🔥Chapter Ten

5 1 0
                                    


Madisson
Nickname

"Look girls! Ang daming pinadala ng mga nasa taas na damit!" I said habang pumipili ng damit mula sa dalawang box na ibinaba ng mga nasa itaas.

Nakangiti kong pinili ang isang floral dress na kulay yellow at pumunta sa kwarto para isinukat ito. I have curves kaya kitang-kita ang hulma ng katawan ko.

Nga naman! Nakangiti akong umikot-ikot sa harapan ng full length mirror na nandidito sa kwarto. Ang sexy ko talaga!

Natigil ako lang ako at napatingin sa pinto ng bumukas ito at iniluwa nun si Warren. Mabuti nalang ay tapos na ako magbihis, kung hindi ay baka makita niya ang napaka-ganda kong katawan, duh! Napaka-walang manners naman ng isang 'to!

"Warren? What do you need ba?" inis kong tanong sa kaniya. "Don't you know how to katok? Napaka walang manners!" maarte kong saad.

Nakita kong umirap ito at napakunot ang nuo. Mas lalo niyang ibinuka ang pagkakabukas ng pinto at napahawak sa magkabilang bewang.

"Oy conyo na kidnapper, oras na po natin para magbantay sa labas." medyo pasigaw niyang saad.

Tumango na lang ako at iwinagayway ang isa kong kamay senyales na lumabas at isara niya ang pinto ng kwarto.

Tsk. Why do I need to make bantay ba? I wasn't born to bantay lang.

"Bilisan mo, ngayon ka na lang nga magbabantay."

Pasimple ko syang inirapan at labag sa loob na lumabas ng kwarto kasama siya.

Bago lumabas sa mala-mansyong kwarto ay kinuha namin ang mga baril na nasa isang safety box sa gilid at naglakad sa hallway papunta sa harapan ng elevator.

Bakit nga ba namin kailangang magbantay dito? Ah! I get it. Para sa kaligtasan ng mga ka-preso namin. Wala naman kasi dito mga pulis kaya walang magbabantay sa amin.

See? Kahit kaming mga makasalanang preso na nandidito kailangan protektahan? Pathetic! Pero dahil isa ako sa mga preso, well... hindi na ako magsasalita.

May schedule ang magbabantay dito sa harap ng elevator. Noong minsan kasi may nakapasok sa "Mansyon" na isang baliw at pinagpapatay ang ilan sa mga walang kalaban-laban naming mga kasamahan.

Ang trabaho namin ay siguraduhing matitino ang mga nakakapasok sa mansyon at kung isang baliw naman o pycho- shoot to kill.

Buti na lang nga ay may nahalungkat kaming mga baril sa mansyon para depensa namin kapag nagkataon nga.

"Oy conyo, naiihi ako. D'yan ka lang, ah."

Nabaling ang tingin ko ki Warren na mabilis na tumakbo pabalik sa mansyon.

"Bilisan mo!" sigaw ko sa kaniya.

Nakita kong itinaas niya ang kaliwang kamay na naka-thumbs-up sabay pasok na sa loob. Umiling na lang ako at ibinalik ang tingin sa elevator.

Magku-kulay pula ang bilog sa taas ng elevator kapag may taong nakasakay dito at dito sa floor na ito ang destinasyon.

Ilang minuto ang lumipas, nakatutok lang duon ang paningin ko nang may marinig ako kaluskos sa may hallway. Nandito ako sa may sulok ng hallway kaya kitang kita ko ang kabuuhan nito.

"A-anong?"

Napatingin siya sa akin nang magsalita ako. Nanlaki ang mata nya at mabilis na lumabas sa kinaroroonan niya.

Nagsimula akong maglakad papunta sa kanya para sana tanungin siya kung ano ang ginahawa niya duon nang mabilis niyang hinugot ang baril sa likuran at mabilis akong pinaputukan.

🔥Prison Hell (On-Going)Where stories live. Discover now