🔥Chapter Three

17 6 3
                                    


Lorraine
Underground

"ISA KA DIN BA SA KANILA?" tanong sa akin ng lalaking nasa harapan ko.

Agad kong itinaas ang dalawa kong kamay habang dahan-dahang tumayo.

"S-sinong sila? " bulol-bulol kong saad sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. Ilang segundo niya akong pinagmasdan ng mabuti para bang sinisigurado niyang isa akong kakampi. Nahiya naman ako sa pagtitig niya sa akin kaya napayuko ako.

Nakita ko pa siyang napangisi.

Marahan siyang tumango bago ibinaba ang baril na hawak palayo sa mukha ko. Nakahinga ako ng maluwag nang ginawa niya iyon.

"Ma-swerte ka, natakasan mo 'yung baliw na estudyante sa baba."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Estudyante? Hindi naman isang estudyante ang nakaharap ko sa baba, ah, kundi isang baliw na doktor na gustong kunin ang mga mata ko.

"Hindi estudyante ang nakaharap ko." nakakunot kong sabi sakaniya.

Kung ganun, hindi lang pala isang baliw ang nanduduon sa ibaba.

"Dok-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tumalikod na ito sa akin.

Sumenyas siya sa akin bago umalis kaya naman sumunod ako sa kaniya. Napasubaybay ako sa paligid habang naglalakad.

Kumpara kanina na parang nasa Hospital, ngayon naman ay parang nasa isang bahay ka... mali, para akong nasa loob ng isang mansyon. Bawat lingon ko ay may nakikita akong painting na mukhang mamahalin maliban sa isang lumang painting na nasa isang gilid.

Mayroon ding mga naglalakihang vase na naka-display at mga halaman. Napatingin ako sa itaas kung nasaan ang mga naglalakihang at kumikinang na mga chandelier.

Sunod ko namang tinignan ang dinaraanan ko. Ngayon ko lang napansin na naglalakad ako sa red carpet habbang sa dulo naman ng hallway ay may natanaw akong isang magarbong pintuan.

Ang dami namang pinto dito. Kinakabahan na tuloy ako kung ano ang pwedeng bumungad sa akin sa bawat pintong bubuksan ko.

"Ano bang nagawa mo? Bakit ka nila pinatapon dito?" pagtatanong sa akin ng lalaki habang naglalakad kaming dalawa sa hallway.

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ang lalaki na nasa harapan ko. Sa sobrang pagkamangha ko sa paligid ay nakalimutan ko nang may kasama pala ako.

"N-nagnakaw?" sagot ko. Totoo naman kasi.

Hindi ba iyon naman 'yun? Iyon naman ang dahilan kung bakit ako nakulong dito.

May kutob ako na dahil sa matandng pulis na iyon kaya ako nandidito. Natatandaan kong sinabi niya na masyado ng madami ang nagawa kong kasalanan at kailangan ko ng bayaran ang lahat ng iyon.

Natigil siya sa paglalakad kaya natigil na din ako. Sinulyapan ko siya. Nakatulala lang siya sa harapan at marahang nakabuka ang bibig. Naalarma ako sa inakto niya kaya naman nagsalita na ako.

"A-ayos ka lang ba?"

Napailing ito sa sinabi ko at para bang nabalik sa reyalidad nang magsalita ako. Sinulyapan niya ako bago nagtuloy ulit sa paglalakad kaya naman sinundan ko ulit sya. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang naglalakad hanggang sa magsalita siya.

🔥Prison Hell (On-Going)Where stories live. Discover now