🔥Chapter Five

18 5 0
                                    


Lorraine

HINDI KO namalayan na nakatulog pala ako sa sofa. Nagising na lang ako sa ingay sa paligid. Minuklat ko mga mata ko. Nuong una 
"Serial killer? Seriously? Why would they put serial killer here?"

"I'm scared. Katapusan na ba natin ito?"

Ilan lang iyan sa mga narinig ko. Nandidito ang lahat sa sala dahil sa nangyari kanina. Lahat ng tao ay nagtipon-tipon sa kanan kasama na ako duon at nasa kaliwa naman si Alfred. Mag-isa lang siya. Sinulyapan ko siya na nakade-kwatrong upo sa isang tabi.

Sa unang tingin mo pa lang sa kaniya ay mararamdaman mo na ang lamig na pinapakita niya. Ang arte ng mukha niya. May mababakas kang eyebags sa mga mata at may sugat siya sa bandang pinge, halatang bagong bago pa lang ito. May mga sugat din ang tuyo niyang labi.

"Tch,"

Nabalik ako sa reyalidad nang gumalaw ang labi niya. Napaiwas ako ng tingin nang tinitigan ko siya sa mata at nakitang nakatingin din pala ito sa akin.

Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na binalingan ako ng tingin ni Jacob ngunit hindi ko iyon pinansin at pinaglaruan ang mga daliri ko.

Ilang minutong katahimikan ang lumipas bago nagsi-alisan ang lahat at pumunta sa kanya-kanyang kwarto. Hindi ko alam kung anong kwarto ang papasukan ko nang niyaya ako ni sister Mary at pumasok kami sa kwarto niya. Nilingon ko muna si Alfred na nanatiling nakaupo sa sofa at nakatulala sa kawalan.

Pagkapasok namin ng kwarto ay may iilang mga babae ang bumungad sa amin. Napamasid ako sa paligid.

Mayroong mga iilang kama na nakahilera sa magkabilang gilid habang sa pinakadulo sa gitna ay mayroong isang malaking salamin. Mayroon ding mga cabinet sa gilid at iilang magagarbong ilaw sa kisame sa itaas.

"Dito ang kama mo." pagtuturo ni sister Mary sa isang bakanteng kama.

"Huwag mo na problemahin ang mga kakailanganin mo kasi every week ay nagpapadala ang mga sa itaas ng mga gagamitin natin. Mga damit, pagkain at iba pa."

Tumango na lamang ako sa sinabi niya at nahiga sa kama. Umalis din naman si sister at iniwan ako. Rinig ko ang mga daldalan ng ibang mga babae na nandidito sa loob pero hindi ko sila pinansin.

Nakatulala lang ako sa bukas na ilaw sa itaas ng kisame nang biglang may ulo ng tao ang lumitaw.

Nabigla pa ako sa nakita kaya napaupo sa kama at tinignan ng masama ang babae.

"What? 'Wag ka pa-victim, hindi bagay." sabi ni Maddison at inirapan pa ako bago pumunta sa kama niya't nahiga.

Kung minamalas ka nga naman. Dito pa talaga ang kwarto ng isang 'yun. Tch. Nawalan ako ng gana kaya naman lumabas ako sa kwarto at napadpad ako sa kusina. Binuksan ko ang ref pero puro raw foods lang ang mga nakita ko sa loob. Wala man lang tinapay.

"Baguhan ka ba?"

Nabaling ang tingin ko sa nagsalita at nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng may suot na puting kalo sa ulo, iyong pang-chef ba. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Bigla ako nakaramdam ng pagka-ilang kaya napaatras ako.

"O-oo, eh." bulol kong tugon.

Napatango siya at mas lalong lumawak ang ngiti sa akin. Umiwas ako ng tingin nang mailang ako sa ngiting ibinibigay niya sa akin.

"Nagugutom ka ba?" tanong niya. "Sa lamesa, may Adobo." nakangiti niyang sabi.

Bigla akong natakam sa sinabi niya kaya mabilis akong naglakad papunta sa lamesa. Kumuha ako ng plato't kusara at naglagay ng pagkain sa pingan. Sumubo ako at takam na takam itong nilunok.

🔥Prison Hell (On-Going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin