Prologue

41 8 9
                                    


Sa labas ng simbahan sa Santa Oas, isang batang babae ang nagmamakaawa sa mag-asawang na kupkupin siya ng mga ito. Siya si Claire. Sa murang edad pa lamang ay nakadanas na siya ng pagmamalupit sa kaniyang ina na si Ising na naging dahilan nang kaniyang pagtakas sa kamay nito. 

"Ayaw ko na po kay inay! Pu-pwede po bang sa inyo na lang ako tumira?" iyak ni Claire sa harap ng dalawang mag-asawa.

Nagkatinginan naman ang dalawang mag-asawa na tila bang nag-uusap ang kanilang mga mata. Makikita sa mukha ng batang babae ang lungkot at takot. Mabilis namang umiling ang lalaki at binalingan ng tingin ang batang babae.

"Claire, hindi pu-pwede ang gusto mo. Maaari kaming makasuhan ng kidnapping kapag tumira ka sa amin." pagda-dahilan ng lalaki 'saka ulit binalingan ng tingin ang asawang babae.

"P-pero sinasaktan po ako ni i-inay!" hagulhol ng batang babae. "Binubugbog niya po ako kapag wala ako mabigay sa kaniyang pera." dagdag pa ng bata.

Magsasalita pa sana ang mag-asawa nang biglang sumulpot ang anak nilang si Lorraine at niyakap ang kaibigan niyang umiiyak. 

"Mommy, daddy! Please po, pumayag na kayo." pagmamaka-awa nito sa kaniyang mga magulang. "Please?"

Sa huling pagkakataon ay nagkatinginan ulit ang mag-asawa bago sabay na napabuntong hininga.

"Alright. I'll talk to Ising." ani ng babae.

Sabay na napangiti ang dalawang magkaibigan at niyakap ang mag-asawa. Nagpaalam ang dalawa na maglalaro muna para matanggal ang kabagutan habang nagmi-misa pa sa loob ng simbahan. Mula sa labas ay madidinig ang sermon ng pari pa-tungkol sa sampung utos ng panginoon. 

"Basta huwag kayong lalayo. Dito lang kayo malapit simbahan kung maaari." bilin ng lalaki na ikinatango naman ng dalawa.

Pumasok na ang mag-asawa sa loob ng simbahan habang ang dalawa naman ay nagtakbuhan sa mini garden ng simbahan kung saan mayroong mini fountain na naglalaman ng iba't ibang kulay ng isda. Umupo ang dalawang magkaibigan sa gilid ng fountain habang tinitignan ang nagla-languyan na mga isda.

"Alam mo, lagi na lang nag-aaway sila mommy at daddy. Nuong nakaraang gabi, nadinig kong magfa-file na daw ng divorce si daddy. Ano ba ang divorce, Claire?"

Natigil si Claire nang tanungin siya ni Lorraine tungkol sa divorce. Sandali siyang tumigil upang mag-isip kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang iyon. Grade 3 man ang natapos niya, hindi naman ito naging hadlang upang magkaroon siya ng sapat na kaalaman sa mga bagay-bagay. Alam niyang tungkol sa hiwalayan ng mag-asawa ang salitang iyon.

"Hindi ko rin alam, eh." kahit alam niya man ang sagot, pinili ni Claire na magsinungaling sa kaibigan dahil alam niyang malulungkot ito kapag sinabi niya ang totoo. 

Bakas ang lungkot ni sa mukha ni Lorraine. Dahil ayaw niyang nakikitang malungkot ang kaibigan, nagsalita si Claire.

"Hayaan mo, pangako, magiging buo at masaya ang pamilya mo- natin, dahil nandidito na ako. Pamilya na tayo. Simula ngayon, magkapatid na tayo, iisa na tayo. Kung ano ang sa'kin, ay sa'yo na rin." ani niya sa kaibigan.

Hindi siya pinansin ni Lorraine. Binaling nito ang paningin sa fountain at sa mga isdang lumalangoy, manghang-mangha sa mga ito.

"Ang ganda ng mga isda 'no Lorraine?" sambit ni Claire.

Napatango naman si Lorraine sa sinabing iyon ni Claire habang maiging pinagmamasdan ang kulay orange na isda. May nabuong aydeya sa isip nito at walang pasabing kinuha ang isda. Napapikit pa ito nang bahagyang may tumalsik na tubig sa mukha niya. Nagulat si Claire sa inaktong iyon ni Lorraine at napatingin sa paligid.

"Lorraine, ano bang ginagawa mo? Ibalik mo nga 'yang isda! Baka makita ka ni Father Chris!" bulong ni Claire sa kaibigan.

"Shush..." itinapat pa ni Lorraine ang huntuturo nito sa bibig. "Hindi naman malalaman ni Father Chris kung walang magsusumbong, eh." pagbabara ko sa kaniya "'tsaka, nagmi-misa kaya siya." saad nito sabay silid ng isda sa maliit nitong bag na dala at sinara.

"Matagal ko na gustong magkaroon ng alagang isda pero hindi ako binibilhan nila mommy." sabi nito sabay nguso.

"'di ba kasalanan ang magnakaw?" saad ni Claire. "'Yun ang sabi ni Father. Kapag nagnakaw ka, siguradong pagbabayaran mo ang nagawa mo pagdating ng araw." dagdag pa nito.

Natahimik si Lorraine sa sinabing iyon ni Claire. Aaminin niyang gusto niyang ibalik ang isda sa fountain pero may pumipigil sa kaniya. Matagal niya ng gustong magkaroon ng alagang isda, at eto na ang pagkakataon niya para magkaroon ng isa kaya hindi niya palalampasin ang pagkakataong iyong.

Tch, isa lang naman, eh.

Umiling ito sa naisip at agad na tumayo.

"Ewan ko sa'yo. D'yan ka lang, naiihi ako."

Nauna na itong naglakad papunta sa loob ng kumbento. Madidinig pa din ang misa sa loob ng simbahan. Dumeretsyo siya sa isang maliit na eskinita kung na saan ang Cr. Agad siyang bumalik naglakad pabalik nang matapos. Babalik na sana sya sa lugar kung saan iniwanan niya si Claire nang mapatingin siya sa paligid at lalong namangha sa nakita.

Naglakad pa siya ng naglakad hanggang sa makapasok siya sa kombento na mas lalong ikinamangha nya. Napatingin siya sa ceiling kung saan naka ukit ang litrato ng iba't ibang anghel. 

"Wow,"

Ipinagpatuloy niya ang paglilibot ng tingin at hindi mapigilan ang sariling hawakan ang mga estatwa ng mga santo na nakikita hanggang sa mapadako ang tingin niya sa isang estatwa ng simbahan.

Nagtaka siya dahil kumpara sa iba na nasa loob, iyon lamang ang naiiba. Hindi ito santo. Sa isip-isip niya, parang personalized ata ang estatwa. Pero hindi naman ito kamukha ng pari. 

Kakaiba ang disenyo ng nasabing estatwa at tulad ng iba ay makulay din ito ngunit parang merong kakaiba sa bagay na ito at hindi niya magawang ibaling ang tingin sa iba. Nakaupo ito sa isang sofa at may hawak na pera sa kaliwa't kanan nitong kamay.

Hahawakan na sana niya ito nang may humawak sa braso niya.

"Lorraine, kanina pa kita hinahanap." hingal na hingal na saad ni Claire. "Hinahanap ka nila mommy at daddy. Halika na!"

Wala nang nagawa pa si Lorraine nang hilahin na siya ni Claire papalayo sa lugar na iyon. Sa huling pagkakataon, binalingan niya ng tingin ang kakaibang estatwa.

🔥Prison Hell (On-Going)Where stories live. Discover now