakyan habang pinagmamasdan ang paliparan.

'Takte san' ba ako dadalhin ng mga to..

"Here's your luggage" napalingon ako kay Kendell,may nilapit sya sa harap ko na dalawang maleta.

"Binili na namin lahat ng types ng mga damit na pwede mong suotin sa pupuntahan natin and don't worry may ano narin dyan—yah! you know what i mean,girl thingy's" tumawa sya pagkasabi nya nun habang ako ay parang nangamatis sa hiya.

'Seriously? P-pati u-undies ko binili nila? Ano kaya r-reaksyon ng sales lady?

Pumasok kami ng hila-hila ko ang dalawang maleta pero nagulat ako nang makita ko ang pigura ng apat na babae at isang lalaki na naghihintay sa waiting area.

Ang D.E.A.D SQUA---i mean sina Desiree,Elaine,Thea at nandito din sina Sammy at Jacob.

"Hi Bes!" agad akong niyakap ni Samantha.

"Ba't kayo nandito?"

"Plano ka kase naming i-suprise para pumuntang palawan pero sakto din namang dun din naman pala ang punta nila Ezekiel kaya nakisabayy nalang kami" excited na sabi nya.

"H-HA? P-PALAWAN? AS IN PALAWAN ISLAND?" halos malaglag yung panga ko sa sinabi ni Sam.

Matagal ko ng pangarap na pumuntang palawan para makita ang mga magagandang tanawin at mala-krystal na tubig

'Ako na yata yung walang ka-alam alam sa mga nangyayari...

"Yes oh yes baby kaya let's go and fly" parang baliw talaga to si Sam,hinila nya ako na ikinasunod naman ng iba.

*After 2345 years*

Feeling ko masusuka ako dahil sa tagal naming nakasakay sa van at dagdag pa ang ilang oras na byahe sa airplane.

"Guys welcome to Coron Palawan" sabi ni Kaizer kaya napalingon ako sa kanya.

"Don't tell me Kai na kayo ang nagmamay-ari neto?"

"Uhm,not literally.Yung lolo ko ang may ari ng lahat ng to pero isa ako sa may nagmamanage" napanga-nga ako.

'Grabe ramdam ko yung pagiging slapsoil ko ah..

"Tss...Ano ka ba Eryn wag kang mahiya,free to gala-gala noh"

Wow Sam sa'yo pa talaga nanggaling yan ah,palibhasa sobrang kapal ng muka mo.

"Your Bestfriend is right Eryn,you don't have to be shy" sa sinabi ni Kai mas lalo lang tuloy akong nahiya.

Tumingin ako sa orasan ko at 4pm na ng hapon at takte kumakalam na yung tyan ko,juicekolored..

"Tara punta tayo dun,may pina-reserve na akong table para sa ating lahat for tonights dinner kaya tara let's" nagpasiunang sabi ni Kai.

Naglakad kami papasok ng resort at diko talaga maiwasang mamangha like nakakalag-lag panga yung ganda.Yung scenery at kung pano mo makita ang paglubog ng araw.

'Takte gusto kong maiyak sa tuwa .

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa kani-kaniyang kwarto para i-arrange yung gamit dahil 3 days daw kaming mamalagi dito.Sabay kaming lumabas ni Sam para maggala-gala muna.

"Eryn!!" napalingon ako sa tumawag sakin.

Naningkit yung mata ko dahil may kasama sina Cloud na mga babae at nakabikini pa.As lahat silang pito kasama si Jacob na may kasamang mukang mga hito na mga babae.

"Wow,kakadating lang natin naka-bingwit na agad kayo ng isdang maalat?" sabi ni Samantha na matalim na nakatingin kay Jacob kaya natawa ako.

'Feeling ko talaga may selosan na nangyayari eh.

Natapon naman ang tingin ko kay Zekie na nakatingin lang sakin habang may nakalingkis sa kanyang babae.

"Babe,let's go there dun tayo mag make-out" feeling ko lahat ng kinain ko kanina umakyat sa utak ko dahil sa sinabi nung babae

'M-make-out?? Dyos kolored kayo na po bahala sa kanilang dalawa..

"Uhm,Sam tara dun tayo???" hinila ko sya malapit sa tubig at umupo sa buhanginan.

"Ugh~ Naiirita na ako kay Jacob ah lalo na sa babaeng hitong yun kung makalingkis kulang nalang lagyan ko sila ng Shoes Glue para di na sila maghiwalay pa" at dinakma nya yung buhangin saka binato sa harap namin..

"Galit na galit lang sis?" panunuyong sabi ko saka tumawa.

"Eh ikaw,dika ba naiinis nung nakita mo si Zekie na may kasamang iba?"

"Oh bakit napunta sakin yung usapan?"

"Eh kase naman,alam mo Eryn dapat nga may maramdaman kang konting inis dun sa babaitang yun dahil alam din naman ng lahat na M.U kayo ni Ezekiel" napa-iwas ako ng tingin

"Sino bang nagsabi na di ako naiinis dun sa babaeng yun,kulang na lang nga sabunutan ko yun eh" bulong ko pero buti nalang at busy parin sya sa kakabato ng buhangin dahil sa inis.

'Ket di na nga niya sabihin alam ko namang may feelings sya kay Jacob noon pa man.

"Tara iligo nalang natin yang inis mo?"tumayo ako saka pinagpagan yung suot ko..

"Hmm..Ayaw ko nga baka masira lang yung balat ko sa tubig"

"Ehh? So ano pang pinupunta-punta mo dito kung di karin lang naman maliligo?"

"Edi mag hahanap ng bbyboys" napataas yung kilay ko.

Tss..

Lumapit ako sa tubig hanggang sa maabot ng alon ang paa ko,napangiti ako dahil sa wakas nakatapak narin  ako sa dagat ng coron.Napatingin ako kay Sammy na nakahiga kaya agad ko syang binasa ng tubig..

"Hey! Ano ba Eryn..."

"Eh sa ayaw mo maligo eh" tumawa ako dahil talagang yung muka nya sobrang epic..

"AH! So ganito pala gusto mo ah" agad akong tumakbo hanggang sa magbasaan na nga kami..

Bumalik kami sa kwarto mga 11pm na kaya sobrang napagod ako,si sam naman kase ayaw magpatalo,di sya titigil hanggang sa sumuko ako pero in the end pareho kaming napagod..

Paikot-ikot lang ako sa kama pero ayaw talaga akong dalawin ng antok.Lumingon ako sa katabi kong kama parang sleeping beauty namang natutulog si Sam.

Tumayo ako sa kama at saka lumabas nagbabasakaling mapagod ako kakalakad at dalawin na ako ng antok.

"Ugh~H-harder p-please!!"

"Hnng..~"  agad akong nag madaling naglakad dahil nagulat ako sa narinig ko.

Takte,bakit dito pa.

Liliko na sana ako sa may bar nang makita ko si Zekie at yung kasama nyang babae na nagyakapan at naka-ngiti pa yung babae habang diko naman makita ang muka ni Red pero alam kong sya yun dahil sa buhok nya at yung epekto ng presensya nya sakin.

Siguro dahil sa kalutangan ko ay naglakad ako papalapit sa kanila saka hinila ang braso nung babae.

" *Pak*  Sis! Okay lang na maghanap ka ng kayakap pero please lang wag yung may nagmamay-ari na"

-------------------------🌠------------------------ABANGAN! UPNEXT CHAPTER 50

(A/N: Good Day Blu_Readers,i'm sorry if i keep you waiting in every chapter because me and my modules na nakatambak is comeback na ulit so wag na kayong magtaka kung matagal yung UD sa mga susunod pang chapters dahil estudyante din po yung author nyo.Hihi😁 Yun lang,wuv y'all)

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now